Chapter Nine

22 1 0
                                    

FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT




“Du bist mein, also bitte, gib mir eine Chance



I almost choke with the thought. I cannot!



Gulat man sa sinabi niya ay mabilis ko iyong itinago at mahina siyang itinulak kahit wala man lang iyong nagawa para magkaroon ng distansya sa amin. Mas tumaas pa ang init na nararamdaman ko dahil sa paraan nang pagtitig niya sa akin, na parang yelong tinutunaw ako. Mahina akong bumuntong-hininga upang pakalmahin ang nagwawala kong puso dahil sa ginagawa niya na mula sa paghalik at sa mapangangking pag-amin niya ay hindi pa rin ako makapaniwala. Laking pasalamat ko na lang talaga na sa office niya ako dinala dahil kung hindi ay paniguradong na-report na kami ngayon. At ang nakakainis lang ay parang wala sa akto niya ang may pakialam.



“H-hindi ko naintindihan ang sinabi mo," may nginig na salita ko nang mahanap ko na ang dila ko.



From the hopeful eyes, his expression turned dark as his lips curved into a grim line. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko pero wala akong pakialam. Mapapahamak kami sa ginagawa niya!



“Drop the act, Kell. Malinaw mong naintindihan ang sinabi ko," matigas ang boses na ipinagpipilitan niya kaya umiling ako.



“Sinabi ko na sa 'yo, hindi ko alam ang foreign lang—”



“You speak 3 different foreign languages and that includes German, you can't lie.” His monotonous tone paired with his dark face sent an undefined feeling in me. He's right, my mother forced me to learn different foreign languages at alam ko kung para saan 'yun.



Matalim ko siyang tinignan, “Then, you already know the answer to that."



“You're trying to reject me, isn't it?” he asked me like whatever my answer will be is nonsensical.



Pero tama nga ba siya? Am I trying to reject him? Sapat na ba ang takot na nararamdaman ko para umurong siya? Kaya ko bang burahin ang nararamdaman ko para sa kanya? Sa totoo lang, hindi ko alam. Mula noon, maliwanag na sa aking isipan na hindi pa ako pwedeng makipagrelasyon hangga’t wala pa ako sa tinatamasa ko. Kaya ang ginagawa niya ngayon ay mas nagpapagulo sa akin. Bigla ay para na akong nalilito sa kung anong susunod kong hakbang. Mali ito. Sobrang mali.



“I'm sorry but as you can see magkaiba tayo, you're my professor and I am your student!” I yelled, hoping that he'll see the point 'cause obviously, he's not dumb.



“And so?"



“That would be immoral and there would be a chance na matanggal ang lisensya mo!” giit ko. Hindi ko nga alam kung naiintindihan niya nga ba ang sinasabi ko dahil nanatili lang siyang nakatingin sa akin na parang kinokontempla.



Mariin akong napapikit dahil sa pagtaas ng frustrasyon sa akin. Mas humigpit ang ginagawa kong pagtusok sa palad ko pero wala man lang akong maramdamang sakit, only tension from what we are talking about. This is stupidly insane!



“Are you just gonna stand there? Hindi ka ba natatakot na mawalan ng lisensya?!”



Napahilamos na ako sa sobrang inis.



“Nah.”



Bwiset talaga, paano ko ba matataboy ang isang 'to?!



“Anong nah?!”



He smirked. “Nah, that I don't care about that license you're saying, I just want to have you.” Napatikom ako dahil sa isinagot niya.



Se Agapo 1: Moonlight AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon