Chapter 30
Ady Pov
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at nandidito ako ngayon sa labas nang Shangrila hotel sa Manila. Galing pa akong Cebu pero dito ako dumiretso. Kanina pa nga ako nandidito sa labas. Wala rin akong paki sa mga tao na nakatingin sa akin. At kanina pa nga rin ako nakatingin sa cell phone ko. Nakatulala lang akong nakatingin sa number ni sir Laszlo. Hanggang ngayon di ko pa rin magawang tawagan siya.
Hindi niya nga alam na nandidito ako sa Manila. Kakasimula lang ng first semester tapos ngayon ay sabado pero lumipad ako pa-Manila nang biglaan. Naisandal ko ang ulo ko sa dingding kung saan ako nakatayo ngayon. Isang linggo na rin ang lumipas mula nang makilala ko ang ina ni sir Laszlo.
Sa mga nagdaang araw na mga pag-uusap, calls at texts namin ni sir Laszlo hindi binanggit sa kanya ang naging pagkikita at pag-uusap namin nang ina niya.
Mag-gagabi na at nagsimula nang umilaw ang mga ilaw sa tabi ng daan at sa mga poste. Pati na rin dito sa labas nang hotel ay nagsimula ng umilaw. Ang hangin ay nagsimula na nga ring lumamig. Siguro dahil september na kaya mas malamig ang simoy ng hangin ngayon. Pero hindi ko pa rin nagagawang tawagan si sir Laszlo upang sabihin sa kanya na nandidito ako sa Manila.
Pumikit ako saka sumandal na naman ako sa dingding. Nagwala ang cell phone sa kamay ko at sa gulat ko ay muntik ko pang mabitawan iyon sa kamay ko. Matagal bago ko nagawang sagutin ang tawag ni sir Laszlo.
"Darling?"
Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya.
"Laszlo," ako at napahinga ako nang malalim.
"Is there a problem?" tanong niya at parang nanglalambing ang boses niya.
Parang may kamay na pumiga sa puso ko at saka ako napaluha. Ang sakit. Ang sakit nang dibdib ko. Paano? Paano ko gagawin ang sadya ko dito kung ganito na ako. Hindi ko pa nga siya nakikita pero heto na ako at umiiyak na.
"Dammit! Are you crying? Ady answer me." biglang naging seryoso ang malambing niyang boses kanina.
"N-namiss lang kita sir." Ako at napahawak ako sa dibdib ko at nakaupo.
"Shit! You're making me worry. Akala ko may kung ano na ang nangyari sayo? I miss you, too, darling. I fucking miss you too."
Napangiti ako pero kahit na ngumiti ako ang luha ko naman ay tumutulo. Ginulo ko ang buhok ko.
"Sir... n-nandidito ako ngayon sa Manila."
May kung ano akong narinig sa linya niya.
"What? Are you for real, darling?" gulat niyang sambit. "Wait. Are you playing with me?"
I pressed my lips.
"No. Hindi sir n-nandidito talaga ko. Nandidito ako sa labas ng Shangrila sir."
"Fuck! You should have told me. Sana nasundo kita sa airport."
"Wait for me. Pupuntahan kita dyan. Wag kang aalis." sabi niya sa tono na nagmamadali.
BINABASA MO ANG
[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔
RomanceRESERVED Mafia Underboss Series 1 [BxB, R-18] A province boy, Ady Vera Cruz meets noble man Laszlo Mcgregor, the mafia and runaway prince of House of Van Tyndall, one of the most influential and powerful family somewhere in Greece. Their...