Chapter Fourteen

13 1 0
                                    

FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT




Laging sinasabi noon sa akin ng dad ko na hindi masamang magkagusto. Masarap daw kasi 'yun sa pakiramdam dahil may kakaibang sa emosyon na siyang bumubuhay sa ibang parte ng pagkatao natin pero lagi kong sinasabi ko sa kanya noon na takot akong sumubok. Ayokong magmahal kasi ayokong masaktan. Ayokong umiyak at magdusa katulad ng nangyari sa kanila ni mommy at hindi handa ang puso ko upang maranasan 'yun. Ayokong makipagrelasyon dahil takot akong masaktan, iniisip ko pa lang ay para na akong mababaliw. Kaya talagang nawawalan ako ng sasabihin sa tuwing napaguusapan na namin ang tungkol sa pagmamahal na 'yan. Matapos kasi ng nangyari kay dad ay pakiramdam ko ay mas nawalan ako nang gana na maramdaman ang love na sinasabi nila. Their experience in love brought trauma to me.



Ayokong matulad sa kanila ni mom...



“Marius! Comeback here!”



“No, no! Not unless you calm down your ass!” Sigaw pabalik ng asawa niyang pababa na ng hagdan.




It's already 12 in the midnight and the two of them thought that their only child was already asleep kaya nagsisigawan na sila at wala nang paki-alam sa kung anong oras na, but what do they don’t know is that Fhrillizzie can hear their arguments. Her room may be soundproof pero sa loob lang 'yun at dinig na dinig niya, maliwanag pa sa sikat ng araw, ang pag-aaway ng kanyang mga magulang sa labas. Halos gabi-gabi na lang silang nagsisigawan at mag-uusap lang ng matino kapag nasa hapag-kainan silang tatlo.



“Kapag hindi ka umakyat dito pabalik I’ll make sure na hindi ka na makakauwi pa! Damn you, Marius! Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na kailangan natin ng tulong nila!”



Pumihit paharap ang lalaki nang ilang hakbang na lang siya mula sa ibaba. Galit na tumingin kay Melissa–ang asawa niyang makasarili. Sandali niyang napakatitigan ang maganda nitong mukha na kamukhang-kamukha ng anak niyang si Fhrillizzie Kell. Ang pinagkaiba nga lang ay mas istrikta pa sa istrikta ang ina, kung anong gusto dapat niyang makuha unlike her child na pilya but can still be tame. Matigas ang puso ng asawa niya na malayong-malayo kay Fhrillizzie. Ang anak niyang mahal na mahal niya na ngayon at ang tanging hiling niya ay huwag matulad sa kanyang ina.



Paano nga ba sila napunta sa ganitong sitwasyon? Parang kahapon lang ay maayos pa ang pamumuhay nila. Masaya at mainit ang pagmamahalan nila pero ang pag-iibigan ng dalawang tao ay parang bagong lutong pandesal, kapag nahanginan ay lumalamig din. Ang ganoon nga ang nangyayari sa kanilang dalawa.



Mariing napapikit si Marius at kinalma ang sarili. Hindi niya gustong nag-aaway silang dalawa. Mahal niya ang kanyang asawa at may bahid din ng takot na baka maulingan sila ng kanilang anak.



“Please, Melissa let’s stop this. Alam kong alam mo na hindi lang 'yun ang paraan para maisalba ang kompanya ng tatay mo. You cannot do this to your family! You cannot do this to—”



“At anong gusto mong gawin ko? Ha?! Hayaan na ang pinaghirapan ng pamilya ko ay bumagsak na lang dahil sa kapabayaan ko? I can't do that! You know I can't do that!” 



Heto na naman. Sigaw ng isip ni Marius. Marahas siyang bumuntong-hininga upang muling pakalmahin ang sarili.



“We can merge my company to yours. That's another option but you keep on declining it.”



Gigil na lumapit sa kanya si Melissa. Parehong nagpupuyos ang damdamin nila dahil sa sitwasyong kinasasadlakan nila ngayon. “Are you playing dumb or you're just a plain stupid? Paano matutulungan ng construction company mo ang shipping line ko?!”



Napahilot sa sentido ang lalaki sa sobrang inis. “Edi mag-export ka ng mga semento kung gusto mo o kaya padalhan mo ng hollow blocks 'yang mga kasosyo mo. I don't care basta huwag lang ang anak ko!”



Napatigil si Melissa at naluluhang tumingin sa asawa. He can't be joking right now.



“My god, Marius. Wala ka na bang ibang matinong maitutulong?” Sa sinabi niyang iyon ay dumilim ang mukha ng kanyang asawa sa narinig.


How could the woman he loves make him feel worthless. Akala ba nito ay hinahayaan niya lang siyang kumilos nang mag-isa? How could this woman not see his efforts?



Marahas siyang huminga. “My god to you, too, akala mo ba'y iniiwan kita sa ere? Kailan ba kita pinabayaan?! At talagang isasakripisyo mo ang kalayaan ng anak mo pati na ang pamilyang ito? How selfish you could be?!”



“Don't make me hate you, Marius. Don't make me do it...” Nanginginig sa galit na pahayag ni Melissa.



“Then so be it pero ito ang pakatandaan mo, mangyayari lang ang gusto mo kapag namatay na ako. Hindi lang ikaw ang anak, Melissa! Bakit ba ikaw ang umaako nang lahat? Kung may tanga man sa ating dalawa ikaw 'yun, asawa ko. Ikaw 'yun.” Umigkas ang palad ni Melissa at mabilis na dumapo iyon sa mukha ni Marius.  Namingi pa ang lalaki dahil sa lakas nun pero hindi siya nagpatinag at nanatiling walang emosyon ang mukha.



“Gusto kong patunayan ang sarili ko, Marius. Hindi mo ba maintindihan 'yun? My family think I’m useless mula nang–”



Mabilis niyang pinutol ang sasabihin ng asawa. “Mula nang pakasalan mo 'ko, iyon ba ang nais mong sabihin? Ha, Melissa?” Pagak siyang natawa nang hindi nakasagot ang asawa. “Edi lumabas din ang totoo. You’re still the self-centered woman I've met before. You never changed, Melissa. At 'yung kamalasan mo sa pamilya mo noon ay gusto mong ipasa sa anak ko ngayon...but I'll make sure that that won't happen. Nadudurog din ang bato at sisiguraduhin kong mas madudurong ka kapag ginamit mo ang anak ko.” Puno nang pagbabanta niya sa kanya.



Samantala ay impit na umiiyak si Fhrillizzie sa tapat ng kanyang pintuan habang patuloy na pinakikinggan ang mga magulang. Mula nang mag-dise-otso siya ay ngayon niya lang narinig na mag-away ng ganito ang kan'yang mga magulang. Dahil ba sa kanya ito? Ano bang ginawa niyang mali? Ano bang pinaplano ng ina niya sa kanya? Pakiramdam niya ay mas sumasama ang pakiramdam niya sa isiping dahil sa kanya kaya nag-aaway ang mga ito.



Mapaklang humalakhak ang babae. “I'm still your wife and the mother of your child. Don't also force me to do something you’ll regret.”



“Try me, Melissa. Try me. Huwag mong ubusin ang pasensya ko sa 'yo.” Sikmat ni Marius bago humakbang muli pababa. Ngunit bago pa man siya makalayo ay muling nagsalita ang asawa niya na nagpatigil sa lalaki sa paglalakad.



“No one can stop me even you...”



Parang bumilis ikot ng mundo sa sunod na narinig ni Fhrillizzie mula sa kanyang ina. 



“Your daughter needs to marry my ex-fiancée’s son...Ulrich.”






Se Agapo 1: Moonlight AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon