Chapter 26
Ady Pov
"Ady, can we talk?" Si sir Laszlo.
Bumuntong hininga ako saka hinayaan kong mamatay ang tawag ni Cane. Tumingin ako kay sir Laszlo na pumasok sa balkonahe. Tapos na pala siya.
"Hindi pwede ngayon." Ani ko sa kanya at tumalikod sa kanya.
"When? Kailan pwede?" Tanong na niya naman sa akin.
"Mamaya siguro." Ako at nagpatuloy sa lakad ko. Nagbihis lang ako nang tshirt sa kwarto saka lumabas na naman ako.
Nakita ko si sir Laszlo na malalim ang iniisip na nakaupo sa isang silya sa terasa. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at naglakad. Pupunta akong palengke at mamimili. Hindi ko naman aakalain na ang isang linggo ko sanang pag-uwi dito sa probinsiya ay aabot hanggang dalawang linggo. Alam na naman iyon ni Rose kasi lagi akong tumatawag sa kanya.
Gusto ko na ngang patigilin si sir Laszlo sa mga ginagawa niya. Ayaw ko na sa mga araw-araw na bulaklaak na dumadating sa bahay. Minsan tinatanong niya akong lumabas kami pero hindi ko pa iyon pinapaunlakan.
"Ady, where are you going?" Sigaw ni sir Laszlo nang nilampasan ko na siya.
"Mamamalengke lang." Simpleng sagot ko pero di ako tumigil.
"Wait, sasama ako."
Nilingon ko siya at nagmamadali siyang pumasok sa loob. Hindi naman siya nagtagal at paglabas niya ay naka-shorts na siya at itim na tshirt.
"Let's go." Siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"La, mamamalengke lang po a-kami." Ani ko nang dumaan kami sa bahay ni lola Asunta. Dito kasi na nanahi si lola Flor dahil nandidito ang makina niya.
"Kasama mo si Laszlo?" Tanong ni lola.
"O-oo po."
"Sige mag-ingat kayo." Si lola Flor.
"Pogiiiiii!!!" Ang sigaw ni lola Asun ang muling nagpatigil sa amin ni sir Laszlo. May pa kaway-kaway pa sa kamay si lola Asun. Basta talaga alam niyang may pera ang tao.
"Lala!" Si sir Laszlo naman. Nakikilala na rin siya sa mga lola ko.
"Bumili kayo ng makakain na pag-uwi ninyo!"
"Yes, lala." Laszlo.
Napailing na lang ako at iniwan si sir Laszlo. Sa tagal niya dito ay mismo mga kabit bahay namin dito ay mga kaibigan na niya. Parang nasasanay na siya dito at nakalimutan na niya ang buhay niya doon sa Manila. Pero alam ko naman na di ito pang habang buhay.
Nang makarating kami sa palengke ay agad akong mamili ng mga gulay, karne, at iba pang kailangan sa bahay. Si sir Lazslo nag-insist na siya na ang magdala nang mga pinamili ko kaya hinayaan ko na siya. Akala ko pagkatapos kong mamili ay aalis na kami at uuwi na pero pinilit akong sumama sa kanya sa Lan-Tau Grill.
"Sir, sina lola." Ani ko nang makaupo kami at hinihintay ang orders.
"Binigyan ko ng pera si lala Asunta. Siya na bahala kay lola Flor." sabi niya sa akin. Di ko mapigilang itaas ang kilay ko. Akala ko bibilhan namin sila ng pagkain? Pero iniling ko na lang ang ulo ko.
Pagkatapos ng ilang pag-uusap namin ay natahimik na naman kami kaagad. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔
RomanceRESERVED Mafia Underboss Series 1 [BxB, R-18] A province boy, Ady Vera Cruz meets noble man Laszlo Mcgregor, the mafia and runaway prince of House of Van Tyndall, one of the most influential and powerful family somewhere in Greece. Their...