Chapter XII - Admire?

163 11 0
                                    

Past

Matapos ko ilapag ang kamay ko sa kamay ni Time Keeper nagising na lang ako sa locker room ng gym at nakasout na ko ng uniform ko.

Lumingon-lingon ako sa kaliwa't kanan ko. "Time Keeper! Nasaan ka?" tawag ko sa kanya ngunit walang sumagot. "Wala pa naman sampung oras ako sa present time ah. Bakit dinala mo na ako kaagad dito?" para lang ako tangang nagtatanong sa hangin.

Paalis na sana ako sa locker room ng bigla lumitaw si Time Keeper sa harapan ko dahilan para muntikan na kong matumba buti na lang mabilis ang reflexes ni Time Keeper kaya agad niya rin ako na salo. Bwusit talaga 'tong nilalang na ito balak yata akong patayin sa gulat.

"Sira ulo ka talaga noh! Balak mo ba ako bigyan ng sakit sa puso!" inis na sambit ko sa kanya saka ako pumiglas sa pagkahawak niya sa akin. "Bakit ba lagi mo na lang ako ginugulat?" halos pasigaw na sabi ko sa kanya.

Tinawanan niya lang ako.

"Tumigil ka nga d'yan wag mo nga ako tawanan!" nakakainis talaga 'to.

"Pasensya na." sabi niya habang hawak-hawak niya ang tyan niya.

I scoffed, annoyed.

"Sa totoo lang ang cute mo kasi pagnagugulat kaya---"

Hindi niya na natuloy ang sinasabi niya nang tinignan ko siya ng masama. "Inaasahan ko tutulungan mo kong gumaang ang pakiramdam ko, hindi yung pag-tri-tripan mo ko." pagsusungit ko sa kanya. Naku talaga! Nakakainis siya. Grrrrrrrrr!

"Sorry na." paghingi niya ng paumanhin with puppy eyes pa. Naku naman!

Napaupo na lang ako sa sahig at sumandal ako sa locker ganun din ang ginawa ni Time Keeper. "Sorry na talaga." muli niya paghingi ng paumanhin.

Napabugtong hininga na lang ako. "Wag mo na uulitin 'yon ah. Kundi patay ka na talaga sa akin." I warned.

"Opo."

Sa sandaling 'yon naging tahimik kami ni Time Keeper wala man lang ang isa sa amin ang nagsalita ulit. Ayoko naman magsalita iniisip ko kasi ang nangyari sa amin ni Marie yung mga sagutan namin, yung paghihiganti niya at yung sakit na parehas naming naramdaman. Parang ayaw ko na bumalik pa sa panahon ko, hilingin ko kaya kay Time Keeper na dito na lang ako hindi ko kasi alam kung paano kong haharapin ang lahat ng problema sa present time at hindi ko rin alam kung paano ko ulit mahaharap si Marie.

"Wala ka bang sasabihin?" Time Keeper suddenly asked.

Umiling-iling na lang ako.

"Talaga?"

"Oo." matipid na sagot ko. Ano bang aasahan niyang sasabihin ko?

He breathed out tapos inulit niya ulit at inulit niya ulit ang pagbugtong-hininga niya tapis inulit niya nanaman.

Because of irritation I yelled at him. "Tama na!---Okay! Fine! Makukukwento na ko!" tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sahig. "Naingit ako kay Marie kasi buo ang pamilya niya. Noong makilala ko at nakita ko ang pamilya niya na masayang-masaya naisip ko na walang karapatan magkaroon ng ganung pamilya si Marie. Because she was a loser!...

Isang architect ang Papa ni Marie at nang malaman kong kliyente pala ng Papa niya ang kumpanya namin dun ko naisip sirain ang lahat. LAHAT-LAHAT!...

I was so childish, selfish and immature that time." hiningal ako dahil isang hingahan ko lang sinabi ang lahat ng lumabas sa bibig ko. "Ngayon paano ko maayos ang lahat ng nagawa kong mali sa pamilya ni Marie? Paano ko maibabalik ang pamilya niya? Sige nga!" pinilit ko wag bumagsak ang mga luhan namumuo na sa mata ko pero hindi umubra. Stress-out na stress-out na talaga ako.

TickingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon