Chapter XIX - Flashback: Year 2008

43 9 0
                                    

Past: Part 1

"Kailangan mo talaga ng tutor, Sand." saad sa akin ni Mama.

"Hindi ko na nga kailangan 'yon, Ma." hindi kong pangsang-ayon.

Kanina pa ako kinukulit ni Mama na kailangan ko raw ng tutor dahil sa baba ng grade ko lalong-lalo na sa accounting subject ko. Naiinis na talaga ako kay Mama sa pagpupumilit niya.

HINDI KO KAILANGAN NG TUTOR!

"No more buts, Sand. May magtuturo sayo and that's final!" istriktong sambit sa akin Mama.

I rolled my eyes and just walk away. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Mama ng maulit-ulit pero hindi ko na siya pinansin. Simula namatay si Papa ganito na ang lagi namin eksena ni Mama. Hindi na kami magkasundo lagi na kami nagtatalo kahit sa maliit na bagay.

* * *

Makapal na salamin, checked long sleeve shirt, baggy pants, robber shoes yan ang sout-sout ng lalaki nasa harapan ko ngayon. Nerd.

"Bakit?" malamig kong sabi.

"H-hi!" bati niya naman at nasulyapan ko ang brace sa ngipin niya. Totally nerd.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong kailangan mo?"

Naglalakad ako ng bigla na lang kasi ako hinarangan ng lalaking 'to.

"E, ano kasi e?"

Inis ako na pasinghap. Hindi niya ba kayang sagutin ang simpleng tanong ko?! "Ano nga?!" pagtaas ng boses ko.

"Ako pala ang magiging tutor mo." agad niyang sagot.

Napamasahe ako ng sintido sa sinabi niya. Talagang sinunod pa rin ni Mama ang gusto niya. Tsss, sinisira niya ang araw ko.

"Ano pangalan mo?" tanong ko na may galit na sa boses ko.

"Hulya Diaz." sagot niya.

Hulya. Parang pamilyar ang pangalan na 'yon ah pero wala na kong pake kung saan ko man narinig ang pangalan niya o bakit pamilyar sa akin 'yon.

"Okay. Hulya, listen." medyo lumapit pa ako sa kanya. "I. DON'T. NEED. A. TUTOR." madiin ko pagkasabi.

"Pero---"

"Matalino ka, hindi ka naman magiging tutor ko kung hindi, diba?" putol ko sa kanya. "Kaya siguro naman naitindihan mo ang sinabi ko."

Tumungo-tungo siya at saka ako umalis.

"Who's that?" taas kilay tanong sa akin ni Joyce habang nakaturo pa siya kay Hulya, the nerd guy.

"Nobody." tipid kong sagot.

* * *

"Sand, let's talk."

"Heto nanaman tayo." bulong ko sa sarili bago ko hinarap si Mama. "Ano po 'yon?"

"Nakausap ko si Hulya, and you send him away. Why did you do that?" naka-cross arm na tanong sa akin ni Mama.

"So, bukod sa pagiging matalino ng mukhang tangang 'yon, sumbongero pa siya." sakristo kong sambit.

"Sand, hindi kita pinalaki para mang-insulto ng ibang tao ng ganyan." panenermon sa akin ni Mama. "Say sorry to Hulya for what you did yesterday."

I rolled my eyes, hindi ko gagawin 'yon. "Ma, ayoko sa tu---"

"Or eles I will cut all you credit cards and sent you in London." putol niya sa akin. "Understand?"

TickingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon