Dedicated to: JanicaBuntod
__________________
Chapter 18
Cane Pov
Ang isang siko ko ay nakatungod sa tuhod ko habang nakaupo ako sa silya sa harapan ni Ady na nakatulog na ngayon. Napahilamos ako sa isang kamay ko at tinititigan si Ady na malalalim ang binubugang hininga.
He is badly wounded because of his temporary boss. His first love and first heartache. Noon nagka-heartbreak naman ako sa first love ko. Pero hindi ako umiyak ng ganito, hindi ako umiyak actually. Hindi ako nawasak ng ganito. Kung ganito kawasak si Ady... siguro ay malalim na talaga ang nararamdaman niya doon sa Laszlo na iyon.
Noong unang sinabi ni Ady sa akin ang feelings niya doon sa amo niya akala ko mababaw lang iyon at makakalimutan niya lang pag-nagtagal na. Akala ko simpleng crush lang iyon na mawawala rin dahil lagi niya namang nakikita si Laszlo. Akala ko magsasawa lang din siya doon pero mali ako. Dahil sa bawat araw pala na lumilipas na magkasama sila mas nahuhulog siya. Mali pala iyong sinabi ko, just go with the flow.
But I thought Laszlo will never wreck him. I thought he is not capable of doing it. Ady is just too young to experience his first major heartbreak to someone like Laszlo. But he I know he can surpass this. Ady is a strong man, I have a faith in him.
Tumunog ang telepono ko kaya tumayo ako at kinuha ang cellphone ko na nagwawala sa mesa. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si mommy.
"Mom," i answered while making a slight kicking the leg of the chair.
"Cane, anak. Kumusta? Pupunta ka na ba dito?"
I sighed and grasped on the chair. Ganito lagi. Ganito ang laging unang binabanggit ni mommy tuwing tatawag siya. Kailan ako susunod. Kailan ako pupuntang New York.
Tapos sumabik pa siya n'ong sinabi ko sa kanya kamakailan na malapit na akong sumunod doon sa kanila ni daddy. I decided na sumunod na sana sa kanila but then I always think of Ady. Paano ako aalis kapag ganito siya? I don't think I can go kapag ganito siya. Ako lang ang malalapitan niya. Ako lang ang masasandalan niya. Martyr na nga siguro ako.
"Cane, nandyan ka pa ba?"
I snapped back to my senses.
"Y-yes mom. Oo po, I'm still here."
"Hmm, so ano na kailan ang flight mo? Para masundo ka namin nang daddy mo. We miss you, Cane."
"I miss you, too mom... kayo ni dad miss ko na rin kayo. Pero tingin ko mom... hindi... hindi pa ako makakasunod dyan sa ngayon. Also, I'm fine here."
"Why anak?" mommy said in a sad tone.
Hindi agad ako nakasagot kay mommy. Tumayo ako ng maayos at sumandal sa mesa. I fold my one arm and gawked at Ady na mahimbing nang natutulog.
"Basta mom. Let's just talk some other time. I-kumusta niyo po ako kay dad, mom. And I miss you."
Narinig ko ang pagbuntonghininga sa kabilang linya.
"Sige, anak. Maghihintay kami dito anak. I love you. Mag-ingat ka dyan at wag mong pababayaan ang sarili mo."
Tumingala ako at bumuga nang isang malalim na hininga. I need to end this. I know, I need to end this thing. I put a lot on the line because of Ady even if I know from the start that I'm already loss this game. I already knew na wala akong pag-asa kay Ady pero bakit heto pa rin ako. Bakit heto pa rin ako at di siya maiwan-iwan.
BINABASA MO ANG
[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔
Storie d'amoreRESERVED Mafia Underboss Series 1 [BxB, R-18] A province boy, Ady Vera Cruz meets noble man Laszlo Mcgregor, the mafia and runaway prince of House of Van Tyndall, one of the most influential and powerful family somewhere in Greece. Their...