Chapter XXIII - 20 Hours Left

52 10 0
                                    

Past

Ginagawa ko ang lahat upang maiwasan si Hulya dahil ang araw ngayon na ito ay ang araw kung saan ko malalaman na si Hulya ang secret admire ko.

Ayoko siya makita o hangga't maari ayoko na sana magkaroon ng koneksyon sa kanya dahil ayoko na masakatan dahil sa kanya.

"Drew!" isang pamilyar na boses ang tumawaga sa 'kin mula sa likuran ko.

Lumingon ako at agad ko nakita si Bianca napakaway-kaway sa akin. Napakaway din ako sa kanya tapos napansin ko yung katabi niya. Si Joyce. Ngayon ko lang ulit nakita si Joyce simula kasi sinabi ko kay Dominic na buntis si Joyce at siya ang nakabuntis kay Joyce, hindi na muli pa nagpakita sa akin si Joyce. Ngayon ko lang talaga siya uli nakita.

Hinawakan ni Bianca si Joyce sa braso nito at hinila niya ito palapit sa akin. Nang makalapit na sila sa akin na puno tuloy ng pagkailang ang paligid naming tatlo, I mean, sa pagitan lang pala namin ni Joyce. Nakatinginan lang kami ni Joyce. Si Bianca naman papalit-palit lang ang tingin sa amin dalawa ni Joyce.

Kailangan ako ang gumawa ng unang hakbang para mawala na ang awra ng awkwardness sa pagitan namin ni Joyce tutal may kasalanan ako kung bakit iniiwasan ako ng kaibigan kong 'to.

Napabugtong-hininga ako saka ako nagsalita. "Joyce, I'm sorry." pag-uumpisa ko. "Hindi dapat kita pinangunahan at hindi dapat ako nangealam sa personal mong problema."

"Okay lang 'yon, Drew. Sa tutuusin nga nakatulong pa nga sa akin ang ginagawa mong pagsabi kay Dominic ang tungkol sa pagbubuntis ko." saad sa akin ni Joyce.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"Matapos mo sabihin sa kay Dominic ang pagbubuntis ko sa anak namin. Sinabi niya na pananagutan niya ako at bago ako manganak gusto niyang magpakasal muna kami kasi gusto niya ibigay ang apilydo niya sa magiging anak namin." paliwanag ni Joyce habang hinihimas niya ang maubok na niyang tiyan.

"Talaga?" hindi ako makapaniwala.

"Oo." nakangiti niyang paninigurado sa akin.

"Buti naman." pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag dahil sa magandang balitang 'yon.

"...pero wala na rin naman ako dapat pagsisihan ngayon, diba?" Ngayon nauunawaan ko na ang ibig-sabihin sa akin ni Dominic, noong una naming pagkikita sa present.

"Hay! Salamat at nagkaayos na kayong dalawa!"
masayang-masaya bigkas ni Bianca habang pumapalakpak siya na parang bata.

Napatawa kaming dalawa ni Joyce sa aksyon niya. Pero
agad din napatigil si Joyce sa pagtawa at rumehistro sa mukha niya ang lungkot pati rin si Bianca nag-iba rin siya kaagad ng reaksyon. Bigla naman nagkatinginan yung dalawa na para bang lihim sila nag-uusap sa pamamagitan ng tingin. Pinagtaka ko naman ang kinilos nilang dalawa.

Hanggang tinuon na nila ako ng atensyon at muli nagsalita si Joyce. "Drew, may nakalimutan pala ako sabihin sayo."

"Ano 'yon?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Last day ko na ngayon sa iskul kasi aalis na ko, pupunta na kong Peru kasama si Mommy at si Dominic at pati na rin ang Daddy niya. Doon na kami ni Dominic na magpapakasal at doon na rin ako manganganak." may lungkot na saad sa akin ni Joyce. "Matagal-tagal bago tayo ulit magkikita."

Ningitian ko si Joyce. "Basta lagi mo kami kokontakin ni Bianca ah." tugon ko sa kanya at tumungo-tungo naman si Bianca.

"At lagi kang mag-iingat dun ah. Alagan mong mabuti si Baby." saad naman ni Bianca kay Joyce.

TickingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon