CHAPTER 24

41K 1.4K 178
                                    

Chapter 24



Ady Pov

"Sige, pogi aalis na ako salamat dito." Ngising-ngising saad ni lola Asunta habang palabas nang bahay. Iwinawagayway niya pa ang pera na binigay ni sir Laszlo sa kanya. Iwan ko kung ano ang pinag-uusapan nila kanina dahil nang makita ko si sir Laszlo na nakaupo kasama ang mga lola ko at parang tumigil sa paggana ang utak ko.

Kanina nga ay hindi ko man lang namalayan na napulot na niya pala lahat ng gulay at prutas na gumulong sa sahig. Na-estatwa lang ako doon, di ako makagalaw. Biglang-bigla ako sa pagdating niya sa bahay namin dito sa probinsiya.



"Sige ho padamihin niyo 'yan." Si sir Laszlo habang tinatanaw niya si lola Asun na paalis. Kinawayan niya pa ito. Sobrang dali nilang close. Siguro madali silang nagka-close kasi si lola Asun madali iyang nakaka-amoy ng pera sa isang tao at itong si sir Laszlo naman nagpapakawala lang ito ng pera niya.



"Babalatuhan kita dito pogiiii!!!" Sigaw ni lola Asunta.

Napailing ako at bumalik sa kusina. Hindi ko pa kasi naliligpit ang mga pinagkainan namin. Si sir Laszlo ay dito kumain pati na si lola Asunta.

Habang kumakain kami kanina. Panay ang usap nilang tatlo pero ako nahihirapan na ako sa pagnguya at paglunok ko sa kinakain ko. Hindi ko na nga alam kung ano na ang lasa sa kinakain ko dahil sa presensya ni sir Laszlo. Kanina tanging naririnig ko lnag ang tawa ng dalawang lola ko. Hindi ko alam na ang galing pa lang magpatawa ni sir Laszlo sa mga matatanda. Hindi ko aakalain na madali niyang makukuha ang mga loob nila.

Mula pagdating niya kanina hindi ko siya inimik. Saka hindi rin niya naman ako kinausap na mula nang tawagin niya ang pangalan ko kanina. Pinunasan ko ang mesa saka binanlawan ko ang basahan saka iyon itinabi nang matapos kong punasan ang mesa.

Napapailing ako habang naghuhugas ako nang pinagkainan namin. Hindi ko talaga alam kung ano ang ginagawa ni sir dito. Bakit siya nandidito? Saka paano niya namalan ang tinitirahan namin? Aalis din ba siya ngayon? Anong pakay niya sa Cebu? Baka may importante lang siyang pinunta dito tapos... dumadaan lang dito saglit? Sa lugar na ito?



Umiling akong muli. "Yawa ba ani." Usal ko.



"Apo!" Napaigtad ako at nilingon si lola Flor.

"Po, 'la?" Ako.

"Kanina pa kita tinatawag hindi ka man lang sumagot," si lola at lumapit sa akin. "May problema ba?" Tanong ni lola Flor sa akin.



Binaba ko ang mata ko sa mga hugasin. "Wala 'la."



"Bakit ang tahimik mo nang dumating ang kaibigan mo. Hindi mo man lang binati." Puna ni lola Flor.



Bumuntong hininga ako. "N-nagulat lang ako 'la."



"Hmm," si lola saka tinapik-tapik niya ang balikat ko. "May kukunin lang akong regalo ko sayo sa bahay ni Asun, ah." Ani lola Flor.

Tumingin ako sa kanya. "Anong regalo po 'la?" Takang tanong ko.



"Hay! Kahit na wala ka dito. Hindi ko naman nakakalimutan ang kaarawan mo kaya may binili akong regalo sayo." Nakangiting saad niya.

"Naku lola dapat po di na po kayo bumili sana po-"

"Naku nabili ko na wala ka nang magagawa doon saka mura lang naman iyon."

Napabuga ako nang malalim na hininga at tumango na lang.

"Sige aalis na ako, ah. Iyong kaibigan mo nandun sa balkonahe." Si lola saka umalis. Tiningnan ko siyang umalis sa kusina. Kaibigan. Oo nga naman kaibigan ko. Hindi siguro sinabi ni sir Laszlo kung ano ko talaga siya doon. Tsk.

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon