FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT
Nakakunot ang noo ko habang naglalakad papasok ng papasok ng classroom. Wala naman akong muta at bukod pa roon ay napakaganda ko pero grabe sila makatitig sa akin. Are they that fascinated by my beauty? Akala mo isa akong dyosang kriminal na ngayon na ang verdict!
Ano bang problema ng mga 'to?
Pasimple ko pang kinakapa-kapa ang katawan ko at pinakiramdaman ang sarili ko dahil baka may nakikita sila sa aking 'di ko makita pero animal, bawat taong madaan ko ay sumusulyap ng matagal sa akin!
Agad akong napahinto sa paglalakad nang may humarang sa aking babae na mukhang junior college pa lang sa hitsura. Nakasalamin siya at halatang nahihiya sa ginagawa.
“Ate, para sa 'yo po.” Maliit ang boses na pambungad niya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak-hawak na twin highlighter at mas kumunot ang noo ko nang makita ang brand nito. Wow, ito 'yung mahal na brand ng highlighter ah at halatang bago pa. Ibibigay niya sa akin?
My brows furrowed. “Uhm...sigurado ka?”
Mabilis ang naging pagtango niya at tsaka inabot sa akin. Naguguluhang kinuha ko naman ito pero bago pa man ako makapagpasalamat ay tumakbo na ito papalayo sa akin. Wala sa sariling nakamot ko ang batok ko dahil sa ka-weirduhan niya. Anong nangyari dun?
Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit may muli na namang humarang sa akin.
“Para sa 'yo po.”
Katulad nang kanina ay may inabot din siya sa aking highlighter pero kulay violet naman ito. Same brand. At katulad rin ng ginawa ng babae kanina ay mabilis din siyang tumakbo papalayo bago pa man ako makapagpasalamat.
Ano ba kasing nangyayari? May nag-sponsor ba ng highlighter sa departamento namin?
“What the hell...”
Thankful na ba ako nito o dapat ba akong mairita na? Akala ko kasi ay huli na 'yung kanina pero bawat hakbang ko ay may humaharang na agad sa aking babae na nagaabot nang kung ano-ano. Kung hindi kasi highlighter ay ballpen tsaka lapis na puro ang mamahal ng brand ang ibinibigay sa akin. Para na tuloy akong naglalakad na tindera ng school supplies dito! Aba'y may pa-relief ata sa akin ang kung sinomang anonymous na nagbibigay nito!
Bago pa man ako tuluyang makapagpatayo ng tindahan ng school supplies ay nakaramdam ako ng ginhawa nang huminto na ito tatlong hakbang papasok sa pintuan ng classroom.Ngunit ang katahimikang akala ko'y matatamasa ko na ay naglahong parang bula nang maabutan ko ang nagkukumpulan na mga ka-block ko sa mismong spot kung saan ako nakaupo.
“Omo! Ang dyosa ng taon narito na!” tili ni Marcus. At tuluyan na ngang nalaglag ang panga ko kasabay ng pagkalaglag ng ibang hawak ko nang hawiin nila ang kumpulan at tumambad sa akin ang higanteng bouquet na hindi bulaklak ang nakalagay kundi sankaterbang highlighter, ballpoint, lapis, papel at may mga chocolates pa!
“K-kanino galing 'to?” bulong ko habang hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari 'to! Holy mother of shit! Ang mamahal-mahal ng mga ito!
“Girl ha, sosyalin manliligaw mo. Idinaan ka sa school supplies,” si Marcus.
“Uhmm...hindi ko nga alam kung kanino ito galing, eh,” pag-amin ko sabay lapag sa sahig ng mga hawak-hawak ko. Bahagyang nanginig ang kamay ko habang sinusuri ang bouquet na halos kasing laki ko na. Never pa akong nakatanggap nang ganitong regalo at iba pa ang taktika. Sino kaya ang may lakas ng loob na magbigay ng paniguradong mamahaling bouquet na 'to?
BINABASA MO ANG
Se Agapo 1: Moonlight Agape
Fiction généraleSe Agapo 1: Moonlight Agape [COMPLETED] Fhrillizie Kell Wainwright fights for her role as a daughter and a student. Striving becomes her comfort zone and she thought that no one will understand her situation. But not with Phaillous Lmeul Shafer, he...