Past
“Congrats Drew.”
“Uy! Drew congrats.”
“Galing mo idol.”
“Congratulation Drew you did an excellent performance.”
Mga bati sa’kin ng mga tao habang naglalakad ako palabas ng Ampi Theater.
“Thank you.” paulit-ulit ko respond sa bawat taong bumabati sa’kin.
Gusto kong tumalon hanggang langit, gusto kong sumigaw ng ubod ng lakas hanggang marinig ng mga alien sa ibang planeta ang boses ko. NANALO AKO!Ako nakakuha ng prize sa piano contest ibing sabihin lang may business pa rin ako babalikan sa panahon ko.
“Amm …Drew congratulation.”si Joyce na nakayuko at nakatingin ang mga mata niya sa sahig nahihiyang siyang tumingin sa’kin siguro dahil dun sa nangyari kanina sa backstage.
“Drew congrats ang galing-galing mo talaga.” patalon-talon at nakahawak sa mga kamay ko si Bianca habang binabati ako natatawa tuloy ako sa pagiging childish ng babaitang ‘to.
“Thank you.” I said then I laughed, softly.
Nilingon ni Bianca si Joyce“Uy! Joyce lapit ka naman kay Drew at makipagkamay ka at mag-sorry na rin.” tapos hinarap niya ako ulit.“Pero ako muna unang mag-so-sorry so I’m very sorry Drew, bati na tayo ah.”
Pffft … Si Bianca talaga nagpa-pout pa parang bata talaga. “Oo naman tingin mo matitiis kita.” tumingin ako sa likod ni Bianca kung nasaan si Joyce na hanggang ngayon nakayuko at nakatingin pa rin sa sahig. “Pati ikaw hindi naman din kita matitiis eh.”
Agad inangat ni Joyce ang ulo niya at ngumiti sa’kin lumapit siya sa amin ni Bianca at niyakap ako. “I’m so sorry Drew, I’m so sorry---”
“Ssshhhh…Enough” I cut her off at bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa’kin. “One sorry is enough and I’m sorry too.”
“No, you don’t need to say that. Tama naman na dapat hindi tayo nagplano ng ganun buti na lang pinigilan mo kami ni Bianca.”
“Joyce,why all of sudden bigla mo gustong-gusto ituloy yung prank? May motibo ka rin ba Joyce?”
“Drew!” hindi na ko nagawa sagutin pa ni Joyce ng may tumawag sa’kin mula sa likuran ko.
Lumingon ako sa likuran ko. “Dominic!” bakit kaya andito ang lalaking ‘to naku hindi kaya aawayin niya kami dahil sa nangyari sa backstage.
Lumingon muli ako kay Joyce. “Drew, hintayin ka na lang namin sa labas ah.” sabi ni Joyce na para bang may lungkot sa boses niya.
Bakit? Bakit ganito ang reaksyon ni Joyce nang dumating si Dominic? Hindi naman ito ang inaasahan kong reaksyon niya pang nakita niya ang tukmol na muntik nang mapahamak sa mga kamay namin.
“Wag na hintayin ninyo na lang ako dito saglit lang ‘to.” nag-nod na lang si Joyce sa sinabi ko at humarap ako kay Dominic. “Ano kailangan mo?”
Kala ko aawayin niya kami o ako lang pero hindi pala imbis na gawin niya yun may inabot siya sa‘kin isang red rose at kinuha ko naman yun na may pagtataka.“Congratulation your performance was amazing and…” at yung sinunod niya ginawa na miski sa panaginip hindi ko aakalaing gagawin niya. My eyes get wider because he kissed me to my left cheek. “Thank you for saving me.”