CHAPTER 6

51.8K 1.9K 214
                                    

Chapter 6

Ady Pov

Sa sumunod na araw ay nasanay na ako na gumising ng maaga at ipagluto si sir Laszlo. At nasanay na rin ako na sabay kaming kumain dalawa. Pero ang awkward lang kasi ngayon dahil wala na kaming imikan ni sir Laszlo. Actually, kapag kumakain kami ay hindi naman kasi kami usually nag-uusap iwan kung ano ang kina-awkward ng atmosphere ngayon. Nagsimula kasi ito noong nakita niya at narinig niya kaming dalawa ni Cane sa labas.

"Sir, gusto niyo po ba ng kape?" anang ko ng makita ko siyang pumasok sa kitchen bitbit ang laptop niya sa isang kamay niya. Abalang-abala siya doon at hindi matanggal ang mata sa ginagawa niya sa laptop. Malaya kong sinusundan ang bawat kilos ni sir Laszlo dahil hinihintay ko na lang na maluto ang baka na pinapakuluan ko. Lunch time niya at ngayon lang siya lumabas sa kwarto niya tapos bitbit pa niya ang laptop niya. Kanina ay hinatiran lang siya ni Rose ng breakfast sa kwarto niya. Ako sana ang maghahatid nun pero inagaw ni Rose kaya wala na akong magawa pa.

Ang ganda lang tingnan ng katawan ni sir sa suot niyang sleeveless na kulay gray tapos naka jogger pants at tsinelas pambahay lang siya. Napakasimple pero iba ang dating sa kanya. Tapos kitang-kitang ko pa ang muscles niya na nagpi-flex. Nakaka-intimidate talaga ang kaputian ng balat ni sir. Halos kita ko na ang ugat niya.

"No, thanks." payak niyang sagot sa akin habang ang mata ay nasa laptop saka nilapag niya iyon sa counter at kumuha ng malamig na tubig sa ref.

Tipid akong ngumiti sa kanya kahit na di siya nakatingin. Wala sa sariling sinundan ng mata ko ang pag-inom ni sir sa baso niyang may lamang malamig na tubig. Tiningnan ko kung paano lumapat ang mapupulang labi niya sa bibig baso at kung paano tumaas baba ang adams apple niya. Nang mailapag ni sir ang baso niya ay nahagip niya ako ng tingin.

Tinaasan niya ako ng kilay niyang plakadong-plakado. "What? Your thirsty?" si sir Laszlo saka inextend ang kamay niya sa akin. Muntik kunang kunin ang baso na nasa kamay niya pero bago ko pa iyon magawa ay iniling ko na ang ulo ko at hilaw akong ngumiti kay sir.

"Ay! H-hindi po sir." utal kong wika.

"Then why are you looking at me like you are very thirsty, then?" iwan ko ba kung bakit ang dating sa akin ng boses ni sir ay parang nanunuya na parang nang-aakit. Giatay nani!

Parang sinilaban ng apoy ang tenga ko dahil sa sinabi ni sir Laszlo. Yawa! Nakita niya pala iyon. Ginoo ko! Ano na lang kaya iisipin sa akin ni sir Laszlo.

"P-po?"

Bumuntong hininga siya saka nilapag ang baso sa mesa. "Nothing... but why your ears ang cheeks burning in red?" si sir Laszlo saka ngumisi sa akin.

Atay jud ka sir! Mas lalo kp tuloy'ng naramdaman ang pag-init ng tenga at pisngi ko. Napapikit ako. Nakakahiya! Tumalikod ako kay sir sa kahiyaan na naramdaman ko. Giatay! Ngano ni? Napahawak ako sa may dibdib ko na nagwawala. Bat ako kinakabahan ng ganito? Bakit ganito ang puso? Hindi naman ako mahilig sa kape, ah?

Naramdaman ko ang presensya ni sir Laszlo sa likod ko kaya. Napakapit ako sa gilid ng sink at pumikit ng mariin. Halos hindi na ako huminga dahil sa presensya ni sir sa likod ko. Ilang mga mura na ang sinambit sa utak ko.

Mas kinilabutan ako ng maramdaman ko ang hininga ni sir Laszlo sa likod ng tenga ko. Iyong init ng hininga niya ang nararamdaman ko. Tapos ang lapit pa ng katawan namin sa isa't isa. Pinagpapawisan na ako ng matindi dahil sa ginagawa ni sir.

Napayuko ako.

"This time your not a pisting yawa y'know? You look so adorable when your cheeks and ears flushed." bulong ni sir sa tenga ko na may dalang mainit na hangin. Pagkatapos iyon banggitin ni sir ay saka ko lang naramdaman ang paglayo ng katawan niya sa likod ko. Ilang saglit pa ay nagawa ko ng lumingon at nakita ko si sir na naglalakad palayo sa kusina bitbit ang laptop niya. Napaupo ako dahil sa panginginig ng tuhod ko. Yawa! Ano at bakit ko ito nararamdaman? Ano na ang nangyayari sa katawan ko? Bakit ganito ako sa tuwing nakikita ko at nasa malapit sa akin si sir Laszlo?

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon