Chapter 27
Ady Pov
"Ady!" Halos mabitawan ko ang cell phone ko nang marinig ko ang parang kulog na boses ni sir Laszlo. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nang bigla iyong bumukas na nakita ko ang namumula na mukha ni sir Laszlo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pulang pula ang mukha niya ngayon.
Napalunok ako nang lumapit siya sa kinauupuan kong higaan. Tumunog ang kuwayan kong higaan nang umupo siya habang di pa rin niya pinuputol ang mga titig niya sa akin. Naitabi ko ang cell phone ko. Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Ano ba ang nagawa ko? Nandidito lang naman ako sa kwarto buong maghapon tapos siya lumalabas kasi tumatambay din siya doon kina lola Asunta.
Hanggang ngayon parang di pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na si sir Laszlo. Tatlong araw na ang nakalipas simula noong... sinagot ko siya. Yawa kasi. Parang c-in-orner niya ako doon sa Lan-Tau Grill. Di ko aakalain na sa oras na iyon sasagutin ko siya sovbang biglaan n'on. Ang intensyon ay pauwiin siya doon sa Manila pero nauwi iuon sa pagsagot ko sa kanya. Hindi naman ako napilitan doon... siguro sa mga oras na iyon inisip ko na pauwiin si sir Laszlo kasi iyon ang nakakabuti pero hindi iyon ang ikakasaya sa puso ko, nang sarili ko. Kasi inaamin ko na gusto ko si sir Laszlo at mahal ko na rin siya.
Sa oras na iyon makakauwi man siya nang Manila ngunit dala na niya ang puso ko sa pag-uwi niya. Alam ko na kapag wala na siya dito hindi pa rin ako magiging tunay na masaya kasi wala na siya sa akin. Sobrang saya ko sa desisyon ko kaya sana lang talaga tama iyong desisyon ko.
Sinagot ko na si sir Laszlo pero di pa iyon alam ni lola Flor. Itong si sir nga ay atat na atat na sabihin kay Lola Flor pero pinagilan ko muna siya. Ayaw kong biglain si lola Flor matanda na pa naman si lola.
"S-sir..." kinakabahan kong wika nang bigla niya akong kabigin papalapit sa kanya.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Napapikit pa siya sa paglapit ko. Akala niya siguro hahalikan ko siya. Tumaas ang sulok ng labi ko at bahagya siyang tinulak. Inamoy ko lang naman kung nakainom ba siya o hindi kasi pulang pula nga siya hanggang ngayon. Pero wala naman akong naaamoy na alak o lambanog mula sa kanya.
"B-bakit ka namumula sir?" Tanong ko sa kanya. Kahit na kami nang dalawa sir pa rin ang tawag ko sa kanya. Iwan ko iyon na kasi ang nakagawian ko. Siya naman minsan Ady minsan tinatawag niya rin akong... darling. Kinikilabutan pa nga ako kapag tinatawag niya akong ganoon. Hindi lang siguro ako sanay.
Kumuyom iyong panga niya habang matatalim pa rin ang tingin niya sa akin. Tinulak ko siya pero malakas siya kesa sa akin. Oo nga't medyo may katawan ako pero mas malaki pa rin sa akin si sir Laszlo at malakas. Saka sa tuwing naglalapit ang katawan namin di ko talaga mapigilang ipagkumpara ang balat namin. Ang puti kasi niya tapos ako may pagka-moreno.
"You lied to me." Aniya sa mababang boses.
Napakurap-kurap ako. Kailan ako nagsinungaling sa kanya? Seryosong-seryoso ang mukha niya. Mas kumabog ang puso ko dahil doon sa ekspresyon niya. Ano ba ang nagawa ko?
"Sir, anong... kailan naman po ako nagsinungaling sayo?" Takang-taka kong tanong.
Napahawak ako sa mga braso niya habang nakayakap sa baywang ko ang kanyang braso. Sinubukan kong yugyugin ang katawan niya.
"Pisting yawa." Aniya at may foreign accent iyon. Nagulat ako sinabi niya pero gusto kong matawa dahil sa accent niya. Gusto ko sana kaso seryoso pa rin siya. Ano ba ang nangyayari?
BINABASA MO ANG
[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔
RomanceRESERVED Mafia Underboss Series 1 [BxB, R-18] A province boy, Ady Vera Cruz meets noble man Laszlo Mcgregor, the mafia and runaway prince of House of Van Tyndall, one of the most influential and powerful family somewhere in Greece. Their...