Chapter XVIII - 30 Hours Left

69 11 0
                                    

Present

Sabi ni Time Keeper dahil dalawang araw at sampung oras ako nanatili sa nakaraan. Dalawang araw at sampung oras din ako mananatili dito sa kasalukuyan kasi nga kailangan mabalanse ang oras sa past at present para hindi masira ang future.

Hay! Ewan ko ba kung gaano komplikado ang trabaho ni Time Keeper sa pagbabalanse ng oras pero kung gaano man ka komplikado 'yon wala na ako pakealam dun, hindi ko naman concern ang trabaho niya, 'no.

Nalaman ko na si Jerico (yung bata huli ko tinulungan sa nakaraan) pala ang bagong direktor ng advertisement company namin at laking tuwa ko kung gaano siya kagaling gumawa commercial ad. Buti naman naging maayos na ang buhay niya at higit pa nga 'to sa inaasahan ko e.

And speaking of advertisement company, naalala ko tuloy si Bianca. Dati sila kasi may-ari ng isang sikat ng advertisement company five years ago at bigla na lang sila nagsara, at nawala sa industirya. Noong nangyari 'yon pinahanap ko sila Bianca dahil pati sila ay nawala na lang ng parang bula pero lumipas ang five years na wala man lang ako nakuha na impormasyon kung nasaan siya ngayon.

Hanggang sa tinawagan ako ni John. Nahanap na niya si Bianca at nasa mental hospital siya ngayon.

* * *

"This is my fault." sambit ko sa sarili ko habang tinititigan ko si Bianca sa kwarto niya.

"No. No, your not." pailing-iling sagot sa 'kin ni John habag na kayakap siya sa 'kin mula sa likuran ko at nakatitig din siya kay Bianca. "Why you said that?"

"Five years ago she begged for my help but I declined." napakagat ako ng labi upang mapigilan ko ang pag-iyak. Naaawa ako kay Bianca.

Tulala siya, wala siyang imik at ang payat niya, putla-putla siya, ang lalalim ng eyebag niya para na siyang isang buhay na bangkay.

Sabi ni John nagkaroon si Bianca ng nervous breakdown dahil hindi niya kinayanan ang lahat ng nangyari sa kanya. Ayon pa sa pag-iimbistiga ni John matapos magsara ang advertisement company ng pamilya nila hindi matanggap ng ama ni Bianca ang nangyari sa kaisa-isa nilang negosyo kaya nalunong siya sa sugal at alak. Hindi nagustuhan ng ina ni Bianca ang mga nangyayari sa buhay nila lalong-lalo na ang pagkalunong ng asaw niya sa sugal at alak hanggang isang araw ng tuluyan nawalan ng pera sila Bianca nagdesisyon ang ina ni Bianca nasumama na sa ibang lalaki at iwanan ang mag-ama niya na mesirable. Kinayanan pa raw ni Bianca ang lahat nangyari sa buhay nila pero hindi nagtagal sumuko siya nang mamatay sa liver cancer ang ama niya at doon na triger ang mental condition ni Bianca.

"It's all my fault." muli kong sisi sa sarili ko. "If I just help her not of this will happen."

"Drew." marahan ako hinarap ni John sa kanya at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "It's not your fault. Stop bleaming yourself."

"John, tinanggihan ko siya ng tulong sabi ko wala ako magagawa para tulungan siya pero ang totoo meron. Meron ako magagawa. May paraan ako pero mas pinili ko pa 'wag siyang tulungan dahil ayoko masangkot ang pangalan namin sa gulong nagaganap sa family business nila Bianca." tinanggal ko ang mga kamay ni John sa magkabilang pisngi ko at muli ako humarap kay Bianca. "If I just chose to help her. She'll be alright."

Lumapit ako kay Bianca at lumuhod ako sa harapan niya upang magpantay ang lebel ng mga mata namin. Hinawakan ko ang payat niyang kamay at hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya.

"Itatama ko ang lahat. Pangako yan." napangiti ako ng mapait. "You will be alright. Lahat ng nawala sayo ibabalik ko."

Tumayo ako at saka ko hinalikan si Bianca sa noo niya. Nang lumingon ako nasa harapan ko na si Time Keeper bago pa siya makapagsalita o gumawa ng kung ano, nagsalita ako kaagad.

TickingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon