CHAPTER 14

45.8K 1.5K 461
                                    

Chapter 14




Ady Pov

Hindi ko makapa ang panga ko nang malaglag iyon dahil sa sinabi ni sir Laszlo. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Ang puso ko ay humataw sa kabog. Oo... oo nga't gusto ko si sir Laszlo pero iyong sinabi niya kanina-kanina lang ay hindi pumasok sa isip ko. Oo nga't nanaginip na ako sa ganoong bagay pero binaon ko na iyon dahil alam kung hindi pwede. Oo nga't binigyan na ako ni sir Laszlo ng blowjob pero iba iyong sinabi niya. Hindi iyon maaari. Hindi maaari pero bakit di man lang ako nakaramdam ng pandidiri sa kaisipang gusto akong anuhin ni sir.



Imbes na mandiri ako bakit nasasabik ako? Bakit ganito? Dahil ba gusto ko si sir Laszlo kaya na nanabik din ako? Iniling ko ang ulo ko. Alam ko na sa bagay na ito ay dehado ako. Baka naiisip lang ni sir Laszlo ang bagay na iyon dahil... gusto niya ng may mapaglaruan? Gusto niya ng may mapaglaanan siya ng pansin? Pero lalaki si sir Laszlo at lalaki ako pero alam ko rin ang katotohanang pwede iyong gawin. Hindi ba straight si sir? Ako... ako ay aminado na na gusto ko siya pero siya, ano? Wala siyang sinabi na gusto niya ako. Ang sinabi lang niya ay gusto niya akong anuhin.



"S-sir..."



"Ady, I don't want you to avoid me but now that you know it. I guess wala na akong magagawa pa kung iiwasan mo ako. I'm confused, too, Ady. I've never thought nor like to fuck men before until you. I don't know what's with you but..." huminga ng malalim si sir Laszlo. "yeah, I want you."





"Magkaibigan po tayo sir." mahinang saad ko sa kanya.





"Yeah, we're friends but I did kiss you, I blow you yet that wasn't enough. I want more." biglang tumawa si sir Laszlo pero iyong tawang hindi nasisiyahan. "Am I creepy Ady? Do I sound like a fucking pervert to you?"





"Sir..." wala na atang ibang salitang nalalaman ang utak ko at iyon na lang ang nasasabi ko. Ang utak ko ay di na gumagana ng maayos dahil sa mga pinagsasabi ni sir Laszlo. Ang mga pinagsasabi niya ay nakakaliyo, nagkakabuhol-buhol na ang utak ko. Hindi ko na alam kung papaano ko siya sasagutin.



Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiwas ng tingin kay sir Laszlo. Hindi ko kayang salubongin ang mga titig ni sir Laszlo dahil parang binabasa niya ako sa pamamagitan ng mga titig niya.





Pisti na, pero... aaminin ko. Gusto ko rin... gusto ko rin kung ano iyong sinabi ni sir Laszlo pero kung papayag ako. Kung gagawin namin iyon parang pinapatunayan ko lang na totoo ang sinasabi ni Rose. Parang totoo lang ang sinabi niya na ibubuka ko rin ang hita ko kung kani-kanino na kagaya ako ng nanay ko na hindi ko naman pinaniniwalaan.





"I'm sorry, Ady. I'm sorry... by the way, eat your dinner." si sir Laszlo saka umalis sa silid. Nang lumabas si sir Laszlo ay gusto ko siyang sundan. Gusto ko ring sabihin sa kanya na gusto ko rin iyong sinabi niya pero hindi pwede. Hindi maaari!







Laszlo Pov

"I fucked up, Colt." I hurriedly said when Colt answer my call. I didn't know how many times I called him but finally after a couple of missed calls he finally answered. Damn this guy, bakit ang tagal niyang sagutin ang tawag ko.





"Fuck you Las. Really! It's fucking 2 am in the morning and you're calling me nonstop! Mayroon ka bang orasan dyan? Did you know what time is it!" he shouted from the other line.



I sighed. "Yeah, I know what time is it now Colt, you said it yourself it's already 2 am, so what?"



"Fuck you, your highness!"


[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon