Chapter III - One Hundred Hours

95 13 0
                                    

Past

Hindi ko aakalain na babalik pa ako ulit sa lugar na ito pero hindi ko naman sinasabi na ayoko na bumalik dito ang dami kayang magagandang memories ang naganap sa iskul na ito kaya hirap talaga ako paniwalaan na andito ako ngayon, hindi man sa kasalukuyan at least nagawa ko pa rin makapunta dito kaya mas feel na feel ko mag-reminisce.

“Giiiiiiiiirrrrrrrrllllll.” si Bianca, paglapit niya sa’kin bineso niya ako kaagad. “Musta ang weekends, girl?”

“OMG! Bianca ang tagal natin hindi nagkikita. Almost five years din.”

Napataas siya ng kilay sa sinabi ko. “Girl, kailan naging five years ang weekends ah?”

Sh*t! Nakalimutan ko nakaraan nga pala ito. Masyado kasi ako na-excite ng makita ko ang babaeng ito.

“Joke lang.”

“Kailan ka pa naging joker?” she said, still frowning.

“Drew!” lumingon ako sa likuran ko upang makita kung sino yung tumawag sa’kin. “Hi! Girl.” si Joyce at bumeso siya sa’kin at kay Bianca.

I frowned. “Bakit wala kayong dalang bag? Don’t tell me nagbabalak na naman kayo mag-skip ng klase.”

“Of course not.” Joyce said. “Look over there.” she pointed at my back and I turn around para makita ko kung ano tinuturo niya.

May isang babae na mukhang manang na nakasout ng mahabang palda, white long sleeves at makapal na salamin, dala-dala niya ang mga gamit niya at pati mga gamit nila Joyce at Bianca at mukhang hirap na hirap na siya sa mga dala niya.

“Oh! See.” I shifted my gaze to them again. “So meron na pala kayong PA ngayon.”

“No, it’s our PA.” pagtatama ni Bianca. “Let her handle your things... Hmmm Marie pwede paki-dala din yung mga things ni Andrew.”

“Sige po Ms. Bianca.” tumingin sa’kin yung Marie. “Ms. Andrew, akin na po mga gamit ninyo.”

“Hindi kaya ko na ito. Hindi naman mabigat ang bag ko.”

“Don’t be silly girl, gusto ka lang naman tulungan ni Marie eh.” Bianca said and she shifted her gaze to Marie. “Right Marie.”

“Opo.” pangsang-ayon naman ni Marie.

“No, okay lang kaya ko na ito.” I insisted.

Bianca rolled her eyes. “KJ mo, let’s go na nga.”

I remember now, Marie was wannabe friend namin ginagawa niya ang lahat para makasama sa grupo namin nila Bianca. Natatandaan ko tuloy lahat ng kalokohan ng ginawa namin sa kanya kahit nagmumukha na siyang tanga at katawa-tawa okay lang sa kanya basta makasama lang siya sa grupo namin but in the end hindi rin naman namin siya sinali sa grupo talagang pinagkatuwaan lang namin siya.

Kasama kaya siya sa mga taong nagawan ko ng kasalanan. Teka! Hindi siguro kasi puro sina Bianca at Joyce lang ang napapahirap sa kanya at hindi ako kasama dun pero aminado ako na may ilang part na kasama ako dun pero bihira lang naman eh.

Habag naglalakad kami naalala ko tuloy ang huling pinag-usapan namin ni Time Keeper kaninang umaga.

“Maubos ang oras ko.” I said, wondering.

TickingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon