Present Day
"Vodka, please." agad ko in-order sa bartender ng makaupo na ko.
Ilang segundo lang ang lumipas ng binigay na sa 'kin ng bartender ang order ko, agad ko 'yon ininum at muli ako um-order ng isang pang basong vodka. Sa pagkalipas lang ng sampung minuto nakalimang basong vodka na ako kaagad at nararamdaman ko na rin ang tama ng alak.
"Tingin mo may time machine talaga?" natawa ako sa biglaang tanong sa 'kin ng isang lalaki na bagong dating lang sa bar.
"Ilan taon ka na ba at parang naniniwala ka pa sa bagay na yan." sagot ko sa kanya na hindi siya nililingon.
Tumawa siya. "Hindi naman siguro kaso ang edad para magtanong ng ganun, diba?"
Nagkibit-balikat na lang ako.
"Pero hindi nga. Tingin mo ba meron ganun?" muli niyang tanong.
Tumingin ako sa kanya. "Talagang seryoso ka sa tanong mo, 'no?"
Ningitian niya ko. "Oo, naman."
Mahina ako napatawa. "Sympre hindi. Imposible may ganun, 'no."
"Paano 'pag meron?"
Napataas ako ng kilay. Ano ba nakain neto at ganito magtanong 'to? Sinakyan ko na lang ang trip niya. "Kung meron man edi mag-ta-time travel ako."
"Saan? Past o future?" tanong niya na may seryosong mukha.
"Past." simpleng sagot ko.
"Bakit naman?"
"Wala lang gusto ko lang."
"Hindi pwedeng gusto mo lang sympre may rason yan."
"Masyado mo na yata dinidibdib ang topic na 'to?" nakangisi kong sambit. Tingin ko, ang usapin na ito nagiging seryoso na.
"Isipin mo na lang, na isang life and death situation ang pinag-uusapan natin ngayon." suhesityon niya.
Napatawa ako ng malakas sa sinabi niya. "Life and death situation, talaga?!" inubos ko muna ang natitirang vodka sa baso ko bago ako uli nagsalita. "Okay fine, kung may time machine talaga, gusto kong mag-time travel sa past. So, that I could undo the wrong things I did."
"Katulad ng..."
"I don't know, siguro 'pag nakapag-time travel na ko sa past doon ko na 'yon malalaman."
"May gusto ka pa bang gawin 'pag nakapag-time travel ka na."
"Iligtas si Mama sa aksidente na naging sanhi ng pagka-coma niya ng limang taon." malungkot ako napangiti.
Kapag naiisip ko si Mama at ang kalagayan niya ngayon hindi ko maiwasan masaktan at malungkot, ako kasi ang nagdala sa kanya sa ganung sitwasyon.
"Ang hirap naman nun." binigyan niya ako ng matamis niyang ngiti saka niya ininum ang in-order niyang alak na kaka-bigay lang ng bartender. "So, ano pa gusto mo gawin sa past?"
"Hmmm... Ano pa nga ba?" napaisip ako. "Ah... May gusto ako malaman mula sa tao---" napatigil ako. Bakit ba ako nag-o-open up sa taong nagtanong tungkol sa 'Time Machine'? Napailing tuloy ako. "You know, what? I think I need to go. Nice talking with you. Bye, Mr. Time Machine." saka ako tumayo at naglakad palayo.
"Bye, Andrew Sand."
Napatigil ako at nilingon ko yung lalaking kausap ko kanina pero wala na siya sa pwesto niya nang tumingin ako sa ibang direksyon nakita ko uli siya at may iba na siyang kausap. Napakibit-balikat na lang ako. Guni-guni ko lang siguro 'yon o kaya malakas na ang tama ko. Imposible naman na malaman niya ang pangalan ko dahil hindi naman ako nagpakilala sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng bar. Habang papunta na ko sa kotse ko na naka-park sa bandang gilid ng bar may bigla ako na-realize.