FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT
“Fhrillizzie Kell, can we talk?”
Ang dapat kong muling paghakbang ay agad na nahinto, sa tapat mismo ng mga taong seryosong nakatingin sa mga mata ko.
“Peter...” Pagbanggit ko sa pangalan niya at sa likod nun ay si Kleyvtoun na nakapamulsa lang na nakamasid sa amin.
Sumunod ako nang nag-umpisa nang maglakad ang dalawa. Wala pang masyadong tao sa paligid dahil kakaunti lang ang may klase sa Biyernes at ang tanging tunog lamang ng mga lagitik na nagmumula sa aming mga sapatos ang gumagawa ng ingay.
Nabigla man ako sa biglaang pagsulpot ng dalawa ay sigurado akong alam ko na kung tungkol saan ang pag-uusapan namin. Pero kailangan pa bang umabot sa ganito?
Sa huli ay huminto kami sa lugar kung saan ay pamilyar na pamilyar ako. Ang lugar kung saan ako nalagi noon upang makaramdam ng katahimikan. Sa bench kung saan ako laging sumusulat ng tula at ibinubuhos lahat ng nararamdaman ko. And everything is nostalgic but why does my heart aching again?
“I don't like what you did to Lmeul, Fhrillizzie. Why did you made such decision? Akala ko ba mahal mo siya?”
Hindi agad ako nakaimik sa tono ng boses niya. Wala na ang maligalig niyang asta na nakasanayan ko kaya hindi ko tuloy maiwasan ang mangamba.
“H-he cheated on me,” I defended but he only laugh at me sarcastically.
“Iyan ba ang pinaniniwalaan mo?”
Nang sulyapan ko si Kleyvtoun ay tahimik pa rin siya sa may tabi. Hindi niya man lang ba ako ipagtatanggol? I'm his bestfriend.
“Lmeul never cheated on you, kung sana pinaniwalaan mo lang siya. Kung sana inintindi mo lang siya. Do you even know what he's going through right now?! Ni minsan ba tinanong mo man lang siya kung anong nangyayari sa kanya, ha? Why do you have to be so selfish?!”
Nagtagis ang kalooban ko sa sinabi niya.
“I am not selfish! Mas nasaktan ako sa ginawa niya! He lied to me gayong may pagkakataon naman siyang aminin ang lahat noong una pa, pero bakit hindi niya ginawa?!”
“Dahil mahal ka niya!”
My brain freeze when he spitted the words.
“Mahal na mahal ka niya kaya natakot siya pero hindi ibig sabihin nun ay wala siyang balak na aminin ang lahat tungkol sa tatay mo. Maraming nangyayari sa buhay ni Lmeul ngayon, pero bakit hindi mo 'yun nakita? Is that what love to you, Fhrillizzie? Gusto mo naka-sentro sa 'yo lahat? Pagod na ang kaibigan ko mula sa paghahanap sa kapatid niya at mula sa lahat ng frustration na nanggagaling sa ama niya, bakit sumabay ka pa? Hindi mo man lang naramdaman ang pagod niya...”
Para akong nabingi sa mga sinabi niya. Hindi ko alam na may hinahanap pala siyang kapatid niya. Hindi ko alam na nahihirapan din pala siya. Hindi ko alam.
“I-i am sorry,” hikbi ko na halos wala na akong maaninag pa sa kanila dahil sa punong-puno na ng luha ang aking mga mata.
“I wish your sorry could mend his broken heart but you worsen it, Fhrillizzie Kell. But that's fine, patas na kayo dahil nagsinungaling ka rin naman sa kanya.”
Sa sinabi niya ay muling kumabog ang dibdib ko.
He pulls out a mocking smirk, “Ulrich Bachstrom, huh? Nice pick.”
BINABASA MO ANG
Se Agapo 1: Moonlight Agape
General FictionSe Agapo 1: Moonlight Agape [COMPLETED] Fhrillizie Kell Wainwright fights for her role as a daughter and a student. Striving becomes her comfort zone and she thought that no one will understand her situation. But not with Phaillous Lmeul Shafer, he...