Chapter Eight

14 1 0
                                    

Trigger warning: The following statement may be contradictory. This is opinionated. I’ll respect yours, so I hope you'll respect mine.

Happy reading!

-----------

FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT



“Fhrillizzie!”


Napapitlag ako nang biglang may tumawag ng malakas sa pangalan ko kaya naiiritang binitawan ko ang librong hawak ko upang lingunin ito. Agad na umarko ang kilay ko nang tumambad sa akin ang nakangising mayor ng klase.


“Oh, bakit?” may halong iritasyon kong tanong.


Tanghaling tapat sa balyena pa ako natapat.


“Kailangan mong pumunta sa office of the Dean,” aniya niya na nagpatakha sa akin.


Office of the Dean? Ano namang gagawin ko roon?


“Bakit daw?” muling tanong ko.


Lantaran siyang umirap at nameywang sa harap ko, “Kung pumunta ka na lang kaya doon?! Dami mong tanong.” Gusto ko siyang kutusan sa naging sagot niya pero pinigilan ko na lamang ang sariling kong gawin 'yon. Pasalamat talaga siya ay naiintindihan ko na may mood swing din ang mga bakla.

“Tss.”

Masama pa rin ang tinginan naming napatayo na ako at maglalakad sana patungong pinto nang muli na naman niyang tinawag ang pangalan ko. Hindi ko alam pero sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko ay parang may demonyong nagu-udyok sa aking sakalin siya. Hays, mabuti na lang talaga at anghel ako.



“Isama mo si Brette. Dapat sabay kayong magpunta.” Lumingon siya sa lalaking nakakunot ang noo na nakaantabay sa amin. Siguro ay narinig niya ang pagbanggit sa pangalan niya ng baklang mayor.



Naiiritang binalingan ko ang bakla nang iminuwestra niya ang kamay niya kay Brette na seryosong lumapit sa amin. Imbes na ang mayor namin ang lapitan niya ay sa akin siya tumabi at pinangunutan niya ako kaya otomatikong napataas ang kilay ko. Hindi naman nakaligtas sa pheriperal vision ko kung paano suyurin ng bakla si Brette. Iyon bang pagsuyod na may halong pagnanasa. Baklang 'to! Sa akin galit na galit pero kay Brette ngawit na ngawit!



“Anong problema, Gerald?” malalim ang boses na tanong ni Brette sa kanya. Gusto kong bumunghalit ng tawa nang napasimangot ang mayor sa pagkakabanggit sa pangalan niya.



“It’s Geraldine,” pabebe nitong pagtatama at nang makita niyang nakatingin ako ay muli niya akong inirapan. Ano na namang problema nito? “Anyway, excused na kayong dalawa sa next sub., kailangan na kayo. Gora!”



Tahimik kaming naglalakad ni Brette pababa upang pumunta sa Dean’s Office and honestly, I feel the silence is overwhelming that it gives us an awkward situation. Hindi ko nga rin alam kung bakit ni katiting na kaba ay wala akong maramdaman knowing na ipinapatawag kami. Kaming dalawa na lamang ang naglalakad sa hallway dahil nagumpisa na rin ang klase at tanging bigat ng sapatos at tunog ng takong ko ang maririnig sa pasilyo. Nakarinig ako ng pagtikhim kaya alangang nilingon ko si Brette.



“May problema ba, Brette?” I popped at kita ko ang sandaling pagkagulat sa kanya. He slid up his eyeglasses at matamang nilingon ako.



“W-wala.” He whispered. “This is the first time I heard you call my name.”



“Yes, Brette.”



Napangiti ako nang mamumula ang tenga niya. Cute. And like I've said before, he's an eyecatcher kaya nasisiguro kong marami ang humahanga sa kanya. I won't even be surprise kung isang araw ay bigla ko na lamang na masasaksihan na may babaeng mag-confess sa harapan niya. Hindi ba't ganun naman talaga sa mga istorya? There are women who have the courage to confess their feeling towards that guy and I call it bravery. Hindi mababa ang tingin ko sa mga ganoong tao na kahit may chances na ma-reject sila ay nagagawa pa rin nila na magsabi ng nararamdaman nila.



Se Agapo 1: Moonlight AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon