CHAPTER 25

42.9K 1.2K 162
                                    

Chapter 25




Ady Pov

Napangiti ako nang buksan ko ang sinasabi ni lola Flor na regalo niya sa akin na cell phone. Android phone siya hindi rin siya latest na version ng cell phone pero pinaghirapan ito nang lola ko. Naalala ko tuloy si Rose pag- nalaman n'on na binigyan ako ni lola ng ganito susubunin na naman ako n'on.

Ayaw ko sanang tanggapin kasi makakabili naman na ako kung tutuusin pero wala sa isip ko ito, e. Kaya nga hindi na lang ako bumili para sa sarili ko. Wala naman akong katawagan o di kaya'y ka-text man lang kaya hindi na importante ito sa akin. Saka sure na rin naman ako na papahiramin na ako ni Rose ng cell phone niya kapag nakabalik na ako sa La Union. Nagka-ayos na kami n'on, e.

Binuksan ko iyon saka nilagay ko na rin ang sim. Sayang at wala akong number ni Cane. Ibabalita ko na sana sa lalaking iyon na hindi ko na kailangang pumunta sa kanila kapag gusto kong tawagan si lola. Si Rose naman do ko rin saulo ang numero niya. Kaya napagdesisyonan kong gumawa ng facebook account. Saka s-in-earch ko sina Rose at Cane sila lang naman sa tingin ko ay kailangan ko. Pagkatapos kong mag-send ng friend request sa kanila ay hinintay ko muna kong mag-respond sila pero wala pa kaya nag-log out muna ako.

Nandito ako ngayon sa balkonahe nang bahay ni lola Flor hindi kasi ako makatulog. Hindi ako makatulog dahil si sir Laszlo ay nandidito pa rin. Akala ko ay babalik na iyon ng La Union o sa Manila pero hindi. Dito pa nga natutulog. At kung hindi ako minamalas ay sa kwarto ko pa siya pinatulog ni lola Flor. Dalawa lang naman kasi ang kwarto tapos iyong isa kay lola naman. Gusto kong magprotesta at pigilan si lola pero pinagkatulakan pa niya si sir sa kwarto.

Kung tutuusin ay kayang-kaya ni sir Laszlo na tumuloy sa isang hotel o condoninium pero heto't nagtitiis siya dito. Nagtitiis siya sa kuwayan na higaan at maliit pa. Wala kaming foam dito. Sinabi ko sa kanya iyon pero ayaw magpapigil.

"Sir, pasensyahan n'yo na po ang lola ko. Siguro po ay nababaguhan lang 'yan k-kasi wala pa akong k-kaibigan na bumisita dito kaya ganun siya. Pero sir may mga hotel naman po doon na lang po kayo. Saka wala kaming foam dito sasakit ang katawan ninyo." Sabi ko sa kanya nang makapasok siya sa silid ko. Nakasukbit din ang bag niya sa kanyang balikat. Nilibot niya ang mata niya sa kwarto ko. "W-wala kaming aircon." Pahabol ko pa na hindi niya naman pinakinggan.



"It's okay. As long as I have a room to stay with." Baliwala niyang saad saka umupo sa kuwayan kong higaan. Hinubad niya ang sapatos niya saka binuksan niya ang bag niya at... parang handang-handa siya may tsinelas siyang dala.

"S-sir..."



"I'll sleep first Ady." Tumingin siya sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Sunod ay naghubad siya nang pang-itaas niya kaya lihim kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Pumunta ako sa may bintana at sinara ko iyon. May dalawang bintana rito sa kwarto at nang matapos ako sa pagsara n'on ay lumingon sa sa gawi niya pero mabilis akong napatalikod nang naghuhubad pala siya sa suot niyang jeans. Napatampal ako sa noo ko.

Yawa! Puro naman kami lalaki kung ano ang meron siya meron ako at isa pa nakita ko na naman iyon. Eh, ano itong kinagugulat ko pa? Bakit kung maka-akto ay parang first time ko pang makita siyang maghubad.



Tumikhim ako bago muling lumingon. Naka-shorts lang siya. "S-sa labas lang ako." Tumango siya at niligpit niya iyong hinubad niyang damit.



Napabuntong hininga ako. Kailan kaya aalis si sir Laszlo dito? Akala ko pa naman makakahinga ako nang maluwag dito. Paano ito ngayon? Magsasama pa kami sa iisang kwarto. Ginulo ko ang buhok ko at tumingin sa mga kumikisap na mga tala sa langit.

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon