Dedicated to: lea0352183
________________________
Chapter 10
Ady PovPagkatapos naming mag-usap ni sir Laszlo ay hindi ako mawala ang ngiti sa labi ko. Iisipin ko lang na magkaibigan na kami ni sir Laszlo ay ayos na ayos iyon sa akin. Tiningnan niya pala ako hindi lang isang katulong kundi isang kaibigan pa. Tapos sinabi niya sa akin noon hindi siya mabait. Saan ang hindi mabait dun? Siguro ay sanay lang si sir na sinasabi kung ano ang nakikita niya ng di nag-iisip kung makakasakit ba iyon sa isang tao kaya ganun siya. Pero nag-sorry na siya sa akin na hindi ko talaga iyon inaasahan. Saka siya rin naman ay parang hindi niya rin inaasahan iyon. Dagdagan pa na hindi pala siya sanay na mag-sorry. Nakakapagtaka lang.
Tapos sinabi niya na hindi siya sanay na humingi ng tawad sa taong mas mababa sa kanya. Siguro ibig niyang sabihin doon ay hindi kagaya niyang mayaman. Tapos ako na katulong lang ay humingi siya ng sorry. Saka ako naman talaga ang may balak na humingi ng sorry sa kanya sa inakto kong iyon. Masyado akong naging ma-drama nun. Natabunan ang utak ko dahil sa nararamdaman ko. Pero si sir Laszlo pa ang naunang humingi ng tawad sa akin.
Pagkagising ko ay alas sais na ng umaga kaya nagmadali akong maligo at magbihis. At paglabas ko ay didiretso sana ako sa daily kitchen ng may tumawag sa akin. Si sir Laszlo iyon na nakabihis sa damit na puro kulay itim. Mas lalong nadepina doon ang kaputian niya na gustong-gusto ko.
"Po, sir." sambit ko habang naglalakad patungo sa kanya.
"It's your pay-day." anang niya.
"Po?" -ako.
Ngumiti siya at nakita ko ang ngipin niyang parang ginamitan ng panukat dahil sa pagiging pantay nito. "Here this is your salary." sabi niya sabay bigay sa akin sa isang sobreng nakalagay sa isang brown na envelop.
Bubuksan ko na sana iyon upang bilangin ng hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako kay sir Laszlo na bilog amg mata sa gulat dahil parang nakuryente ako sa hawak niya. Yawa! Sa kabila ng naramdaman ko ay hindi ko nabawi ang kamay ko na nasa kamay ni sir Laszlo.
"Bibilangin ko lang sir." sabi ko sa kanya.
Ngumisi siya. "Later, you can count that later but let's head out." saad niya sa akin.
Nalukot ang mukha ko dahil sa winika ni sir Laszlo. "Lalabas po sir? Wala pong inutos sa akin si Auntie, e." sagot ko sa kanya.
"Ah, that," anang niya na parang may naisip. "Here. Your aunt list the things that you need to buy and I will join you." pahayag niya sa akin sabay pakita sa listahan ng kailangang bilhin gamit ang isang kamay niya.
Tumingin tingin ako sa paligid saka nakita ko si Rose sa labas ng bahay na nakatingin sa amin ni sir Laszlo. Hindi pala. Nakatingin siya sa kamay ni sir Laszlo na nakahawak sa kamay ko. Nang makita ko iyon ay kinuha ko ang kamay ko kay sir Laszlo.
"Akin na yan sir ako na lang po ang mamalengke." sabi ko kay sir Laszlo at aabutin ko sana ang listahan sa kamay ng mabilis niya itong itinaas.
"Na-ah!" nakangising patuya ni sir Laszlo.
"Sir."
"We're going to the market together since I'm bored and I need another diversion."
BINABASA MO ANG
[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔
RomanceRESERVED Mafia Underboss Series 1 [BxB, R-18] A province boy, Ady Vera Cruz meets noble man Laszlo Mcgregor, the mafia and runaway prince of House of Van Tyndall, one of the most influential and powerful family somewhere in Greece. Their...