CHAPTER 7

49.9K 1.8K 202
                                    

Chapter 7

Ady Pov

"Finally you came." Anang ni sir Laszlo saka ako hinila.

Ako na walang lakas dahil sa pagkabigla ay agad niyang nakabig patungo sa kanya. Nag-landing ako sa gilid niya. Nakabuka ang malalaki at mahahaba niyang hita sa carpeted na sahig. At parang wala rin siya sa sarili niya. Amoy alak pa siya.

Ano kaya ang problema ni sir? Bakit kaya naglasing itong si sir Laszlo ngayon?

"S-sir lasing na po yata kayo." ako saka sinusubukan kong tanggalin ang mapag-angking kamay niya na nakahawak sa bisig ko.

Iyong mapupungay niyang mata ay nakatutok lang sa akin. Parang wala siyang narinig at nakatitig lang talaga siyang.

"Dammit!" mahinang mura niya.

"Sir... sir Laszlo ihahatid ko ba po kayo doon sa silid ninyo?" tanong ko sa kanya at hinayaan ko na lang ang kamay niya na nasa bisig ko. Mabuti nga at hindi na iyon gaanong kahigpit.

"No..." sagot niya sa akin.

Anong oras na ba at bakit nandidito pa ito dito? Tapos naglalasing pa! Madadamay pa ako dahil ayaw akong pakawalan. Inalis ni sir Laszlo ang mata niya sa akin. Alam ko namang inaantok na siya pero nagmamatigas lang siya.

Pinagmasdan ko ang halos perpekto niyang mukha. Iyong mukha niyang sobrang puti na ultimo iyong maliliit niyang ugat doon ay nakikita ko. Iyong matangos niyang ilong at ang labi niyang mapupula. Napalunok ako. Giatay! Bakit gusto kong halikan iyong labi niya. Bakit gusto kong malaman kong ano ang feeling na mahalikan ng labing iyon. Iniling ko ang ulo ko. Walang bakas ng balahibo ang mukha ni sir Laszlo.

"Sir matutulog na po ako." anang ko at muling kinuha ang kamay ko sa kanya pero muling humigpit ang pagkakapit niya doon. Sir Laszlo naman hindi porket may nararamdaman na ako sa iyo ay ganito na!

Para akong mamamatay sa ganitong sitwasyon namin ni sir Laszlo iyong sobrang lapit lang namin. Iyong puso ko kanina pa nagwawala sa loob ng ribcage ko. Bumuntong hininga ako at umupo na rin sa carpeted na sahig dahil nangangalay na ang binti ko!

Yumuko ako dahil inaantok na kasi ako.

"Saan ka galing?" Tanong ni sir Laszlo sa akin.

Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya na malayo ang tingin.

"Po? Sir?"

"I said. Saan ka galing?"

Actually, rinig na rinig ko naman talaga iyong sinabi sa akin ni sir Laszlo kanina. Pero iba kasi ang lumabas sa bibig ko. Binaling ni sir Laszlo ang pansin niya sa akin. His drowsy silver eyes is really damn captivating and enticing.

Kaya nga gusto mo. Parang may kung saang galing na bulong ang narinig ko.

Ako naman ngayon ang nag-iwas ng tingin ang tinuon ang mata sa mabalahibong carpet sa sahig. "Sa... sa... kanila Cane po sir." hindi ko naman talaga obligasyon na sagutin siya. At hindi naman talaga rin siya nagtatanong ng ganito. Nakakapagtataka lang.

"In your baby's house?" sunod niyang tanong.

Inangat ko muli ang ulo ko sa kanya. Nagtagpo ang mata naming dalawa. Bumilog ang mata ko dahil sa lakas ng kabog sa puso ko. Kailan pa ba ako masasanay dito?

Hinila ko ang bisig ko na nasa kamay niya pero sana hindi ko na lang iyon ginawa dahil ngayon ang dalawa kamay na niya ang nakahawak sa dalawang bisig ko. Napatingin ako doon. Tatayo sana ako dahil hindi ko na maintindihan ang pinaggagawa ni sir Laszlo at mga pinagtatanong niya pero muli niya akong hinila sa kanya at sa pagkakataong ito. Sumubsob ang mukha ko sa matitipuno niyang katawan. Para akong nakuryente ng lumapat ang mukha ko doon sa dibdib niya.

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon