Past
Hindi ako tinigilan ni Bianca sa kakatanong niya tungkol kay John at sa sobrang kilig niya kala ko mawawalan na ko ng braso dahil sa sobrang kakapalo niya roon. Grabe ang babaeng 'to, bugbog na bugbog ang braso ko sa kanya puro pasa na nga sa tutuusin eh. Para makatakas sa malupit na kamay ni Bianca agad ko nilapitan si Hulya nung dumaan siya sa harapan namin. Dinahilan ko kay Bianca na may tutorial kami ni Hulya at nang makalapit na ko sa tutor ko nagtanong ako kaagad kung anong oras na.
"4:52pm na." sagot niya sa akin.
"Ganun ba. Sige tara na!" at hinigit ko ang braso niya.
"Teka! Saan tayo pupunta?" pagtatakang tanong niya sa akin.
"Basta! Wag ka ng magtanong pa." at muli ko siya hinigit sa braso papunta sa lugar kung saan may kailangan ako ayusin.
* * *
Para lang akong tanga na nagpupumilit magtago sa likod ng poste ng ilaw habang si Hulya naman nagtatakang tinitignan ako sa walang kwentang pagtatago ko.
"Sand, ano ba ginagawa natin dito?" nilingon ko si Hulya mula sa likuran ko. Nang makita ko ang mukha niya parang mas gusto niya pang itanong kung anong klaseng kalokohan ang ginagawa kong pagtatago sa likod ng poste ng ilaw na obvious naman na nakikita ako ng mga taong nagdaraan sa harapan namin.
Kesa sagutin ang tanong niya hinigit ko na lang ang kwelyo niya pababa sa akin kahit nerd ang tutor kong ito, ang tangkad naman pwedeng-pwede na siyang maging basketball player sa tangkad niya kaso mas pinili niya maging player ng 'Who wants to be a billionaire?'. Sayang!
"Nakikita mo ba 'yon?" tinuro ko sa kanya yung binatang naglalaro ng skateboard mag-isa sa loob ng basketball court na kanina pa namin minamatiyagan---ay! ako lang pala.
"Oo, bakit?" taas kilay na tanong niya sa akin.
Mula sa loob ng bag ko kinuha ko ang isang puti sobre. "Ibigay mo sa kanya 'to." at saka ko ito inabot kay Hulya.
Kinuha niya naman ito na may pagtataka sa mukha niya. "Ano naman ito?"
"Malamang papel!" sarcastic kong pamimilosopo sa kanya. "Dali na! Ibigay mo na yan sa kanya." at pinagtulakan ko siya papunta sa court.
Bago ang Marie incident may Jerico incident muna at 'yon nga ang binatang pinuntahan ni Hulya.
Ano nanaman ba ang ginawa ko at meron nanaman akong problemang nilulusutan? Sa totoo lang wala yun na nga ang problema WALA AKONG GINAWA! as in WALA TALAGA!
Si Jerico kasi ay isa sa mga pinakuan ni Mama na mabibigyan ng scholarship. Nakilala namin ni Mama si Jerico ng minsan kaming dumalaw sa isang public school na pinapasukang eskwelahan ni Jerico. Naghahanap kasi si Mama ng scholar ng Lorenzo Foundation that time at isa sa mga napili ay si Jerico. Pero hindi natuloy ang scholarship na'yon dahil naaksidente si Mama at hindi ko na rin naman pinansin pa ang mga bagay-bagay na'yon dahil masyado ako lumo para intindihin pa ang ibang tao ng mga panahon na'yon.
Hanggang sa magkatagpo ang landas namin ni Jerico (sa present time). And guest what? Isa na siya sa membro ng akyat bahay gang. Paano ko nalaman? Biktima lang naman po ako ng gang nila. Nang mahuli siya at iniharap sa akin agad ko siyang nakilala. At isa lang ang tumakbo sa isip ko. Kailangan kong baguhin ang takbo ng buhay niya at naumpisahan ko na ang pagbabagong 'yon.
Pinadali ko kay Mama ang proseso ng pagbibigay ng scholarship sa mga pinakuan niya sa public school at yung laman ng sobre na binigay ni Hulya kay Jerico ay scholarship certificate 'yon ni Jerico.