Dedicated to: KL_seolarBin
_________________________Chapter 22
Ady Pov
"Florinda! Iyong apo mong nag-Manila nagpakita na!" Sigaw nang nakakabatang kapatid ni lola Flor na si Asunta. Siya ang bunso sa kanilang magkakapatid ni lola Florinda o mas kilala bilang Flor na nag-alaga sa kay lola Flor habang nasa La Union kami nina Auntie Rori at Rose.
Si lola Asunta ay isang matandang dalaga at suki siya ng mahjong dito sa probinsiya. Uulan siguro ng apoy kapag hindi siya nakapag-sugal sa isang araw. Iyon ang pagkakakilala ko kay lola Asunta bago ako nangngibang bayan. Pero hanggang ngayon pala ay nagsusugal pa siya. At dumagdag pa ang paninigarilyo niya. Tapos ngayon, may sarili na siyang pasugalan sa bahay niya.
Nagbuga siya ng usok saka lumapit sa akin. Tinapon niya ang sigarilyo niya. "Ano't nauwi ka ata Adriel?" Tanong niya at umupo sa kawayang upuan na siyang kinauupuan ko ngayon. Umaalingasaw ang amoy ng sigarilyo mula kay lola Asunta.
Si lola Asunta ayaw niya sa akin. Mula pa man noon ayaw na niya sa pagmumukha ko dahil naalala niya daw ang mukha ng ama ko sa akin. Ni hindi ko naman nakilala ang tunay kong ama.
"N-na miss ko lang po si lola Flor at ang probinsiya po." Sagot ko sa kanya.
Tumawa naman siya. "Adriel dalawang taon kang hindi umuwi dito kahit na nasa loob ka lang naman ng Pilipinas tapos ngayon mo lang na miss ang lola mo?"
"La-"
"Wag mo akong ma-lola lola Adriel. Ayaw ko pa rin sayo. Iyang mukha mo talagang nagmana sa ama mong mangloloko. Ako pa naman ang nagpakilala sa kanya sa nanay mo." Ani lola Asunta at tumihaya.
Kahit na ayaw ko sa amoy ng sigarilyo ay lumapit ako ng husto kay lola Asunta at tumingin sa kanya. "K-kilala niyo po ang ama ko? Ano pong pangalan niya?" Sabik kong tanong kay lola Asunta.
Taas ang kilay ni lola Asunta na tumingin din sa akin. "Oo kilala ko ang ama mo pero mukhang naloko din ako nang ama mong iyon. Antonio Malik 'yan ang sinabi niyang pangalan niya isa iyong Palestino ang ama mo, Adriel. "
Nang matapos sabihin iyon ni lola Asunta ay tumayo siya at bumalik doon sa mga taong nagsusugal dito sa balkonahe ng bahay niya. Hindi pa nakalayo si lola Asunta nang tinanong ko siya ulit.
"La," tawag ko sa kanya kahit na ayaw niya. "May contact po ba kayo sa k-kanya?"
Tumigil si lola Asunta at bahagya nilingon ang ulo niya sa akin. "Por dios por santo! Adriel. Kung sana alam ko edi dinala na kita doon upang makapera man lang ako. Umalis iyon nang mabuntis ang nanay mo at di na namin mahanap."
Napayuko ako. Gusto ko lang namang makita at makilala ang ama ko. Hindi rin naman ako magpapabuhay sa kanya kung saka-sakaling makilala ko siya. Pero malabo namang makilala ko siya. Isa pa Palestino siya siguro ay umuwi na iyon ng bansa niya nang mabuntis niya ang nanay ko. Natakot siguro iyon sa responsibilidad.
Ngunit sa kabila no'n gusto ko pa rin talaga siyang makilala. Gusto kong makilala ang taong nagbigay buhay sa akin sa mundong ito.
"Apo!" Mula sa pagkakayuko ko ay iningat ko ang ulo ko at mabilis na tumayo upang sugurin si lola Flor ng yakap. Ang tangkad ni lola Flor ay hanggang dibdib ko lang.
"Apo. Miss na miss kita." Umiiyak na sabi ni lola at mahigpit ang niyayakap.
Pumikit ako ay mas niyapos ko si lola. "Miss na miss din kita, La. Sobra po."
BINABASA MO ANG
[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔
RomanceRESERVED Mafia Underboss Series 1 [BxB, R-18] A province boy, Ady Vera Cruz meets noble man Laszlo Mcgregor, the mafia and runaway prince of House of Van Tyndall, one of the most influential and powerful family somewhere in Greece. Their...