CHAPTER 5

56.6K 2.1K 260
                                    

Chapter 5

Ady Pov

Habang nakahiga ako sa matigas at maliit kong higaan ay hindi maalis sa isipan ko iyong sinabi sa akin ni Sir Laszlo. He is finding himself daw. Hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy niyang finding himself. Pero iyong mata niya kanina parang maraming iniisip at bumabagabag sa kanya.

Hindi naman siguro siya namumub-blema sa pera dahil dating mayaman naman siya. Tindig pa nga niya ay sumisigaw na sa karangyaan. Saka sa paraan din ng postura niya para bang nakakataas talaga siya. Iyong pakiramdam na kapag kaharap mo siya ay parang ang baba mo kumpara sa kanya. Ganyan ang datingan ni Sir Laszlo.

Inunan ko ang braso ko at tumingin sa ceiling.

Bakit ko ba iniisip ang ganitong bagay? Dapat problemah-in ko ang sarili ko dahil gusto ko nang umuwi ng Cebu. Gusto kong umuwi doon sa probinsiya namin kasi miss na miss ko na ang Lola ko pero sa kabila ng rason na iyan... ang totoo ay gusto ko na ring umuwi ng Cebu para makalayo ako kay Sir Laszlo. Ewan ko kung anong klaseng sakit ba ito. Pero kapag nakikita ko si Sir... pisti lang dahil kinakabahan ako na pinagpapawisan ng malamig. Parang iyong pakiramdam ba na nagre-report ka pero wala kang alam sa pinagsasabi mo. Hindi na talaga ito maganda, alam ko.

Maganda ang naging gising ko kina-umagahan kahit na nahihirapan akong ipikit ang mata ko kagabi dahil sa mga iniisip ko. Marami na nga akong iniisip dumagdag pa si Sir Laszlo. Maganda rin ang gising ko kasi walang Rose na nanggambala sa akin. Salamat sa puong may kapal!

Nang matapos akong maligo. Agad akong nagbihis sa lagi kong pormahan? Hahaha. Naka-maong shorts ako na hanggang tuhod ang haba tapos may butas-butas na rin itong shorts ko at kumukupas na rin ang kulay dahil gamit na gamit ko na. Tapos pinaresan ko ng isang t-shirt na DIY ko lang, may mahabang slit ito sa gilid. Bukas ito mula sa kili-kili ko hanggang sa hem mismo ng t-shirt. Mas prefer ko kasi ito lalo na ngayon dahil medyo mainit ang panahon at dagdagan pa sa trabaho ko na nagbibilad sa araw. Parang ang natatakpan lang ng damit ko ay ang tiyan at ang likod ko. Saka sanay na rin na naman ako sa ganitong kasuotan kahit na noong nasa bukid pa ako.

Pagbukas ko ng pintuan ay agad akong napaatras pabalik sa loob ng kwarto ng inuukupa ko. Muntik pa akong mapakapa sa puso ko sa gulat!

"Yawa!" gulat kong sambit nang bumungad sa akin ang presko at gwapong mukha ni Sir Laszlo. Putik!

Muntik ko ng makutos ang sarili ko dahil sa pinagsasabi ng utak ko. Dagdagan pa sa bibig ko na walang preno. Hindi na siguro ako magtataka na kung bukas makalawa ay masigawan na ako ng 'you are fired', dahil dito sa magaling kong bibig. Nauuna pa kasing bumuka ang bibig ko kaysa mag-isip ng kung ano ang dapat ang sabihin!

Napalunok ako ng makita ko ang pilak na mata ni Sir Laszlo parang inaantok na may halong... galit?

Pisti na jud ni! Bulong ko sa sarili ko.

"S-sir kayo po pala," hilaw ko siyang nginitian.

"Cook." maikling wika niya.

"Po?"

"You heard me. Cook for me. I'm hungry as fuck." Parang naiirita niyang saad sa akin.

"H-hindi pa po ba nagluluto si Auntie Rori, Sir?" tanong ko at humakbang papalabas ng silid ko. Sumilip ako sa paligid, nagbaba-kasakali na makita ko sila Auntie Rori at Rose saka siya pinukol ng tingin.

"What are you looking for?" istriktong saad niya.

Napaayos ako ng tindig. "Sina Auntie, s-sir... nagtataka lang po kasi ako kung bakit hindi pa sila nakapaghanda ng agahan mo-"

"Actually, your aunt already cook, but your foods tastes good than her. "

Walang pag-aalinlangan niyang saad. Masarap naman magluto si Auntie... o baka siguro nasanay lang ako kasi si Auntie naman talaga ang nagluluto.

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon