Chapter One

32 1 0
                                    

FRHILLIZZIE KELL WAINWRIGHT




“Have a good day, everyone.”



Nagising ang diwa ko nang sambitin ng aking guro ang mga katagang iyon. Kanina pa kasi nakakabagot ang kaniyang klase.



Matapos kong mabilis na ayusin ang aking gamit ay agad akong dumiretso sa cafeteria upang bumili ng aking tanghalian at tumuloy sa aking madalas tambayan.



I have few friends kaya lang 'yung iba nasa ibang school at ako lang talaga ang naglakas ng loob na humiwalay sa kanila. Besides, 2nd year naman na ako at na-realized ko na there comes a time na kailangan mong sarilinin ang lahat. You have to learn how to live independently.



Pagkaupo ko ay sinuyod ng mga mata ko ang buong lugar, tinitignan kung may iba pa ba akong kasama dito sa rooftop. Bibihira lang kasi ang mga estudyanteng napapadpad dito dahil bukod sa may kalayuan ito ay mababagot lamang ang mga pupunta dito lalo na't masyadong mataas ang lugar at tanging mga huni ng mga sasakyan lang mula sa baba ang maririnig mo. But I like it here. The cold breeze of air feels like it is touching my soul, it gives me serenity.



Nang masiguro kong ako lang tao ay inilabas ko ang notebook mula sa aking bag at nagsimulang magsulat.



Since I was a kid, nakahiligan ko na talaga ang magsulat ng tula and writing poems has been my remedy to ease the pain and a minute forget about my dad.



I miss him. I miss my dad.



I am indeed a daddy's girl, kasi naman bata pa lang ako siya na ang mas nagpahalaga sa akin. Na kahit busy siya 'di niya ako kinakalimutan. I still clearly remember kung paano niya ako i-defend kapag may pagkakataong pinapagalitan ako ni mommy. He was my shield. My protector.



I heaved a deep sigh, trying to push away all of those memories. Masyado pang masakit. Missing your father is like missing some parts of your identity. Hanggang ngayon na kahit anong pagpilit ko sa sarili kong isipin na wala na siya sa tabi ko ay nahihirapan pa rin ako. Siguro nga ito na 'yung sinasabi nila na 'healing needs a long process'. Masyado nga talaga aoong nasanay na lagi siyang nandyan.



Nasa kalagitnaan ako nang pagda-drama when I felt someone poking my back. Badtrip, kitang nage-emote pa 'yong tao eh! Mabilis kong pinunasan ang takas na luha at inis na nilingon ang taong kumakalabit sa akin.



“Uhmm hi..” Bungad ng isang lalaki sa akin.



Matangkad siya kaya ang lagay ay titingala talaga ako kung hindi lang nakatukod sa likod ng upuan ang mga braso niya. Fair ang complexion niya at kusang nawawala ang mga mata kapag nakangiti. Hindi makakailang gwapo ang isang 'to. He really is.



Sandali akong napatulala sa kanya para alalahanin kung sino nga ba siya. He looks really...familiar. From the way he smile. At ang paraan nang pagtitig niya.



Para siyang si...



"K-kleyvtoun?" Hindi siguradong banggit ko sa kanyang pangalan.



Mas lalong lumawak ang kanyang pag-ngiti kaya kumpirmadong siya nga ito.




“I thought you already forgot me.” Kunwaring may lungkot ang boses na usal nito kaya mahinang napatawa ako. Nagtagpo ang kanyang mga kilay na para bang may ginawa akong hindi kanais-nais ngunit mabilis namang bumalik ang pag-ngiti nito. Hindi ko maiwasang mapailing na lamang sa biglaang turan nito.



Wow, still a bipolar, eh.



Kleyvtoun Arch Ruviése



Kahit sobrang tagal na ng huli naming pagkikita ay hindi ko makakalimutan ang ngiti niya. How can I forget my childhood sweetheart?



Se Agapo 1: Moonlight AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon