Chapter 29
Ady Pov
Nang tumawag sa akin si sir Laszlo sabi niya uuwi siya ngayon dito sa Cebu pero wala siyang sinabi kung anong oras siya dadating o magla-land. Kaya ako ay nakaupo lang sa balkonahe at katatapos lang tumawag ni Rose sa akin. Nang hihimutok siya sa akin dahil wala na siyang katulong sa mga gawaing bahay. Tsk! Akala niya naman talaga tinutulungan niya ako noon.
Mabuti na nga at pumayag na si Auntie Rori na hindi na ako bumalik doon dahil para na rin daw may mag-alaga dito kay Lola Flor pati na rin kay Lola Asun. Si Lola Flor hindi pa rin niya alam hanggang ngayon na sinagot ko na si sir Laszlo. Di rin naman nagtatanong na sa akin si lola tungkol doon. Pero ngayon pagdating ni sir Laszlo ay sasabihin ko sa kanya na ipaalam na namin kay Lola.
Ngayon ay mag-isa lang ako dito sa bahay kasi bumili si lola Flor ng tela para sa pananahi niya. Habang tinatanaw ko ang daan patungo kina lola Asun may nakita ako bulto ng tao. Tao na matagal ko nang gustong makita. Iyong tao na miss na miss ko na. Pagkatapos ng isang buwan ngayon lang kami nagkita. Si sir Laszlo ay naglalakad patungo rito sa bahay ni lola Flor habang ang dalawang kamay ay nasa likod at pinagtitinginan siya ng mga kapit bahay namin. Nagtataka ako kung bakit siya pinagtitinginan ng mga kapit bahay namin. Akala ko dahil matagal lang nilang di nakikita si sir Laszlo kaya ganoon. Pero nang makita ko ang malaking bouquet ng bulaklak na dala dala niya ay napatayo ako bigla at agad na kumaripas papasok sa bahay.
Pisti bakit may pa bulaklak pa siyang nalalaman? Napapadyak ako sa sahig. Ang mukha ko rin ay uminit ng todo. Ano kaya ang iisipin ng mga kapit bahay namin? Hindi naman siguro nila iisipin na sa akin iyon diba? Pwede naman nilang isipin na kay lola Flor iyon. Tssk!
Narinig ko ang tatlong katok ng pintuan bago iyon bumukas at nakita ko ang mukha ni sir Laszlo na walang ka ngiti-ngiti sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Sir, Las-"
"Why did you runaway when you saw me?" seryoso niyang tanong sa akin habang ang bulaklak niya ay hawak sa isang kamay niya.
Hindi ba para sa akin iyon? Tsk! Natural Adriel Vera Cruz.
"Answer me." Demand niya.
"U-uh..." Ako saka napakamot sa batok ko.
"Haven't you miss me?" pagsesegunda niya.
"H-hindi sa ganun." Mahina kong saad sa kanya.
"Hmm, yeah." Walang ganang wika niya at inabot sa akin ang malaking bouquet ng pink tulips. "By the way, that's for you. I was really excited on my way here and i even brought a bouquet of flowers for you to surprise you but I guessed you didn't like it." Dalawang kamay ko ang tumanggap sa bulaklak at siya naman ay umupo na doon sa sofa at naka-krus ang kamay sa ibabaw ng dibdib niya at wala sa mood.
Bumuntong hininga ako at tuluyan na siyang hinarap. Nilapag ko ang bulaklak at ang cell phone ko sa kabilang upuan at umupo ako sa kandungan niya saka ko nilagay ang kamay ko sa balikat niya. Lumiwanag saglit ang mukha ni sir Laszlo pero bumalik iyon sa pagiging seryoso. Tsk! Naalala niya siguro na naggalit-galitan siya sa akin.
"I miss you." Simula ko at hinalkan ko ang labi niya saglit. Tiningnan ko ang ekspresyon ng mukha kung may nagbago ba pero wala. "N-nagulat lang naman ako. May... pabulaklak ka kasing nalalaman tapos p-pinatitinginan ka pa ng mga kapit bahay namin." Rason ko pero hindi man lang siya tumingin sa akin. "Sorry na. Miss na miss rin naman kita." Ako at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔
RomansaRESERVED Mafia Underboss Series 1 [BxB, R-18] A province boy, Ady Vera Cruz meets noble man Laszlo Mcgregor, the mafia and runaway prince of House of Van Tyndall, one of the most influential and powerful family somewhere in Greece. Their...