CHAPTER 28

41.3K 1.3K 195
                                    

Chapter 28





Ady Pov

Lumabas ako at hinanap ko si sir Laszlo nang makita kung wala siya sa sala. Sa liit nitong bahay namin paglabas agad ng kwarto agad mong makikita ang maliit din naming salas. Wala si sir Laszlo doon na minsan ay nakikita kong nanood ng anime. Hindi ko siya nakita doon kaya pumunta ako sa balkonahe namin pero wala rin siya doon.


Lumabas pa ako at pumunta sa likod ng bahay dahil baka nasa likod siya, doon sa sibakan ng kahoy namin pero wala rin siya doon. Nagsisibak din kasi iyon ng kahoy. Bumalik ako sa loob at pumunta sa kusina at doon ko siya na kita. Nakaupo sa silya at nakatungkod ang siko sa mesa habang ang kamay ay nasa baba niya. Para bang ang lalim ng iniisip niya.


Napataas naman ang kilay ko.


Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat niya. Napalundag siya. Gulat na gulat. Lumangon siya sa akin.


"Darling." Aniya.

Hihila na sana ako ng sarili kong upuan ng bigla niyang hapitin ang baywang ko saka ako pinaupo sa isang hita niya. Yawa! Muntik ko nang masambit sa gulat ko.


Mabigat ako. Mabigat ako sa tingin ko sa sarili ko dahil di naman ako patpatin. Pero sa isang hita ni sir Laszlo ay kaya niya naman ang bigat ko doon. Nga lang nakakailang pa rin na ganito siya sa akin. Di ako sanay. Napatingin-tingin naman ako sa paligid dahil baka may biglang pumasok o baka makita kami ni lola dito na ganito ang posisyon.


"Tapos na kayong mag-usap ni Cane?" Tanong niya.


Napatingin ako sa kanya ngunit agad kong binaling sa ibang bahagi ng kusina ang mata ko. Umingos ako.


"Oo, may pa alis-alis ka pang nalalaman." Sagot ko sa kanya.


Humigpit ang pagkakayapos niya sa baywang ko. Binagsak ko naman ang tingin ko sa maugat niyang kamay. Kitang-kita ko ang ugat ng kamay niya lalo na't ang puti rin niya.


"I'm jealous Ady." Ang ulo ko ay lumiko sa direksyon niya mula sa pagkakatingin nito sa mga kamay niya sa baywang ko.


"N-nagseselos ka? Bakit? Alam mo na... naman na kaibigan ko lang si Cane."


Pumikit siya ng mariin bago gumalaw ang panga niya. "I'm jealous because of your fucking closeness, Ady." Sabi niya pagkabuka sa mata niya.


Itinaas ko ang kamay ko saka ko kinulong sa palad ko ang walang kapintas-pintas niyang pagmumukha. Hindi kung ano ang nagawa kong mabuti sa mundo at binigyan ako ng diyos ng ganitong klaseng lalaki. Lalaki na halos nasa kanya na ang lahat. Pera, katawan, mukha at ugali nasa kanya na iyon. Pero sa akin siya na punta na. Walang pera, pero may magandang mukha naman pero aanhin ko naman ang magandang mukha kung wala akong pera. Tapos iyong ugali ko pa minsan di ko maintindihan. Tupakin din. Saka sa katawan naman mas maganda ang katawan ni sir Laszlo kumpara sa akin. Mas tigas at mas hulma ang katawan niya kumpara sa akin.


Tapos heto pa't nagseselos daw siya kay Cane. Tsk! Kung alam niya lang na parang kapatid ko lang si Cane. Syempre hindi na ako naiilang doon kay Cane kasi alam ko na kaibigan at parang nakakatandang kapatid na ang turing ko doon kaya talagang close kami sa isa't isa. Mahalaga sa akin si Cane. Sobra. Masaya ako dahil nakakilala ako ng taong sobrang bait sa akin at laging pinapagaan ang loob ko.




"Bat ka nagseselos doon? Syempre kaibigan ko iyon malamang close kami saka parang nakakatandang kapatid ko na si Cane." Sabi ko at maingat na hinihimas ang mukha niya. Baka kasi masugatan para kasing ang nipis ng balat niya sa mukha. Tapos ang kamay ko ay matigas pa.


[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon