Past
Hindi ko alam kung anong trip ni Time Keeper at kailangan niya ako dalhin sa komplikadong sitwasyon tulad ngayon. Pwede naman ma-prevent ang ganitong pangyayari pero pinahamak pa rin niya ako. Nakakainis talaga ang nilalang na 'yon. Dinala niya ba ako sa nakaraan para mapag-tripan pero hindi na ko pwede pang magreklamo ngayon walang mangyayari kung puro na lang ako reklamo.
Magtutuos na lang kami ni Time Keeper mamaya pero bago ang lahat ibabalik ko muna itong blueprint kay Mr. Castro, ama ni Marie. Kahit medyo nahihilo at nanghihina pinilit ko kumilos ng mabilis. Pagkalabas ng pagkalabas ko sa bahay bamin agad ko nakita si Hulya na nagmamaneho ng motor bike. Akalain mo 'yon marunong pala magmaneho itong tutor kong nerd.
"Hulya, Hulya, Hulya!" paghihisterikal kong tawag sa kanya agad naman siya humunto sa tapat ko.
"Bakit Sand?" takang tanong niya sa 'kin.
Hindi ko na siya sinagot pa at agad ako sumakay sa motor bike niya at kumapit ako ng mahigpit sa bewang niya. Eto ang unang beses makakasakay ako sa motor bike.
"Hatid mo ko sa building ng kumpanya namin. Bilis!" nagmamadaling utos ko.
Nagtataka man hindi na lang nagtanong si Hulya at agad na lang niya pinaharurot ang motor bike niya. In less than fifteen minutes, nakarating din kami sa tapat ng building ng kumpanya namin. Dali-dali ako bumaba sa motor bike ni Hulya hindi ko na nagawang magpaalam pa o magpasalamat man lang kay Hulya basta na lang ako nagmadaling pumasok sa loob ng kumpanya. Kilala naman ako ng mga guard sa kumpanya kaya hindi na nila ako tinanong pa sahalip bumati na lang sila sa 'kin ng 'Good morning, Ma'am' pero hindi ko na sila binigyan pansin pa. Dumaresto ako sa receptionist upang itanong kung na saan ang opisina ni Mr. Castro agad naman sinabi ng receptionist kung saang floor si Mr. Castro kaya agad na kong nagtungo roon.
Hingal na hingal ako nakarating sa tapat ng opisina ni Mr. Castro. Pakiramdam ko mahihimatay na ko at nanghihina pa ang mga tuhod ko dahil sa pagtakbo mula first floor hanggang fifth floor gamit ang hagdan. Bwusit! Ngayon pa kasi nagkaroon ng aberya sa dalawang elevator ng kumpanya. Nang makabalik na sa normal ang paghinga ko and gain my strength. Naglakas loob na ko pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Castro. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto hanggang nahagilap kaagad ng mata ko si Mr. Castro na nakahiga ang ulo niya sa mesa at sabusabunot ang maikli niyang buhok kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam ko problemado na siya. Unti-unti ako lumapit kay Mr. Castro pero hindi niya napansin ang presensya ko.
Huminga ako ng malalim bago ko siya tawagin. "Mr. Castro." agad naman binaling ni Mr. Castro ang atensyon niya sa 'kin.
Kitang-kita sa mukha ni Mr. Castro ang sobrang paka-depress. And I feel guilty 'coz I'm the reason if his depression. Natatakot at kinakabahan kong nilapag ang blueprint sa mesa ni Mr. Castro. Napakunot naman ng noo si Mr. Castro habang tinititigan niya ang blueprint sa mesa niya. Mga ilang sandali pa ang lumipas bago kinuha ni Mr. Castro yung blueprint. Gulat ang unang rumestro sa mukha niya nang mapagtanto ni Mr. Castro na ang blueprint na nasa kamay niya ay sa kanya.
"Paano na punta sayo ito?" takang tanong niya sa 'kin.
"K-kinuha k-ko po." nauutal ko pang sagot.
Naguguluhan at gulat na reaksyon lang ang binigay sa 'kin ni Mr. Castro wala ako makitang galit sa mukha niya, 'yon kasi ang inaasahan kong reaksyon niya pero wala siyang pinakita sa 'kin na ganun.
"Bakit mo na gawa 'yon?" muling tanong niya.
How could I tell him my most freaking childish and unreasonable reason? Huh?
Kaya na nahimik na lang ako at hindi ko na lang sinagot si Mr. Castro.
Napasinghap na lang si Mr. Castro na ma-realize niya na wala akong balak sagutin ang tanong niya. "Iha, halika umupo ka dito."