Chapter Thirteen

16 1 0
                                    

FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT



“The place is exquisite. Lagi ka ba rito? ” I pointed a sky blue in color fork on the dazzling man sitting opposite to me.



Palm brought me to a sky blue place called The Angelus, it's a combination of restaurant and coffee shop. Pero mas nangingibabaw ang café ambiance nito dahil sa parang heaven ang feels at hindi sobrang formal katulad ng nakasanayang restaurant. Kakaiba ang lugar lalo na ang ceiling na napupuno ng mga pekeng ulap at may mga nakakawit pang stars na kumikislap-kislap dahil sa glitters, at mas kumikinang pa ito kapag natatamaan ng sinag ng araw. Sa may counter ay naroon ang napakalaking crescent moon na nakakalula sa ganda dahil sa para talaga itong totoong buwan na ninakaw nila sa solar system. Maybe the owner is a fan of the color dahil kahit ang mga upuan at lamesa ay kulay sky blue pati nga ang mga utensils na gano'n rin ang kulay pero kahit gano’n ay hindi ito childish tignan. Ang ganda-ganda ng lugar! How come I've never been in this place before?



Palm’s brows furrowed. “Anong ibig mong sabihin?”



Sandali akong napatitig sa kanin kong kulay sky blue. It looks edible but I'm afraid to ruin its beauty. Parang mas gugustuhin kong magutom na lang kaysa sa kainin ang magandang kanin na 'to.


“I've never seen this place before at mukhang tambayan 'to ng mga lovers.” Kibit-balikat na saad ko. Couples everywhere, eh. Mukha ngang ang mga single pa ang mahihiyang pumasok dito.



Tiim siyang napatitig sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. “That's why we’re here and it's actually my first time here, too.”



Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. So, ako talaga ang una niyang dinala sa lugar na 'to? Oh, man! I suddenly feel special.



Nakamot ko ang ilong ko nang haluan niya ng sabaw ng bulalo ang kanin ko. Sira na blue rice ko.



“One of my closest friend actually owns this place. Lagi niya akong inaayang dumaan dito para bumisita o kaya tumambay but I keep on declining...”



“Bakit?” kuryoso ko.



His intense charcoal black eyes bore into mine. His eyes were twinkling like a midnight stars. Distracting yet relaxing. “I firmly believe that I'll only enter this special place with my special someone.”



Lihim akong napangisi.



“Kaya mo ba ako dinala rito?” I have a high hope asking him, knowing that I am the first woman he brought here. Sa tingin ko naman...



Nakangiting tumango siya.



“Yep. Nabanggit sa akin ng kaibigan ko na itinayo niya ang lugar na 'to as a reminder of Angelus. Ang special character niya.”



I gave him a questioning look.



“Special character? Writer ba siya?” I asked. Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong kwentong business na nagtayo ng ganitong lugar dahil lang sa character niya.



“Talk. I wanna know more.” I demandingly added. Nakuha nito ang atensyon ko.



Naiiling siyang natawa sa tinuran ko.



“Hindi ko siya matawag na writer dahil hindi naman niya isinulat ito sa libro but Angelus was created in a dream. Nawawalan na siya ng pag-asa sa sarili niya nang mapanaginipan niya si Angelus—na isang adventurous at optimistic na tao. Ikinuwento niya sa amin noon na natatakot siyang matulog noon dahil sa biglaang pagkamatay ng lolo niya. Mahal na mahal niya ang lolo niya at hindi niya matanggap ang biglaang pagkawala nito. Matutulog pa lang sana siya noon nang ibalita sa kanya na patay na ang lolo niya and my friend doesn’t want to sleep kasi natatakot siya. Natakot siya na baka sa panaginip niya ay makita niya ang lolo niya o kaya baka may mangyari na namang hindi maganda kapag nakatulog siya...”



Se Agapo 1: Moonlight AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon