FHRILLIZZIE KELL WAINWRIGHT
“Do you have any questions or violent reactions?” seryoso pa rin nitong sambit habang nakatitig sa akin kaya bahagya akong napalunok. At mukhang napansin iyon ng mga ibang ka-block ko dahil panay rin ang sulyap nila sa akin. Mabuti lamang ay may nagtaas ng kamay upang magtanong.
“Sir, bago lang po ba kayo rito? Ngayon lang po kasi namin kayo nakita,” usal ni Mark na pinatungan naman ni Kissy ng isa pang tanong.
“Oo nga po, sir?” pabebeng turan niya kaya napairap ako. Ang landi ah.
Nagsimula namang mag-ingay ang mga classmates ko dahil sa tanong niya kaya kinatok niya ang mesa upang patigilin sila.
“Obviously, yes. Quit the talk, just sign this attendance and get ready for a game.” Ani niya at tsaka inabot ang papel sa babaeng nasa unahan.
A game? Ano namang ipapalaro nito sa amin? Tanong ko sa aking isipan na agad namang natugunan nang may magtanong.
“What kind of game, sir?”
“You wait for the instruction.” Striktong tugon niya kaya napairap ako.
“Authocratic.” Bulong ko at inis na sinulyapan ang professor ko na nakatingin din pala sa akin kaya mabilis pa sa alas-kwatrong umiwas ako at walang pakundangan na inagaw ang papel sa katabi ko.
Narinig ko pa itong nagreklamo pero sinamaan ko ito ng tingin na siyang ikinatikom niya at tsaka pumirma na sa attendance. Hindi na ako lumingon pa sa takot na mag-suplado na naman.
Paano ba naging professor 'to? Ni isang ngiti walang ipinakita. Nauna yata ang paa nito nung pinanganak. Ang sama lagi ng loob, eh.
"As I’ve said earlier we will play, yet this is not just a game but a requirement. I will call a name and you have answer whatever my question is. This is a hundred points game, equivalent to 50 items on quiz and 50 points recitation. Ang hindi makasagot ng tama ay may parusa, get it?” Professor Shafer said while looking to us.
Tsk, maa-appreciate ko na sana ang pagta-Tagalog niya pero mas pinatunayan niya lang na authocratic talaga siya, gigil mo 'ko sa professor na 'to!
Nagsimula na ang laro niya na halatang walang nage-enjoy. Paano ba naman kasi, puro cases ang tinatanong niya! Marami tuloy ang hindi ready at hindi makasagot. 'Yung iba nga ay nakikita kong nagsa-sign of the cross na. Mabuti na lang at hindi pa ako natatawag.
Ini-scan niya ang attendance sheet at muling nagsalita, “Fhrillizzie Kell Wainwright. Stand up.”
Tangina. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh.
Nakangiwing dahan-dahan akong tumayo ako para sagutin ang tanong niya. Kabado man ay ayoko itong ipahalata bagkus ay mahinang tinusok ko ang hintuturo ko gamit ang hinlalaki ko upang bahagyang kumalma.
Kapag ako hindi 'to nasagot. Isusumpa ko buong angkan nito.
“X is a rape victim, but the act was committed when she was still 13 years old by her cousin, Y. X didn't reported in the police for the reason his cousin threatened X that Y will kill her family if she do so, and now that X is already 26 years old, she gain the courage to report the incident to the authority. The question is, can she still file a case against her first cousin? Will be her testimony enough as an evidence...?”
BINABASA MO ANG
Se Agapo 1: Moonlight Agape
Ficción GeneralSe Agapo 1: Moonlight Agape [COMPLETED] Fhrillizie Kell Wainwright fights for her role as a daughter and a student. Striving becomes her comfort zone and she thought that no one will understand her situation. But not with Phaillous Lmeul Shafer, he...