CHAPTER 3

58.4K 2K 796
                                    

Chapter 3

Ady Pov

Habang nagdidilig ako sa mga halaman na tinanim ko kahapon ay maya't maya naman akong napapatigil dahil sa naging usapan namin ni Sir Laszlo. Mabait si Sir Laszlo sadyang hindi lang kaaya-aya ang unang pagkikita naming dalawa.

Nakakatawa lang na hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi sa kanya na iba ang ibig sabihin ng pisting yawa. Tapos siya naman panay ang tawag sa akin ng pisting yawa.

Simula nang dumating ako dito kailanman ay parang alipin lang ako ni Auntie Rori at Rose. Ako kasi ang mas may maraming ginagawa. Mabuti nga ngayon ay nandidito ang amo namin kasi sila ay gumagawa na rin sa mga gawain na dati ay ako lang ang gumagawa. Si Auntie Rori kasi ang care taker kumbaga dito sa ancestral house ni Sir Lorcan kaya siguro mataas din ang tingin niya sa sarili niya. Hindi dito naglalagi si Sir Lorcan kaya wala talaga siyang kaalam-alam sa mga kilos ng mga kasambahay niya.

"Hala!" nausal ko nang makita kong malulunod na sa dami ng tubig ang halaman na kahapon ko pa lang tinanim.

Hay! Kung saan-saan kasi lumilipad itong utak ko.

"Hoy! Ady!" Nilingon ko ang pinsan ko na malalaki ang hakbang patungo sa akin. Si Rose ay matanda sa akin ng dalawang taon pero kung maka-asta ito ay parang bata naman. Saka feeling din itong pinsan kong ito.

"Ano?" Ako nang makarating siya sa harapan ko. Pinatay ko ang tubig at hinarap siya ng maayos.

Nakapameywang siyang tumingin sa akin. Mas mataas ako ng kaunti sa kanya kay inangat niya ang tingin niya sa akin. Ano na naman ito!?

"Anong pinag-uusapan ninyo ni Sir Laszlo kahapon? Diba sabay kayong kumain? Tapos ang tagal pa bago ka makabalik sa trabaho mo." Litanya niya sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Nagtanong lang siya sa akin kung ilang taon na ako." Mataman kong sagot.

Napakawalang kwentang tanong naman niya'n. Saka ito ba ang sinugod niya sa akin dito?

"Ano? Iyon lang!?"

"Tinanong din niya kung nag-aaral ba ako."

Bahagya siyang natigilan. Ano? Kinabahan siya? Hindi ko naman ugaling magsabi-sabi kung kani-kanino tungkol sa masama nilang pakikitungo sa akin, sa mga masamang trato nila sa akin. Hindi nila kailangang mangamba na isumbong ko sila sa amo namin dahil kahit papaano ay sila at si Lola na lang ang pamilya ko. Tapos nasa Cebu pa si Lola Flor.

"Huwag kang magkakamaling mabanggit kay sir Laszlo ang-"

"H'wag kang mag-alala dahil hindi ako magsusumbong." Putol ko dito.

"Mabuti ng magkaliwanagan tayo, Ady. Nakatrabaho ka dito dahil kay Mama kaya umayos ka." Pambabanta niya sa akin.

"Akala mo naman gusto ko itong trabaho na ito? Rose alam mong iba ang dahilan kung bakit ako pilit na lumuwas dito. Hindi para maging kasambahay. Pumunta ako dito dahil akala ko makakapag-aral ako pero hindi! Niloko niyo ako ni Auntie."

Ang totoo kasi niya'n. Pagkatapos kong makagraduate ay tumawag si Auntie sa akin kung gusto ko ba raw na makapagkoliheyo ako. Syempre gustong-gusto ko naman iyon. Kaya noong sinabi niya na lumuwas ako at pumunta dito sa La Union ay agad akong nag-ipon ng pera para pamasahi ko papunta dito. Si lola Flor nga ay naiwan doon sa bahay ng nakakabatang kapatid niya, kay Lola Asunta.

Ang hindi ko inaasahan pagdating ko dito ay magiging house boy ako ng di-oras. Ayaw ko noon. Mas mabuti nalang na manatili ako sa Cebu at alagaan si lola Flor dahil matanda na siya pero wala naman akong pamasahi pauwi. Kaya nagtagal ako dito. Nagtagal ako dito at nagtrabaho bilang isang kasambahay pero ang iniisip ko no'n ay kapag nakuha ko na ang suweldo ko ay makakauwi na ako ng Cebu pero talagang ganid iyang si Auntie at hindi niya binibigay sa akin ang suweldo ko. Ang sabi niya ay pinapadala daw niya ang suweldo ko kay lola.

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon