CHAPTER 21

41.6K 1.4K 204
                                    

Chapter 21






Ady Pov

"Mabuti at nagising ka na." May inis sa boses ni Rose.


Pagkamulat ng mata ko ay ang inis niyang boses ang kaagad na sumalubong sa akin. Masakit ang ulo ko sa di ko malaman na dahilan. Hawak ang ulo ko ay bumangon ako. Napalinga-linga ako sa paligid ko nang mapansin ko na nandidito sa loob ng silid ko. Ang natatandaan ko ay magtatapon ako ng basura at nakita ko si sir Laszlo sa salas. D'on lang ang naaalala ko. Paano ako nakarating dito? Saka anong oras na ba?


Ang tuyo ng lalamunan ko.


"Rose," tawag ko sa pinsan ko.


"Uh!"pabagsak niyang sagot sa akin.


"A-anong oras na?" Tanong ko sa kanya.


"Alas otso na nang gabi! Ang haba rin ng pahinga mo tapos ako dito nagbabantay sayo. Pasalamat ka at di kita natadyakan dyan."


Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.


"Anong nangyari? Bakit ako nandidito?"


Humarap si Rose sa akin at nilagay niya ang tray ng pagkain sa hita ko. Umingos siya.


"Nawalan ka nang malay sa labas kaning umaga! Tapos may bumuhat sayo papasok dito. Si Cane. Kaibigan mo."


Bumilog ang mata ko. Paano napunta dito si Cane?


"Umuwi na ba siya?"


"Oo kanina-kanina lang." Sagot ni Rose at tumayo. "Kumain ka dyan kukunan lang kita ng tubig lalagyan ko na lang din ng lason." Sabi niya bago tumalima.


Binaba ko ang mata ko sa pagkain sa harapan ko. Wala akong ganang kumain. Si sir Laszlo kaya... alam niya kaya na nawalan ako ng malay? Hay! Puyo na Ady! Napagalitan ko ang sarili ko. Ano naman ngayon kung alam ni sir Laszlo? Mag-aalala ba iyon? May paki ba iyon?


Napahinga ako nang malalim. Bumalik si Rose na may dalang tubig at gamot.


"Sabi ni Cane kailangan mong magpahinga, Ady."


"Hmm." Tumango ako kay Rose saka nagsimula nang kumain. Pagkatapos kong kumain ay ininom ko na rin iyong gamot.


"Salamat Rose." Ani ko at itinabi ang pinagkainan ko. Bumaba ako sa kinahihigaan ko dahil naiihi ako. Nakabalik na ako sa silid ngunit nandun pa rin si Rose at nakaupo na siya ngayon sa maliit kong tulugan.




Tumingin siya sa akin nang nasara ko ang pintuan. Tinampal niya ang higaan ko. Pinapa-upo niya ako. "Upo," utos niya sa akin. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at umupo sa tabi niya. "Sabihin mo nga sa akin Ady. May gusto ka kay sir Laszlo, 'no?" Diretsong tanong niya sa akin na kinaputla ko.


Lumunok ako at tumingin sa kanya pero agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Ang tatalim ng mga tingin ni Rose sa akin. May gusto pa ba siya kay sir Laszlo? Bakit siya nagtatanong ngayon?


"Sabihin mo na Ady."


"Bakit ka nagtatanong ng ganyan ngayon Rose?" Tanong ko sa kanya.


Umingos siya at sumandal sa dingding.


"Wala lang. Napaisip lang kasi ako sa mga panahong nandidito, tayo. Ni hindi ka naman nagkasakit o nawalan ng malay dahil sa trabaho-"


"Anong ibig mong sabihin? Na nawalan ako ng malay dahil may gusto ako kay sir Laszlo?"


Tinampal niya ang balikat ko. "Bogo oi. Syempre hindi talaga iyan ang literal na dahilan."


[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon