Present
*ring, ring, ring, ring*
Nagising ako sa maingay na tunog ng cellphone ko, kinuha ko ito sa may side table at kahit sobrang antok na antok pa ko pinilit ko imulat ang mga mata ko makita lang kung sino ang istorbong tumatawag.
John Calling …
Napataas ako ng kilay. Hindi naman kasi ako tinatawagan ni John ng ganito kaaga ah. May problema kaya?
“Hello John what is it?” bakas na bakas pa sa boses ko ang antok.
“Are you still sleeping?”
“Half way.”
“Tch, we’d an important meeting with the Collin today.”
“Collin?”
“Yes, so fix yourself. I’ll pick you up in fifteen minutes.” then he hang up.
Inihagis ko sa kabilang side ng kama ang cellphone ko. “Ugh! Ang aga-aga pa eh. Gusto ko pa matulog. Five minutes.” at pinikit ko ang mga mata ko ulit.
“Pero importante yung meeting na’yon…” napamulat agad ang mata ko ng makarinig ako ng boses at bumungad sa’kin ang mukha ni Time Keeper. “Kaya kailangan mo na mag-ayos.”
Sa isang sandali lang nawala kaagad ang antok ko at dali-dali ako napatayo sa kama ko. “Ano ginagawa mo dito?”
Umupo siya sa gilid ng kama. “Dinadalaw ka.”
“Ah?” napakunot ako ng noo. “Hindi naman ako pasente sa ospital at hindi rin naman ako patay sa simenteryo para dalawin mo noh.” at umupo ako sa tabi niya. “Nang gugulat ka nanaman eh.”
Inakbayan niya ko. “Pasensya na. Likas na yata sa akin ang gulatin ka at isa pa kung hindi ko ginawa yun edi hindi na sana nawala ang antok mo.”
“Siguro nga may point ka dun pero hindi ko pa rin gusto ang basta-basta mong pagsulpot.” at hinawi ko ang kamay niya sa balikat ko.
“Ang aga-aga nagsusungit ka kaagad.”
“Oo nga pala.” humarap ako kay Time Keeper. “Time Keeper.”
“Oh?”
“Salamat.”
“Para saan?”
“Para sa clueng binigay mo sa’kin noong nakaraan, yung kay Dominic. Hindi na kasi tayo nakapag-usap ng maayos noong huli tayo nagkita kaya ngayon lang ako nakapagpasalamat sayo.”
Nagkunwari siya nag-iisip. “Para wala naman ako ginawang ganun.”
Sa muli niyang pagharap sa’kin agad ko siya hinalikan sa pisngi. Gulat na gulat ang reaksyon niya sa ginawa ko atpulang-pula na rin ang mukha niya. Hihihihi, marunong din pala mag-blush ang tulad niyang nilalang.
“But still, thank you.”
“W-welcome.” yun na lang ang nasabi niya.
“Time Keeper.”
“Hm?”
“Ngayon na bago ko na ang pangyayari sa nakaraan. May pagbabago rin ba mangyayari dito? Sa panahon na ’to.”
“Makikita rin natin yan.”
* * *
Pagkaalis ni Time Keeper siya namang dating ni John. Nag-brief discussion muna siya tungkol sa president ng Collin habang nasa kotse kami at nalaman ko na adapted son lang pala ang president ng Collin ngayon. Simula ng mamatay sina Mr. and Mrs. Collin yung adapted son na nila ang nag-handle ng Collin Group.