Chapter XXII - Setting Free

43 10 0
                                    

Present

"Mukha ba akong tanga sa pagpapanggap?" tanong ko kay Time Keeper habang nakatingin siya sa labas ng glass wall sa office ko.

"Oo." agad naman niyang sagot saka siyang humarap sa akin.

"Grabe ka naman sa akin." napangiti ako ng mapait.

"Sige, medyo na lang." tapos umupo siya sa sofa katapat ko. "Bakit ba kailangan mo magpanggap na hindi mo siya kilala?"

Hindi ako makasagot dahil ayoko na alalahanin pa ang mga nangyari five years ago pero dahil sa mga makahulugan na pinagsasabi sa akin ni Time Keeper noong nakaraan hindi ko tuloy maiwasan magbalik-tanaw. Bakit ba kasi masyadong matalino ang nilalang na ito o madali lang talaga ako basahin?

"Si Time Keeper ka, diba. Bakit hindi mo subukan alamin mag-isa. Bumalik ka sa nakaraan at doon mo hanapin ang sagot sa tanong mo." suhestiyon ko sa kanya.

"Bakit ko kailangan pa pahirapan ang sarili ko kung pwede mo naman ako sagutin, diba?" taas kilay tugon niya sa akin.

"Tsss, such a smartass." bulong ko sa sarili ko.

"Uy! Narinig ko 'yon ah." saad niya sa akin while he pointed his index finger to me.

"Edi narinig mo." pamimilosopo ko saka ako tumayo sa kinauupuan ko at nagpalakad-lakad ako sa opisina ko.

"Sa bagay hindi naman nakakainsulto 'yon e." sambit ni Time Keeper.

Maya-maya...

"Pwede ba Andrew Sand umupo ka at nahihilo na ako sayo." reklamo sa akin ni Time Keeper.

Napatigil ako sa kakalakad ng pabalik-balik. Gaano na ba ako katagal na palakad-lakad para magreklamo ang nilalang na ito? Napabugtong-hininga na lang ako at saka ako muli umupo sa sofa. Nininerbos ako at hindi talaga ako mapakali. Hindi ko kasi maisip kung paano ko kasi haharapin si Hulya sa past sa oras na muli ako bumalik dun. Nakakainis! Bakit ngayon pa ako nagkakaganito kung kailan naman na dalawapung oras na lang at matatapos na ang kalokohan na ito.

"Mag-relax ka lang, Andrew Sand."

Tinignan ko ng masama si Time Keeper at muli ako napatayo. "Mag-relax? Matapos mo ipaalala sa akin ang lahat na matagal ko na kinalimutan. GUSTO MO KONG MAG-RELAX!" hindi ko mapigilan magalit ibang klase talaga ang epekto sa akin ni Hulya.

"Whoa! Hinay-hinay lang." taas kamay sambit ni Time Keeper. "At isa pa wala ako pinaalala sayo ah. Sa umpisa palang naman alam mo na at wala ka talaga na kalimutan. Nagpanggap ka lang, diba?"

Oo, tama siya. Wala nga ako nakalimutan at nagpanggap na lang ako na hindi ko kilala si Hulya pero may mabigat ako rason kung bakit ako nagpanggap.

"Kasalanan mo 'to." biglaan paninisi ko kay Time Keeper.

"Bakit ako?" nakaingising tanong niya sa akin.

Lalo naman ako nainis sa ngisi niyang 'yon. "Kung hindi ka lang dumating. Edi sana hindi ako nagkakaganito ngayon!" singhal ko.

"Andrew Sand, bakit ka nga ba nagkakaganyan?" seryosong saad ni Time Keeper.

Binatuhan ko siya ng matatalim kong tingin. "Huwag kang umakto na wala kang alam!" napapikit ako ng mata. Masyado na ako nag-over react. Kailangan ko kumalma kaya huminga ako ng malalim. "Alam ko naman na alam mo na. 'Wag ka na lang sana magtanong pa." kalmado kong sabi.

Tumayo si Time Keeper at lumapit siya sa akin nagulat ako ng bigla niya hinawakan ang pisngi ko at gamit ang hinlalaki niya pinunsan niya ang luhang tumulo mula sa mata ko. Agad ko naman pinunasan ang mukha ko gamit ang palad ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Lumayo ako kay Time Keeper at naglakad ako papunta sa pinto.

"Iniwan niya ako 'yon ang rason." wala sa sarili kong saad at saka ako lumabas ng opisina ko.

* * *

Tahimik ako kumakain ng hapunan sa bahay kasama si John. Si John naman kanina pa siya kwento ng kwento ng kung anu-ano pero wala ako interes na bigyan pansin ang mga kinukwento niya sa akin.

"Drew." mahinang tawag sa akin ni John.

Agad naman ako tumingin sa kanya. "Yes?"

"Are you alright?" tanong niya sa akin at kitang-kita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin.

"Of course." at pilit ako ngumiti para masigurado ko sa kanya na okay lang talaga ako.

"Can we talk for a while?"

"Okay." nagtatakang sagot ko naman sa kanya.

"This past few days you always spacing-out." pag-uumpisa niya. "It seemed like there is something bothering you."

"Wala." agad kong sagot sa kanya. "Wala naman gumugulo sa akin, John. Kung nakikita mo man ako laging ganun siguro dahil lagi ko iniisip yung trabaho natin."

"No, it's different this time." hindi niya pangsang-ayon sa akin. "There's another things really bothered you. I'm sure of it."

Kilalang-kilala talaga ako ni John. Alam na alam niya kung may problema ako o wala at kung may gumugulo sa isip ko o wala.

"John, it's nothing so---"

"It's Hulya." putol niya sa akin at napatigil ako. "Am I right?" nang hindi ako makasagot rumehistro sa mukha niya ang lungkot at napatungo na lang siya. "Yes, I'm right." saad niya sa sarili.

Alam ni John ang lahat-lahat tungkol sa amin ni Hulya. Alam niya kung gaano ko kamahal si Hulya at alam niya rin kung gaano ako nasaktan ni Hulya. Higit sa lahat alam niya at alam ko rin na hanggang ngayon mahal ko pa rin ang lalaking 'yon, na basta na lang nawala sa buhay ko.

"I'm sorry, John." paghingi ko ng tawad. "It's just sudden and---"

Muli niya ako pinutol. "Drew, I know from the start how much you love him. It just me to assumed that I can replace him to your heart but I'm wrong, you'll never stop thinking about him and---this is hard to admit but you'll never stop loving him, too."

Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ko ang pag-iyak pero bigo ako. Nag-uunahan na tumulo ang mga luha mula sa mata ko. "I'm sorry." I barely whispered.

Hinawakan ni John ang kamay ko ng mahigpit. "I love you, Drew. And because I love you so much I can't be so selfish anymore with you."

Hindi ko na maiwasan humikbi at muli ko kinagat labi ko mapigilan ko lang ang paghikbi.

Nasaktan ko si John.

Pinunasan ni John ang luha sa pisngi ko gamit ang likod ng kamay niya. "Ssshhh... Drew, don't cry. I should do this earlier but I'm too terrified to lose you and now look at you, you crying because you felt guilty." umiling-iling siya. "You shouldn't felt this guilt, Drew. It's suppose to be me who feels this guilt not you." hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "God, I love you so much but you are not for me." at hinalikan niya ako sa noo. "You're free now, Sand."

Niyakap niya ako ng mahigpit saka siya tumayo at naglakad palayo sa akin pero bago pa siya makalabas ng dining room, tinawag ko siya at agad niya naman ako nilingon.

"I loved you, you know that, right?" napangiti ako ng mapait.

"I know." 'yon na ang huli niyang sinabi bago niya ako tuluyan iwanan sa dining room na umiiyak.

Masakit. Oo, mahal ko pa rin si Hulya sa kabila ng ginawa niya sa akin five years ago pero andyan si John na nagmamahal sa akin at hindi ako iniwan, minahal ko rin siya ngunit hindi lang katulad ng pagmamahal ko kay Hulya na sobra-sobra.

TickingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon