Try listening Here's your Perfect by Jamie Miller for this chapter or just click the media above.
____________Chapter 31
Ady Pov
Hindi na ako nagulat nang magising ako na halos di ko maramdaman ang mga binti ko. Pati na nga ang balakang ko ay sobrang masakit. Nagising ako na nakadapa sa ibabaw ni Laszlo na walang kahit na anong suot sa katawan. Dahil nasa ibabaw niya ako nararamdaman ko ang banayad na paghinga niya. Ang kamay niya ay mahigpit na nakakapit sa katawan ko. Parang takot lang na umalis ako.
Di naman ako aalis... di ako aalis ng walang paalam sa kanya. Akala siguro niya kaya hinayaan ko siyang gawin ang lahat ng gusto niya kagabi dahil kung makatulog siya aalis ako. Ako pa nga ang nawalan ng ulirat dahil sa pagod kagabi. Dahil gaya nga nang sinabi ko di ako aalis ng walang paalam. Kung tutuusin nga kaya kong putulin na ang relasyon na meron kami kahit na nasa Cebu ako pero di ko ginawa. Siguro nga kaya kong makipaghiwalay sa kanya kahit na sa cell phone lang pero di ko ginawa. Dahil iniisip ko kahit na naglihim sa akin si Laszlo deserve niya ang maayos na pagtatapos namin.
Napalunok ako at napasinghap dahil na nanakit na ang dibdib ko. Putang ina ang sakit pala nito. Ang sakit i-let go ng taong mahal mo. Ang sakit pala pakawalan ng tao na naging buhay mo na. Ang sakit-sakit pala na kahit na wala naman siyang ginawang masama at wala siyang ginawa sa relasyon ninyo kung hindi patatagin ito pero... kailangan mo siyang pakawalan kasi may naghihintay sa kanya. May naghihintay sa kanya na higit pa sa akin at mas importante pa sa akin.
Bumagsak ang luha ko dibdib ni sir Laszlo. Di ko aakalain na aagos agad ang luha ko nang ganito kadali. Nagpatuloy sa pag-agos ang mga luha ko kaya minabuti ko na umalis sa ibabaw ni sir Laszlo at punasan ang dibdib niya na may patak ng luha ko. Dahan-dahan akong bumaba sa kama saka pumunta sa silya kung nasaan ang bag ko saka kumuha ng masusuot doon. Tanging underwear at shorts lang ang sinuot ko at bumalik ako sa kama.
Kumurap-kurap ako at suminghot dahil sa walang tigil na pagdaloy ng luha galing sa mata ko. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha na patuloy sa pag-agos. May isasakit pa ba ito? Dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko para akong sinasakal sa leeg at kinakapusan ng hinga.
I've never thought that our relationship would end this way. I've never thought na ako tatapus sa relasyon namin. Dahil akala ko... akala ko si sir Laszlo ang tatapos sa relasyon namin pagdating ng araw. Pero ako pala...
Umupo ako sa tabi ni sir Laszlo at inakyat ko ang paa ko sa kama saka ko iyon niyakap. Yumuko ako at patuloy sa pag-uunahan ang luha ko.
Lagi akong takot. Lagi akong nag-aalala na baka isang araw pumunta na lang sa akin si sir Laszlo at sabihin niya na pagod na siya, na hindi na niya ako mahal, na hindi na niya ako kayang mahalin. Nakakatawa na iba pala maglaro ang tadhana. Hindi ko man lang inisip na maaaring ako pala. Na maaari pala na ako ang tatapos sa amin. Ayaw ko pero kailangan. Dahil iyon ang nakakabuti. Para ito sa nakakarami. Ayaw kong hawakan si sir Laszlo at ipagkait sa mundo kung saan talaga siya nabibilang. Ako isa lang ako kung mananatili siya sa akin pero kapag tinulak ko siya palayo sa akin may pamilya siyang uuwian, may bansa na naghihintay sa kanya.
"I don't like what the fuck I'm seeing right now."
Naingat ko ang ulo ko at napatingin kay sir Laszlo na umiigting na ang panga. Bumangon siya at humilig sa kama. Nagkaharap kami ng maayos.
Sinubukan niyang abutin ang mukha ko pero iniwas ko ang mukha ko sa kamay niya at pinunasan ang luha ko pero may lumabas na naman.
BINABASA MO ANG
[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔
RomanceRESERVED Mafia Underboss Series 1 [BxB, R-18] A province boy, Ady Vera Cruz meets noble man Laszlo Mcgregor, the mafia and runaway prince of House of Van Tyndall, one of the most influential and powerful family somewhere in Greece. Their...