Chapter V - Contest

100 13 0
                                    

Past: Piano Contest Day

Mula gate inumpisahan ko tumakbo nung malaman ko kung ano ang araw ngayon. Mapapatay ko talaga ang Time Keeper na’yon eh hindi man lang ako binigyan ng sapat na oras para makapaghanda ngayon at talaga sa mismong araw pa ng competition niya ko dinala.

Humanda ka talaga sa’kin Time Keeper, sasapukin kita ng bonggang bongga.

Habang tumatakbo pamunta sa Ampi Theater kung saan gaganapin ang piano contest. Nag-flash back ang lahat sa’kin ang nangyari kay Dominic nung mismong araw na ito. Kung paano siya pinagtawanan ng buong tao sa campus because he was showed himself in stage butt naked tapos kinuhanan pa siya ng video na mga ka-schoolmate namin at ang masaklap pa ina-upload nila yung video dahilan para mapilitan mag-drop si Dominic. Ang lahat ng may pakana nito ay si Joyce, Bianca at ako pero sa totoo lang kasalanan ko ang lahat ng kawalangyang nangyari kay Dominic dahil kasi sa kayabangan niya kaya naisipan kong pagtripan siya.

Nang makarating ako sa Ampi Theater sinalubong ako kaagad ni Joyce. “Girl! Bakit ngayon ka lang? magbihis ka na bilisan mo.” uraurada niya akong pinapasok sa loob ng dressing room ng mga babae.

“Sandali lang.” pagbigil ko sa kanya at may napansin akong damit na hawak-hawak niya tiyak kay Dominic na’yon.“Oh gosh! Talagang tinuloy niyo nga.”

Anak naman ng tatlong tupa oh! Bakit nagulat ka pa Drew? Alam mo naman na nakaraan ‘to.sabi ko sa isip-isip ko.

“Drew, this is our plan. What did you expect?” Joyce said, frowned.

“Nag-iba na ang plano.” I quickly snatched the cloths from Joyce at uraurada akong pumunta sa dressing room ng mga lalaki.

“Drew!” hindi ko na pinansin pa si Joyce.

Nang malapit na ko sa dressing room nila Dominic nakita ko kaagad si Bianca nag-aabang sa tabi ng pinto ng dressing room at may hawak siyang tela yun ang gagamitin niya pangtakip sa mukha ni Dominic pag natakpan na niya ang mukha ni Dominic dun pa lang siya itutulak ni Bianca papasok sa stage tapos yun na ang malaking kahihiya ni Dominic Perez.

Maya-maya bumukas ng bahagya yung pinto dumungaw ang ulo ni Dominic palingon-lingon pa, mukha tinitiyak niya na walang tao sa paligid. Si Bianca naman ay bumubwelo na para hulihin yung tanga. Nanglaki ang mga mata ko na aakto nang lalabas yung tanga kaya automatic na akong tumakbo papunta sa kanya agad ko hinawakan ang ulo niya at pinewersa ko siyang pumasok ulit sa loob ng dressing room.

“Drew!---” gulat na tawag sa’kin ni Bianca.

Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinabi nang makapasok na rin ako sa loob ng dressing room at isinara ko ang pinto.

“Anong ginagawa mo?” inis na saad ng tanga.

Humarap ako sa kanya. “Nililigtas ka!” full of confident na pagkasabi ko.

Agad naman namula ang mukha niya hindi dahil sa kinilig siya sa sinabi ko dahil nakita ko ang hubad niyang katawan agad naman niya tinakpan ang maselan bahagi ng katawan niya dahilan para agad naman akong tumalikod sa kanya.

Sh*t! Nakalimutan ko nakahubad nga pala siya naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko. Sh*t talaga! Nagba-blush pa ko.

Inihagis ko patalikod yung damit niya. “Ayan ang mga damit mo. Magbihis ka na.”

“Bakit nasa iyo ito?” inis at may pagkahalong galit sa boses niya. “Ikaw ang kumuha ng damit ko. Bakit gusto mo bang makita itong maganda ko katawan? Pwede mo naman sabihin eh hindi mo na kailangan pa nakawin ang damit ko.”

TickingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon