FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT
“Why the fuck did you say that?! Nababaliw ka na ba? Maayos ang usapan natin kanina na walang pwedeng makaalam na ex kita! Nagpakita ka lang ba para guluhin muli ako?!”
I am mad. Really mad but seeing Palm looking at me like he's watching some entertaining show makes me livid. Tangina niya to the bones! What is wrong with him? Wala siyang pakialam.
“You're not even listening!” Muli kong bulyaw nang wala na naman siyang reaksyon sa sinabi ko.
Kung pwede ko lang siyang takdyakan ay kanina ko pa ginawa. Bwiset. Ni hindi ko na nga halos malunok ang kinain ko kanina dahil sa mapanuri nilang mga mata tapos wala man lang siyang sasabihin. Paano kung makarating ito kay Ulrich? Lalo na kay mommy? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko sa kanila? Arrgh. Nakakainis talaga!
“What are you afraid of?”
I stopped running 'round the circles and glared at him. What am I afraid of?! Bobo ba siya?!
“They all knew that Ulrich is my fiancé at sa sinabi mo kanina ay malamang sa malamang ay kung anu-ano nang pinaguusapan nila ngayon tungkol sa atin.” I pointed a finger on him. “Are you even aware of my reputation here? Nag-iisip ka pa ba? Paano na lang kung malaman nila mommy na ka-trabaho kita?”
Kung sana lang talaga ay nakakapatay ang tingin, gusto kong makita ang lasog-lasog niyang katawan. Nakakainis dahil parang ayos lang sa kanya ang ginawa niyang kaguluhan kanina. Ito ba ang intensyon niya sa muling pagpapakita niya sa akin? Ang guluhin ang sistema kong pinilit kong baguhin sa nakalipas na maraming taon. At ang kapal ng mukha niyang sirain ang panangga kong itinayo ko ng limang taon nang wala man lang isang araw. This man is unbelievable.
Nakakangalit.
“I am fully aware of what’s happening here, but what do you want to do? Keep me like a secret? You can't do that. Hindi habangbuhay walang makakaalam ng sikreto mo.”
His voice was calm but I am raging inside. I am losing my head and that's entirely because of him!
“My goodness! Natural lang naman na i-sekreto ko 'to.” Inismiran ko siya. “Saan ka ba naman kasi nakakita ng ex na maga-apply sa workplace ng ex niya rin? Assistant pa!”
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa pinagsasasabi ko pero hindi ba't totoo naman? Karamihan sa mga mag-ex ay ayaw maging magka-trabaho. Awkward daw. Pero ang lalaking 'to sagad sa buto ang pagiging thick-faced. Aba'y mag-apply ba naman para maging boss ako! Kagigil.
He crossed his arms in front of his chest. “So, what now? You’re going to fire me? You don’t have the decision.”
I huffed. Kung pwede lang talaga, kanina ko pa ginawa. At tsaka bakit ganyan siya? Mas boss pa siya kung umakto kaysa sa akin.
“You have to explain them that you were joking. Use your convincing skills to make them believe or kunin mo ang loob nila. Basta! Bahala ka.” Nauubusan na ng enerhiyang napaupo ako sa dulo ng lamesa.
“Can I use it to you? You know, my convincing skills.” Maang akong napatingin sa kanya.
“Ano na namang sinasabi mo?”
Imbes na sagutin ako ay humakbang siya papunta sa gawi ko. As my defense mechanism was on, napaatras ako. At nang mapansin niya ang ginawa ko ay napahinto siya, namulsa at pinakatitigan ako.
BINABASA MO ANG
Se Agapo 1: Moonlight Agape
General FictionSe Agapo 1: Moonlight Agape [COMPLETED] Fhrillizie Kell Wainwright fights for her role as a daughter and a student. Striving becomes her comfort zone and she thought that no one will understand her situation. But not with Phaillous Lmeul Shafer, he...