Chapter Twelve

13 1 0
                                    

FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT




Ang sabi sa psychology, kapag daw may gusto ka sa isang tao, lahat ng flaws o 'yung mga hindi kagandahang traits nila ay ipinagsasawalang-bahala mo kaya lumalabas na perpekto sila sa 'yo which I somehow believe dahil nangyayari ito ngayon sa akin. Even if I deny, I see Phaillous Lmeul as a perfect man in my eyes, pakiramdam ko ay binubura ng kakaibang nararamdam ko para sa kanya ang lahat ng kamalian niya sa buhay.



Nakakatawa ngunit alam ko sa sarili kong kahit paulit-ulit kong alisin sa isipan ko na hindi ko pwedeng i-push ang nararamdaman ko para sa lalaking 'yun ay hindi ko na mapigilan pa. He's filling me with buckets of emotions that I've never felt before. 'Yung mga simpleng galawan niya na bumubuhay sa nahihimlay kong pagkatao. At para ko lang pinapaikot ang katangahang binuo ko sa sarili ko dahil ang totoo ay gustong-gusto ko talaga siya kaya mas natatakot ako sa maaaring kahinatnan ng lahat.



“Magdikit kayo nang kaunti and show your smile!!”



Hawak-hawak ang librong siyang gamit naming props ay agad kaming tumalima ni Brette at ginawa ang sinabi ng photographer. Near lunch na and this is the last part of the shoot kaya ginagawa na namin ang kung anong sabihin niya.  Gusto ko nang umalis dahil gutom na talaga ako. Hindi kasi ako nakapag-agahan na sa kamamadali at sumabay pa sina Kleyvtoun sa eksena kanina.



“Closer!” dagdag sigaw pa niya.



Umusog pa palapit si Brette sa akin at nang magdikit ang braso naming dalawa ay para akong binalot ng uneasiness. Pakiramdam ko kasi ay may nakatingin sa akin. Nakagat ko ang ibaba kong labi.



“Are you uncomfortable?” Brette asked. Mabilis akong umiling.



“Hindi pero kasi feeling ko may nakatingin sa atin,” nakangusong sagot ko.



Mahina itong natawa.




“Yeah. Look at your right.” Kuryosong gumawi ang mata ko sa sinasabi niya at napalunok nang makita si Palm sa gilid. Shit!



Prenteng nakasandal ito sa pader habang nakasuksok ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa at madilim na nakatingin sa amin...kay Brette. Mas nakakatakot ang mga tingin ipinupukol niya kumpara kanina kay Kleyvtoun. Pero t-teka, anong ginagawa niya rito?



“That guy is smitten into you, Lizzie. Halatang-halata dahil sa sama ng tingin niya sa akin.” Naiiling na bulong niya. Kusang kumawala ang ngiti sa akin. Yeah, right.



“Matakot ka na baka sakmalin ka niya pagkatapos,” banta ko na pareho naming ikinatawa. Gone the awkwardness pero nandoon pa rin ang pangamba dahil ramdam ko mula rito ang talim ng mga tingin ni Palm sa amin. Kung baril lang ang mga mata niya paniguradong tadtad na kaming dalawa ng bala. I silently laughed at my own viciousness.



Makalipas ang ilan pang shot ay natapos na rin kami sa wakas at nag-umpisa nang mag-backup ang lahat. Sabay kaming bumalik ni Brette sa dressing room at magkahiwalay na nagpalit. Hindi muna ako lumapit kay Palm dahil marami ang nakatingin at hinintay kona magsi-alisan muna ang mga ito kahit na ramdam ko ang malamig na awra ni Palm dahil sa hindi ko siya maharap-harap agad.



Nang kaming tatlo na lang ang natira ay I bade my goodbye to Brette and started to step forward to Palm who’s patiently waiting for me, with his intimidating cod aura surrounding him. Napabuntong-hininga na lamang ako.



“Hey,” nakangiting pagtawag ko sa kanya. “You're not supposed to be here, right?”



Instead of answering he gaze at me with his jaw clenching like he is trying to hold back of something. Mahina akong pumiksi nang maramdaman kong ipinalibot niya ang kamay niya sa bewang ko. I can feel the surging heat beneath my cloth. Tangina, simpleng hawak pa lang 'yan ah.



Se Agapo 1: Moonlight AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon