YOUTH 32

112 12 0
                                    

Jeuness P.O.V

Pagkagising ko kanina ay hindi na ako tinantanan nang mga tanong nila Ramsey at Alvara kung ano nga ba ang nangyare sa aming dalawa ni Cordin. Dahil makulit sila ay suko na ako sa kanila kaya sinabi kuna ang dahilan pero ang mga bruha matapos nilang marinig ang kwento ko ay wala man lang silang reaction samantalang ako ay naiinis parin sakaniya kahit na binuhat niya ako no matigas to like rock.

"Kung yan ang dahilan kong bakit ka nagdradrama ngayon bakit hindi mo siya palitan" tugon ni Alvara na nakakrus pa ang dalawang kamay niya. Masama ko siyang tinignan akala mo naman ay agad na makakahanap nang iba atsaka ayaw ko na sa mga pahanap hanap na iyan wala naman matino.

"Tss. Hindi niyo kasi nararamdaman ang nararamdaman ko" may pagtatampong saad ko sakanilang dalawa. Tumayo na ako para maligo na para makababa na dahil kami nalang tatlo ang nandito sa kwarto sina Angel,Alanine at si Cherry na nililigawan pala ni Ethan kaya niya ito sinama.

Binuksan ko ang bag ko para kumuha nang masusuot walang choice kong kinuha ang black na oversize na t-shirt at isang short na manipis dahil wala naman kaming plano ngayon na lumabas.

Rinig ko ang dahan dahan na paglakad nila papalapit sa akin habang ako ay abala parin.

Hinawakan ni Ramsey ang balikat ko atsaka nagsalita.

"Hindi naman sa ganun pero hindi ba masyado mong sinasaktan ang sarili mo habang siya ay masaya sila ni Angel na walang kaalam alam sa kagaguhan na ginawa niya saiyo." paliwanag ni Ramsey sa akin. May point naman siya sa sinabi niya parang lugi naman ako kung titignan pero disesyon ko naman ito. Disesyon kong wag nang ipaalam kay Angel ang namagitan sa aming dalawa ni Cordin..... para saan pa ba wala naman na kami.

"Kung gusto mong sumaya ulit tawagan mo lang kami,kami na ang bahala sayo"  saad ni Alvara na may pakindat pang nalalaman na sagot na sagot nila ako.

Bumuntong hininga ako atsaka tumingin sa kanilang dalawa nilalamon na sila nang mga lalaki pati kasiyahan binabase nila sa mga lalaki.

"Hindi naman kailangan nang lalaki para sumaya okay na yung enjoy mo yung sarili mong buhay na ikaw lang mag-isa mas masaya yun" lagpas ko sakila sabay pasok sa banyo. Sinilip ko muna sila at nagpaalam na maliligo na dahil sila ay kanina pa daw nakaligo habang tulog ako.

Gaya ko ay nakambahay lang din naman silang dalawang ang ipinagkaiba lang ay mukhang bago palang ang mga damit nila samantalang ako ay pang araw araw kuna talaga ito ang galing kasing pumili ni Mama nang damit na dadalhin ko sana ako nalang para naiwan kuna din yung mga walang kwentang couple na damit na dagdag lang sa bigat kung dati ay kilig na kilig pa ako habang iniisip na susuotin ko ang isa doon ngayon naasiwa na ako.

Matapos kong maligo ay sa banyo na ako nag ayos nang aking mukha at nang ano pang gagawin ko doon na ko nang skincare atsaka naglotion na din. Nilagay ko muna sa buhok ko ang towel bago ako lumabas nang banyo wala na akong nadatnan na tao sa kwarto mukhang bumaba na ang dalawa. Sinuklay ko ang buhok ko at tumingin sa salamin muna bago ako napagpasyahan na lumabas na. Tss para lang talaga akong nasa bahay namin. Dahan dahan akong bumaba mula sa hagdanan nila Lennon hindi pa man ako nakarating sa baba ay rinig kuna ang usapan nila.

"Sabi ko kasi sainyo order nalang tayo pagkain eh" rinig kong tugon ni Lennon mula sa itaas mukhang nagluluto sila doon nang almusal.

"Akala ko naman kasi meron marunong sa ating magluto eh" rinig ko din tugon ni Ramsey.

Hindi ko mapigilan na matuwa sa narinig kong usapan nila bago pa sila nag away ay agad na akong lumapit sa kanila meron kasi akong cooking skills na maipagmamalaki ko naman sino ba dito ang kayang magluto nang itlog ng sunny side-up na hindi nababasag yung kulay dilaw sa gitna ako lang iyon.

"Anong meron?" tanong ko sakanila na bago tignan ang kabuohan nang kusina nila Lennon kalat kalat ang mga mangkok at yung itlog na basag na nasa floor pa.

"Nandito kana Uness baka naman pwede kang magluto" tugon ni Lennon na lumapit pa sa akin sabay hawak sa kamay ko na mukhang nagmamakaawa.

Tumango lang ako sakaniya bago siya nilagpasan at pumunta sa may kalan nila atsaka kinuha ang apron nila na agad kong sinuot. Nilinis ko muna ang mga kalat bago ako magsimulang maghanap nang sangkap nang lulutuin ko.

"Marunong ka palang magluto Jeuness" sabi ni Ethan sabay lapit sa akin at sumilip.

Ngumiti ako.

"Ah,oo marunong din kahit papaano tinuruan kasi ako ni Mama atsaka ako kasi palaging taga luto nila pag ganitong nasa bakasyon kami." tugon ko sakaniya sabay turo kina Alvara na nakatingin din sa akin halos lahat pala sila para akong nasa isang cooking show tapos sila ang audience.

Hindi ko mapigilan na hindi mailang sa pagtingin nila sa akin kaya bago masunog ang niluluto ko ay hinayaan kuna silang tignan ko. Simpleng adobo lang ang niluto atsaka ang pinakaproud akong lutuin ay ang sunny side-up na sakto sa amin na isa isa.

Tumulong na sila Cherry sa pag handa nang lamesa habang ang boys naman ang nagpresinta na maghugas nang plato kanina dahil sila daw ang nagkalat nang subukan na magluto nang almusal para sa aming mga babae.

Pati sa arrange nang upuan ay walang akong katabi kaya umupo nalang ako sa pinakauna kung saan umuupo si Tito Leno pag dito siya nagaalmusal...oo nga pala nasaan nga pala si Tito mukhang wala siya dito ngayon maaga atang umalis para tignan ang bukid nila. Kilala kasi dito sa bayan nila sina Tito Leno sa pagsasaka atsaka pagtatanim nang mga gulay tulad nang talong,mais na dinadala sa merkado.

Mula sa dito sa upuan ko ay nakikita ko silang lahat kung ano ang ginagawa nila. May nagsusubuan pa ang silang lahat habang ako ito sinusubuan ang sarili HAHA!mabulunan sana silang lahat mga malalandi sumasarap ba ang pagkain kung nagsusubuan hindi naman.

"Saan niyo gustong pumunta at ipapasyal ko kayo?" tanong ni Lennon matapos naming kumain at nakaupo na ngayon sa sala habang nasa kusina ang lahat nang lalaki para maghugas nang plato.

"Diba naikwento mo sa kanina na may palayan kayo at gulayan gusto kong makita iyon" masiglang tugon ni Cherry na agad naman nilang sinang ayunan habang ako ay tumango lang intresado din naman ako sa dahil sa mga picture lang ako nakakita nang mga palayan dahil sa Maynila halos lahat nang lugar ay may nakatayong gusali.

Matapos maghugas nang plato ang mga boys ay sinabi namin ang plano namin na pagpunta sa palayan nila Lennon na agad din naman nilang sinang ayunan din kaya ito kami ngayon naghahanda paalis. Nilalakad lang daw ang papunta doon dahil hindi naman daw pwede ang mga sasakyan doon atsaka malapit lang daw naman iyon.

Hindi na rin kami nagpalit nang damit dahil paguwi daw namin mamaya ay maliligo kami sa malinis na ilog sa likod nang bahay nila.

"May payong ba kayo Lennon?" maarteng tanong ni Alvara na may pahimas pa nang balat.

Mag aalas diyes na din kasi nang umaga kaya medyo mainit na ang araw at walang nang vitamins agad na tumalima si Lennon at pumasok sa loob nang bahay uli nila para kumuha nang payong. Pagkarating niya ay tatlo lang ang payong na hawak niya samantalang ang dami namin hinayaan ko nalang kunin nila ang mga payong at humingi nalang nang tuwalya kay Lennon para yun nalang ang gamitin.

Nang masiguradong okay na kaming lahat at wala nang nakalimutan ay nagsimula na kaming maglakad gaya kanina pinauna ko nanaman sila mabagal akong maglakad atsaka sa gusto kong magpahuli eh.

Thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now