Chapter XVI - He's Life

75 12 0
                                    

Past

Pagmulat ng mga mata ko agad ko nakita ang nakangisi na mukha ni Time Keeper. Muntik pa nga ako mapatalon dahil sa sobrang lapit niya sa mukha ko. Kung may lakas lang ako baka na sapak ko na ang mukha niya.

"Kamusta pakiramdam mo, Andrew Sand?" tanong niya sa 'kin.

"Kanina okay na ngayon hindi na." sakristo kong sagot.

"Nagsusungit ka na kaya siguradong mabuti na ang lagay mo." natutuwa niyang sambit.

Dahan-dahan ako umupo mula sa pagkakahiga ko. "Gaano na ba ako katagal na unconscious?"

"Buong isang araw kang tulog." sagot niya.

"Talaga?!"

Tumungo-tungo na lang si Time Keeper bilang tugon.

"Nasaan ba ko?"

"Ospital." taas kilay sagot niya sa 'kin na akala mo sinasabi niya sa 'kin 'wag kang mangmang, hindi ba obvious?'.

Tinasaan ko rin siya ng kilay. "Alam ko. Ibig kong sabihin nasaang panahon ba ako ngayon? Past o present?"

"Ah, akala ko mangmang ka na e."

I rolled my eyes and breathe, irritated. Talagang sinusubukan ni Time Keeper ang pasensya ko. "Ano nga?!"

"Andrew Sand, hindi kita pwede ibalik sa panahon mo kung may sakit ka."

"So, andito pa ako sa nakaraan?"

"Oo."

"Sandali lang! Paano na yung mga natitirang oras ko?"

"Nothing to worry, dahil emergency naman 'to excepted ka muna. Ibig-sabihin meron ka ba rin 30 hours." paliwanag ni Time Keeper.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil meron ba akong oras o ma-di-disappointed dahil hindi pa tapos ito. Napabugtong-hininga na lang tuloy ako. At least, 30 hours na lang at matatapos na 'to, babalik na rin ako sa dati kong buhay. Nilibot ko ng paningin ang buong kwarto hanggang madaanan ng mata ko ang nakaupo at tulog na tulog na si Hulya.

"Alalang-alala siya sayo kung makita mo lang mukha niya kung gaano kaputla aakalain mo na mas kailangan niya ng doktor kesa sayo." kwento ni Time Keeper sa 'kin.

Wala ako sa sarili na pangiti habang nakatingin pa rin ako sa payapang mukha ni Hulya. Napataas ako ng kilay nang mapansin ko ang suot niya. Naka-unifrom pa rin siya, may sout siyang sumblero na may logo ng fastfood restaurant kung saan siya nagtratrabaho, may sout pa siyang aporn na gusot-gusot at wala na sa ayos. Napatingin ako sa mga paa niya magkaibang sapatos ang sout-sout niya, sa kaliwang paa niya nakasout siya ng rubber shoes at yung isa splasher shoes, at nakatabinge na rin ang sout niyang salamin. Sa kabuuan ng itsura niya parang nag-panic siya.

"Uy! Baka matunaw yan. Sige ka, wala na mag-aalaga sayo."

Binatuhan ko ng matatalim kong tingin si Time Keeper. "Alam mo, mabuti pa maglaho ka na lang ulit at saka mo na ko kulitin, okay?"

Tinignan niya ako at ningitian na may panghihinala. "Aiiiyyyeee, gusto mo lang masolo si Hulya e." tukso nito.

Muli ko tinignan ng masama si Time Keeper.

"Eto na nga e. Aalis na." tapos bigla na nga lang siya nawala.

Inis na lang ako napasinghap. Bakit ba ang kulit-kulit ng nilalang na 'yon?! Muli kong tinignan si Hulya. Ewan ko ba, pero parang lalong gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang mukha niya. May kakaiba rin akong saya na naramdaman ng malaman ko kung gaano siya nag-alala sa akin. Hindi ko talaga maiwasan mapangiti ngunit meron sa loob-loob ko na isang pakiramdam na hindi ko gusto. Pikiramdam na natatakot. Bakit? Bakit kailangan kong matakot?

TickingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon