FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT
“Iana—”
Nabitin sa ere ang dapat na sasabihin ko kay Iana nang makarinig kami ng kalabog sa kabilang mesa. Lahat ng mga naririto'y sa canteen ay nakikiusyosong napagawi rin ng tingin.
“I've been looking for you! Why you didn't even bothered to look at your phone?!” nanggagalaiting sigaw ng lalaki sa babaeng parang walang pakialam sa tinging ipinupukol sa kanila ng lahat at gano'n din sa lalaki dahil panay lamang ang kan'yang subo na para bang isang linggong hindi kumain.
The man shook his head in disbelief. At doon ko lamang napagtanto kung gaano ito katangkad at ka-gwapo. Para siyang haring nakatayo sa kanyang trono. I bet his height is around 6 foot and his body screams the word gym. Ang broad ng shoulder at talagang mapapansin na alaga niya ang katawan dahil sa blue polo shirt pa lang nito at tattered jeans ay makikita na ang angkin nitong kakisigan. And he is fair as snow but it looks natural at hindi bakla tignan. Goodness, he is really handsome. But above this, his eyes are the most capturing dahil napakaganda ng mga ito and it will surely allure whoever will look into it.
Galit na binalingan ng babae ang lalaki.
“Can't you see I'm eating? Kailan ka pa naging bastos?!” Balik-sigaw niya sa lalaking napakuyom ng kamao, marahil ay nagtitimpi at hinahabaan ang pasensya.
Nang lumingon ang babae sa paligid niya ay dumako ang tingin niya sa side namin at hindi na talaga ako magtataka kung bakit siya hinahabol ng lalaki. Ang ganda niya. Although she is not that tall pero bawing-bawi naman sa ganda niya. She wears black croptop shirt and high-waisted white jeans paired with white sneakers. I could say I like her style, simple pero may dating. And she doesn't look like someone in my department kaya bago sa akin ang mukha.
Pinagkrus ng babae ang braso niya at tsaka tiningala ang lalaki, “Hindi mo 'ko obligasyon, Jansper kaya umalis ka na. And besides, I don't see any reason for you to comeback here.”
Ako lang ba? O talagang nakaramdam ako ng hinanakit sa boses niya ng sabihin niya iyon sa lalaki. Para bang may pinaghuhugutan.
Sa narinig ay nanlulumong napaupo ang tinawag ng babae na Jansper sa harapan nito. He tried to reach for her hands but she shoved it away.
“You are my responsibility, Jillian! Umuwi pa ako—”
The woman growled, “What? Are you trying to make me feel guilty with it? 'Cause I swear I don't. Not even a single! Kaya bumalik ka na sa mundo mo at huwag nang magpapakita sa akin!”
“No,” Jansper answered na parang kaunti na lang ay mawawalan na ito ng pasensya.
Lihim akong natawa. This is what a man get when he pisses off a woman. Yep, women has a different EQ level na mahirap talagang i-predict that's why I believe it takes a right man to understand a woman. At tsaka tunay na lalaki lang ang makakatiis sa sakit ng ulo na problema ng mga babae. And I admit that even I experience this kind of struggle in having mood swings. Dang, men have no idea na kahit hindi ito gusto ng mga babae ay kusa talaga itong lumalabas. It's hard to be a woman.
Huminga ng malalim si Jillian.
“Jansper, I think you should go. Wala ba kayong mission? Bakit ka pa ba umuwi ng Pilipinas?” Mahinahon ngunit may bahid pa rin ng inis sa boses niya.
“Because of you! Akala mo ba hindi nakarating sa akin na nagpapaligaw ka without my consent? Damn it! In span of two months ay graduation mo na, can't you just think about it instead of entertaining some rats?” galit na untag niya sa babae.
BINABASA MO ANG
Se Agapo 1: Moonlight Agape
General FictionSe Agapo 1: Moonlight Agape [COMPLETED] Fhrillizie Kell Wainwright fights for her role as a daughter and a student. Striving becomes her comfort zone and she thought that no one will understand her situation. But not with Phaillous Lmeul Shafer, he...