CHAPTER 8

52.7K 1.8K 572
                                    

Chapter 8

Ady Pov

"Oh! Napapadalas ata ang pakain mo dito Ady? Bakit ayaw ka na bang makasabay ni sir Laszlo sa isang hapag?" tanong ni auntie Rori na may kasamang pang-aasar.


Hindi ko siya sinagot at humila nalang ako  ng upuan at kumain. Si Rose naman sa kabila ko ay nakatingin lang din sa akin. Ang awkward ng tingin sa akin ni Rose sa totoo lang halos bilangin na niya kasi kung ilang subo na ang nagagawa ko. Di ko na nakayanan pa at binaba ko ang kutsarang hawak ko bago isinandal ang katawam ko sa upuan.


"Rose, may dumi ba sa mukha ko? May kung anong mali ba sa mukha ko?" tanong ko sa kanya at tinuro pa ang mukha ko.


Siningkitan niya ako ng mata niya. "Oo may mali talaga." Siya at tinitigan pa ako.  Umirap ako sa kanya.


"Ano naman?" -ako at kinuha ang kutsara na binaba ko kanina at sumubo. Naligo na ako at tumitingin naman ako sa salamin kapag lalabas ako.


"May kumagat ba dyan sa labi mo?"


Napaubo ako sabil sa biglaang tanong ni Rose sa akin. Mabilis kong inabot ang baso at pitsel ng tubig.


"Rose? Anong... anong klaseng tanong 'yan?" anang ko matapos nakainom ng tubig.


"Ay oo nga Ady bakit namamaga iyang labi mo? Kahapon pa at  noong nakaraang araw pa 'yan, ah." segunda naman ni auntie.


Napalunok ako. Oo nga't may pamamaga talaga sa labi ko at may sugat din doon pero hindi ko alam na pati ito ay mapapansin nila.


"N-nakagat ng bubuyog d-dyan sa labas habang naggugupit ako sa mga  halaman." pagdadahilan ko.


"Hay naku may pagkatanga ka rin talaga Ady." ngiwing saad ni auntie. Si Rose naman ay parang di naniniwala sa sinabi ko. Nagdududa siya sa bubuyog na kumagat sa labi ko.


"Grabe naman ang bubuyog na iyon Ady. Sa labi pa talaga, 'no?"


Bumalik ako sa pagkain at tinanguan ko na lang si Rose. Kahit na anong mangyari hindi ko sasabihin sa kanila ang totoo kung bakit namaga ang labi ko. Medyo okay na nga ito ngayon kaysa kahapon e. Nagsuot lang ako ng face mask para di masyadong halata pero ang init naman kaya hinubad ko at dun siguro nakita ni auntie ang pamamaga ng labi ko.


Ang totoo nga n'yan ay hindi ako napapakali kasi nang dahil sa gabing iyon ay iniiwasan ko na si sir Laszlo. Hindi na rin niya ako pinapatawag o pinagluluto man lang sa kanya. Magtatatlong araw na nga  na hindi ko iyon ginagawa para sa kanya. Sa ginawang iyon ni sir Laszlo ay nakakahinga ako ng maluwag. Kapag hindi ko siya nakikita ay nakakahinga ako ng mabuti.  Pero minsan naman ay nakikita ko siyang pinagmamasdan ako habang naglilinis, nagma-mower ng mga masamang damo sa bakuran at nagbubukal ng lupa. Mabuti at hindi naman siya lumalapit sa akin.


Hindi ko rin alam kung may naaalala ba si sir Laszlo sa mga nanyari ng gabing iyon. Lasing siya nun kaya sana wala siyang maalala.




Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa likod ng nitong ancestral house. May ginawa kasi akong maliit na kubo dito at may duyan din dito. Humiga ako doon sa duyan saka pumikit. Hindi ko mapigilang alalahanin ang mga nangyari. Sa loob ng maliit na panahon na pamamalagi ni sir Laszlo dito ay nagustuhan ko siya. Oo nga't noon ay hindi ko naisip na magkakagusto ako sa isang lalaki pero ngayon inaamin ko na... na gusto ko na nga si sir Laszlo.


Sino ba maman kasi ang hindi siya magugustuhan kung napakabait niya sa akin. Tapos siya rin iyong lagi akong kinukumusta. Lagi akong kinakausap. Mahirap sa aking tanggapin ang katotohanang gusto ko si sir Laszlo dahil maliban sa mayaman siya at mahirap ako pareho pa kaming lalaki.


[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon