Chapter XVII - Flashback: Year 2001

72 10 0
                                    

Past

Sabi ni Papa meron daw kaming bisita ngayon, ka-edad ko lang ang bisita naming 'yon at pasamantala dito muna siya sa bahay namin. Tinanong ko nga kay Papa kung anong nangyari sa bahay ng bisita namin at dito pasamantala sa amin siya. Ningitian lang ako ni Papa, yung bang ngiti na hindi umaabot sa mga mata niya at sabi niya lang maging mabait lang daw ako sa bisita namin at subukan ko rin makipagkaibigan sa kanya. Kinabahan naman ako dun sa gustong pagawa sa akin ni Papa.

Makipagkaibigan?

Hindi ko nga alam kung paano gawin 'yon. E, wala nga akong kaibigan sa iskul at kahit dito sa village, wala rin. Ewan ko ba kung bakit ayaw makipagkaibigan sa 'kin ng ibang bata d'yan. Porket ba may sout ako makapal na salamin at may brace ang ngipit ko, hindi na ko pwede kaibiganin. Hindi naman ako iba sa mga bata e katulad din nila ako pero ayaw nila sa akin dahil sa itsura ko. Nakakalungkot man pero wala ako magagawa. Maraming may ayaw sa akin kaya mag-isa lang ako.

Yung bisita kaya namin, katulad din kaya siya ng mga batang tumutukso at umaaway sa akin? Sana hindi. Sana iba siya. Sana maging magkaibigan kami.

"Sand, andito na sila!" tawag ni Mama mula sa baba.
Agad ako nagmadaling bumaba at tumungo sa front door kasama si Mama.

"Sand, kamusta ang beautiful princes ko?" tanong sa 'kin ni Papa matapos niya ako yakapin at halikan sa noo.

"Am good Pa." masiglang sagot ko sa kanya.

"Sand, I want you to meet Hulya." introduce ni Papa sa batang lalaki na nakayuko, nakasout ng over size jacket, payat at natatakpan halos ang mata niya ng mahaba niyang buhok.

"Hi." bati ko sa kanya with hand gesture pa pero hindi niya ko pinansin binaling niya pa ang ulo niya sa ibang direksyon.

"Hulya, eto ang anak ko si Sand." pagpapakilala naman sa akin ni Papa kay Hulya pero hindi niya ako binigyan pansin sa ibang direksyon lang siya nakatuon.

Nagkatinginan na lang kami ni Papa at binigyan niya na lang ako ng ngiti.

Ayaw niya ba sa akin?

* * *

Hapunan na at masayang-masaya nagkukwentuhan sina Papa at Mama. Ako naman nakatingin lang kay Hulya na hindi man lang niya magawa galawin ang hapunan niya. Nakita ko rin ang kabuuan ng mukha niya maputla siya at ang lalalim ng mata niya para siyang pagod at depress. Alam kong meron nangyaring hindi maganda sa kanya, gustuhin ko man itanong kay Papa kung anong talaga nangyari kay Hulya, wala naman akong lakas na loob para magtanong. Ayoko kasi ng mga sad stories e. Nakaka-depress lang malaman ang mga ganung kwento.

"Masarap yan. Luto yan ni Mama sigurado ako magugustuhan mo yan. Sige na tikman mo." pag-uudyok ko kay Hulya. Natigil ang conversation nila Papa't Mama at naramdaman ko ang mga mata nila sa amin dalawa ni Hulya.

"Hindi ako nagugutom." mahina niya pagkasabi.

"Hulya, kumain ka. Sabi sa akin ng asawa ko limang araw ka na raw wala matinong kain." saad naman ni Mama. "Sige na, iho kumain ka." batid na batid mo ang concern sa boses ni Mama para kay Hulya.

"Sige na, Hulya. Kumain ka na." dagdag pa ni Papa.

"Pasensya na po pero hindi po talaga ako nagugutom." agad siyang tumayo at umalis sa dining room.

Napabuga na lang ng hangin si Papa. "Let's just give him time."

Tumungo-tungo na lang kami ni Mama saka nagpatuloy ang mga magulang ko sa conversation nila na naputol kanina. Ako naman napatingin na lang sa pwesto kanina ni Hulya at napasinghap ako. Kahit gaano ka-depress ngayon si Hulya kailangan niya pa rin kumain.

TickingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon