Chapter Thirty One

21 2 0
                                    

FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT




“Where is Shafer?”



Wala sa kondisyong tanong pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina. That man! Kagabi ko pa siya tinatawagan at tinetext pero ang gago'y halatang iniiwasan ako. Last night, I can barely move from what I've learned.



“Ma'am, nag-sick leave po." Sagot ni Emma. Wala na si Allysa dahil umpisa na ng maternity leave niya.
Mas lalong sumama ang timpla ko dahil sa narinig. Kuyom ang kamaong pinigilan kong sigawan siya.
Ang kapal ng mukha ng lalaking 'yun. Hindi ko palalampasin ang paglilihim niya sa akin. Goodness, this is not a small thing! I wanna cry and the same time punch his face for not telling me this earlier. Kasal na ako nang hindi ko man lang nalalaman!



Muli kong hinarap si Emma.



“Look for his document and locate where he lives.”



Agad namang tumalima si Emma at ibinigay ang address niya. I am going to make sure he'll pay for this. Pesteng lalaki.



Mataas na ang sikat ng araw nang tingalain ko ang matayog na building sa harap ko. The place never changed. Sa labas pa lang ay magsusumigaw na ito ng karangyaan. Ynares Condominium. Dito pa rin pala siya nakatira.



I was about to hand my i.d when the guard bowed at me.



“Good morning, ma'am. Welcome back.”



Napataas ang kilay ko sa ginawang pagbati ng guard. Hindi ito ang guard na nakilala ko noon limang taon na ang nakakalipas at tsaka isang beses lang akong pumasok dito. Paanong...



“Excuse me? You know me?”



The guard smiled but avoided my eyes.



“Yes, mrs. Shafer. Mr. Shafer told me to let you in.”



Sarkastikong akong tumawa. He really expected me to come here, huh.



Kinikilabutan ako. Hindi ko matanggap na tinawag niya ako sa ganoong apelyido. Bwiset ka, Palm. Makikita mo ngayon kung paano ako magalit. Wala na akong pinalampas pa na oras at tinahak ko na ang papuntang penthouse niya. Sa loob pa lang ng elevator ay para na akong sasabog.



“Open this damn door, Shafer!”



“Hey—”



Isang nakabibinging sampal ang isinalubong ko sa kanya.



“Damn you, Palm! Kailangan mo balak sabihin sa akin na kasal pala tayo. When did this happened?!” nanggagalaiti kong sigaw.



Sapo-sapo ang mukhang umupo siya sa sofa.



“Good morning, too, asawa ko.”



Uminit ang magkabilang pisngi ko sa itinawag niya sa akin.



“Stop calling me that and answer my questions!” I yelled.



He protruded his lips and cross his arms closer to his chest. I wanna know what's on his mind. May pa-sick leave sick leave pang nalalaman.



“Hindi ka ba magsasalita?!”



Mahina siyang natawa. “We got married when we were at the park, where you always come? Remember the wedding booth? It was real.”



Sa Compathy Park.



I recalled the vivid scene. Naaalala ko na, it was the time my love for him was alive. The moment I wished it was real, well, it really was.



Se Agapo 1: Moonlight AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon