FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT
“Umuulan nang malakas sa labas. Hindi ka pa ba uuwi, iha?”
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may lumapit sa akin madre at tsaka walang pahintulot na tumabi sa akin. She looks young and have a saint-like face.
“P-pasensya na po, sister. Magsasara na po ba kayo?”
Nag-sign of the cross muna ito bago ako muling binalingan. It's getting late, though.
“Hindi pa naman, kaya lamang ay baka may nag-aalala na sa inyo? May dala ka bang payong?”
Sinundan ko ang tingin niya sa labas ng pintuan ng Simbahan. Malakas nga ang ulan st hindi ko 'yun napansin kanina pa.
Napabuntong-hininga ako. “Nasa kotse ko po, sister. Patitilahin ko po muna ng kaunti tsaka uuwi na rin po ako.”
I know Ulrich is waiting for me.
“Kalimitan sa mga taong pumapasok dito ng ganitong oras ay may mabigat na dalahin.” She gaze at front. “Alam ng Panginoon ang inyong bawat hinaing.”
I sighed. “Is it bad? Na kadalasan pumupunta ang mga tao rito kasi gusto nilang humiling o kaya ay para lang sabihin sa kanya ang mga problema natin?”
“Humingi kayo at kayo'y pagbibigyan, humanap kayo at kayo'y makakatagpo, kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan, 'yan ang laging sinasabi sa atin ng Panginoon. Mula pa noon ay naging sandigan na natin ang Diyos. It's not bad to seek help from Him.”
“Kahit po masamang tao ang humihiling?”
“Walang mabuti o masama sa paningin Niya, iha. Maging masama man tayo sa mata ng ibang tao, para sa Kanya naman ay tao ay perpekto. Hindi man tayo sapat para sa iba, sapat naman tayo sa Kanya. God loves us. We may not see it but we all have the chances to feel it. We may feel the agony of life but later on, the happiness that we crave for happens. Ang kailangan lang nating gawin ay magdasal at maghintay.”
Tama siya.
“Sister, dapat po bang palayain ang totoong mahal mo para po sa taong naging sandigan mo na ng ilang taon?”
Seconds of sadness engulfed her eyes. Like she knows what exactly it feels.
“Hindi ako ang tunay na makakasagot niyan, iha. Pakiramdaman mo ang iyong puso at pag-isipang mabuti. Magiging masaya ka ba sa taong ang nararamdaman mo lang ay love of assurance o doon sa taong mahal mo pero sa tingin mo ay tapos na ang panahon niyo?”
Goodness, why love is complicated? Hirap sa main character, love ang main problem, eh.
“Hindi ko po alam...”
Napatingin ako sa kanya nang gagapin niya ang palad ko. “Maraming ibat-ibang klase ng pagmamahal, depende sa pangangailangan ng tao. Pero alam mo kung anong nakakatuwa? Maranasan man natin ang lahat ng klase ng pagmamahal na iyon, mayroon at mayroon pa ring isang mananatili.” Itinuro niya ang puso ko. “At iyon ay ang tapat at tunay na pagmamahal.”
“Nadadaya po ba ang pagmamahal?”
For the first time, she smiled. And it was an angelic smile. Napakaganda niya katulad nung babaeng nakilala ko sa eskwelahan ni Sabina noon.
“Sa aking pakiwari, oo, pero hindi iyon nagtatagal. Darating at darating panahon na mare-realize mo rin mali ang pagmamahal mo. Hindi naman kasi nagkakamali ang tao sa pagmamahal, iha. Nagkakamali lang tayo sa uri na ginagamit natin.”
BINABASA MO ANG
Se Agapo 1: Moonlight Agape
Ficción GeneralSe Agapo 1: Moonlight Agape [COMPLETED] Fhrillizie Kell Wainwright fights for her role as a daughter and a student. Striving becomes her comfort zone and she thought that no one will understand her situation. But not with Phaillous Lmeul Shafer, he...