YOUTH 1

723 35 11
                                    

Jeuness P.O.V

Nakabusangot ako habang inaayos ang mga gamit ko.Hindi parin ako tinitigilan nang kaibigan ko sa nirereto niya sa aking boylet daw.Sa amin kasing magkakaibigan ay ako nalang ata ang single kaya todo bugaw sila sa akin sa mga kakilala nila.

"Kausapin muna kasi" pagpupumilit ni Alvara sa akin. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pag aayos nang gamit ko.

Hindi naman ako nagmamadali jan sa lovelife na iyan dahil alam ko na darating at darating din ang nakatakda sa akin. Atsaka mahirap na talamak ang mga g*go ngayon at manloloko ayaw kong mabiktima.

Diretso labas agad ako nang matapos akong makapag ayos habang sinusundan naman ako nang mga kaibigan ko.

"Tatanda ka nang maaga niyan ses" sabi ni Lennon na nakasunod sa akin.

Tamad ko siyang tinignan kaya nakita ko ang mga mukha nila na hinihintay ang isasagot ko.

"Hindi naman ako nagmamadali" tamad na tugon ko aaminin ko kung bakit ayaw ko pang magkaboyfriend dahil gusto ko ang maging una ko ay isang maginoo na mabait at masipag hindi yung sadboi na tambay sa kanto.

Hindi na nila ako ginulo mukha alam naman nila na ayaw ko talaga kaya tumigil na sila.Pagkarating namin sa Cafiteria ay halos magmukha nang palengke dahil sa dami nang mga estudyanteng nasa loob nito.Nahirapan kami sa paghahanap nang mauupuan buti nalang ay may bakante pa sa pinakagilid kaya agad na kaming umupo doon.

"Ako na ang bibili nang pagkain natin" pagpresinta ni Ramsey.

"Anong nakain mo babaita?" Nakataas na kilay na tugon ni Lennon.

Himala na siya ang nagkusa na bibili dahil lahat kami ay saksakan nang tamad kaya minsan nagkakabardagulan pa kung sino ang bibili.

"Amin na mga pera niyo habang nasa mood pa ako" lahad nang kamay niya sa harap namin kaya kanya kanya kami nang bigay nang pera.

Walang sabi sabi siyang umalis na hanggang hindi kuna siya nakita.

Dahil sa ingay sa loob at wala din naman akong gagawin ay kunuha ko muna ang cellphone ko para tignan ang aking mga Social Media Account. Agad kong binuksan ang aking facebook at hindi na din ako nagulat nang makita ko na halos 20 request friend kahit na kakadelete ko lang kanina sa mga lalaking nagrerequest friend sa akin.

Ikaw ba naman magkaroon nang kaibigan na kaunti nalang ay magpagawa nang tarpulin na may nakalagay na

"JOWAIN NIYO NA SIYA.MARIA JUENESS SEBRANO 17 YEARS OLD GRADE 10-RATTAN 5'6 HEIGHT 50 WEIGHT SINGLE PWEDENG LANDIIN 09*********"

Na may kasama pang mukha ko. Dahil sa ingay ay hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nang nasa kabilang table namin hindi naman iyon kalakasan kaya mukhang ako lang ang nakarinig sa amin.

"Anong balak mo doon sa nirereto sayo nung Rattan?" Tanong nang lalaki sa hindi ko malamang lalaki hindi ko din alam ang mga mukha nila.

Wala namang ibang section na rattan dito kundi kami lang dahil ang mga section ng grade 7  ay mga bulaklak samantalang ang mga grade 8 ay prutas,ang mga grade 9 naman ay uri nang gems at kami na grade 10 ay uri nang mga kahoy kaya malamang sa section namin ang tinutukoy nila.

"Tss,dagdag sa koleksyon" tugon niya at sabay sabay silang tumawa.

Tignan mo paano ako magkakagusto sa mga lalaki kung ganyan ang mga ugali anong tingin nila sa mga babae laruan na ginagawang koleksyon tapos itatapon pag nagsawa na.Big yuck sa mga lalaking ganun.

Bastos man pero tuloy tuloy akong nakikinig sa mga pinaguusapan nila kaya ganun nalang ang kunot ang noo ko habang nagscroll sa facebook kung hindi bisyo babae ang mga topic nila may mararating kaya sila.

Pagkarating nang pagkain namin ay agad na akong lumamon dahil sa sobrang gutom hinayaan kuna sina Ramsey na magchikahan tungkol sa mga boylet nila kahit na sawang sawa na akong marinig na araw araw may bago silang baby.Like damit ah araw araw nagpapalit.

"Mamayang uwian pala mauuna na kaming uuwi sayo ah" sabi ni Ramsey.

Kunot noo ko naman siyang tinignan bakit sila mauuna eh magkaklase lang kami sabay ang uwian namin kaya sabay din ang labasan namin.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Nakausap ko kasi yung lalaki na nireto ko sayo,gusto ka daw kasabay maglakad mamaya sa uwian." Kilig na tugon niya pati na din sina Alvara ay nakitili na din.

Bugaw is real

"Bakit naman ako sasabay sakanya eh hindi ko naman siya kilala atsaka tumigil nga kayo sa mga ginagawa niyong reto sa akin,ang babata pa kaya natin" pagsesermon ko sa kanila.

"Yan ka nanaman sa iyong matured main eh,minsan okay din yung akma sa edad mo ang attitude mo kasi minsan kalang maging teenager go with the flow,no worry." Sabi ni Lennon.

"Go with the flow" paggagaya ko sa pagkasabi niya.

"Magtiwala ka lang sa amin atsaka hindi naman basta basta yung naireto namin sayo,kaibigan siya nang boyfriend ko kaya alam ko na mabuti siyang tao" sabi ni Alvara na kung magdagdag nang jowa parang points sa candy crush ang bilis.

"Ewan ko sainyo" tugon ko at tumayo na para pumunta na sa next class namin.

Hindi pa man ako nakakalayo kila Ramsey nang makarinig ako nang biglang sigaw nang isang babae sa gawi ko.

"Please wag mo akong iwan" pagmamakaawa nang babae sa lalaking na ngayon ay walang pakialam ni tignan ang babae ay wala.

Dimo siya deserve teh walang kahit na sino mang babae ang magmakaawa na wag siyang iwan nang lalaki dahil ang dami pang mas deserve yung bang hindi papayag na mawala ka.

"Tapos na tayo Mae kaya umalis kana" walang ekspresyon na tugon nang lalaki.

Kung ako lang siguro yan kanina pa namimilipit sa sakit dahil babayagin ko yan para hindi na kumalat ang mga lahi nang mga mang iiwan.

"Hindi ako papayag" sigaw nang babae na nakakuha nang atensyon nang lahat.

Mas mabilis pa kay sonic ang mga estudyante na agad na nagpulong sa palibot nang babae kanya kanya na din sila nang pindot sa kanilang cellphone para videohan.

"Hay,bagong viral sa Campus Update" mahinang tugon ko.

Doon nila pinopost ang mga ganap dito sa buong Campus para na din itong freedom page dahil pwede kang magpost basta nagaaral ka sa Campus.

Samu't sari ang nandoon scandal nang estudyante na pinapakalat,pambubully sa mga bookworm at syempre itong mga katulad nang ganap na ito hindi na ako magugulat bukas ang buong campus ay pagchichismisan ang nangyare ngayon.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now