YOUTH 19

113 10 0
                                    

Jeuness P.O.V

Matapos ang panghuling klase namin ay agad na kaming pumunta sa room dahil ngayon na sasabihin ni Ma'am kung ano ang aming final project.

Nandito na kami ngayon sa loob habang hinihintay si Ma'am na dumating.

"Sana magkagroup tayo" tugon ni Ramsey na katabi ko.

"Ayaw ko sawang sawa na ako na kasama ka" biro ko sakanya.

Laging kami nalang kasing dalawa ang magkagroup dahil magkatabi kami at laging nagkakataon. Kaya hindi mo naman maiiwasan na mabanas sakanya.

"Ouch,masakit ah" nakahawak sa dibdib na tugon niya na para talagang nasaktan.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil sa pagdradrama niya. Magsusumbong daw siya kay Nathan na sinasaktan ko siya OA. Nililibot ko ang tingin ko sa room nang mapatigil ako nang mapansin ko si Alanine na parang may tinitignan sa labas dahil halos humaba na leeg niya kakatingin habang patingin tingin sa cellphone niya.

Hindi naman sa masyado akong feeling close ay dahan dahan akong tumayo para lapitan siya. Nakalapit naman ako sakanya na hindi man lang niya napapansin.

"May hinahanap ka?" tugon ko sakanya para makuha ang atensiyon niya.

Gulat niya akong tinignan at mukhang natauhan kaya dali dali niyang niyuko ang ulo niya.

Para naman maging formal kami at gusto ko din naman siyang maging kaibigan.

"Jeuness" pakilala ko sa sarili ko. Ewan ko kasi kung kilala niya ako dahil hindi naman kami naguusap dalawa ito palang siguro ang una dahil sa sobrang tahimik niyang tao at hindi nakikihalubilo sa amin.

Napangiti ako nang makita kong inangat niya ang ulo niya at binigyan ako nang maliit na ngiti.

"Alanine" mahinang tugon niya.

"Matagal na kitang kaklase at napapansin ko na wala kang kasama lagi kaya ngayon wag kang mahiyang sumama sa amin ah. Kaibigan na  tayo ngayon. " nakangiting tugon ko bago ako umalis dahil nakita kunang papasok si Ma'am.

Bago ako nakalayo ay narinig ko pa ang sinabi ni Alanine sa akin.

"Salamat"

Nakakagaan nang loob kahit na wala iyon mas masayang marami kang kaibigan at laging nakakasama. Iba ang saya pag may mga kaibigan ka matino pa yan o abnormal kaya nang mga kaibigan ko.

"Nice to see you again class" bati sa amin ni Ma'am Vangie. "Mukhang kompleto kayong lahat ah,yung mga iba ngayon ko palang nakita dahil ngayon lang pumasok dahil ngayon ko sasabihin kung ano ang project niyo." Pagpapatuloy ni Ma'am sabay upo sa kanyang desk sa harapan may kinuha ito sa kanyang handbag.

Pansin ko nga din kanina na kompleto nga kaming lahat. Tama si Ma'am na yung iba ay ngayon lang nakita dahil hindi naman sila pumapasok sila yung nakikita mo lang pag may exam at project.

"Napagusapan namin nang mga ibang adviser na iba ibahin ang mga project niyo. May mga gagawa nang research,may gagawa nang discussion Dalawang ang magiging topic niyo sa project na ito kaya nahahati kayo sa dalawa at dahil kayong lahat ay thirty.Pwede din naman kayong magpatulong sa kaibigan o kamag anak pwede din ang mga kakilala dito sa school basta hindi niyo sila naiistorbo." Tugon ni Ma'am sa aming lahat na halos nakikinig lahat.

Bigla ko tuloy naalala si Cordin dahil doon sa sinabi ni Ma'am a pwedeng magpatulong. Sana ay hindi siya busy o kaya wala siyang ginagawa para magpatulung ako sakanya kung wala siyang gagawin.

Naglabas si Ma'am nang garapon na naglalaman nang mga maliliit na papel sa loob mukhang alam kuna ang mangyayare.

"Class bubunot kayong lahat dito sa garapon na ito para malaman niyo kung ano ang nakatuka sa inyo. Uunahin muna natin ang unang grupo." tugon niya sabay tingin na sa record niya.

Pikit mata ko habang hinihintay na matawag ako. Ang tibok nalang nang puso ko ang naririnig ko ngayon sa sobrang kaba.

Ganun nalang ang ginhawa ko nang hindi ko narinig ang pangalan ko kaya ibig sabihin nun ay next group ako pero nakakalungkot lang dahil natawag sina Lennon at Ramsey pati na din si Alanine na gusto kong maging kagrupo para naman mas makilala ko pa siya lalo.

"Ang mga hindi ko natawag ay obvious na kayo ang pangalawang group. Sa unang grupo ay tungkol sa Noli Me Tangere habang ang pangalawang grupo naman ay gagawa kayo nang sarili niyong storya na gaya din nang Noli Me Tangere." Mahinahong tugon ni Ma'am sa aming lahat. Inayos na niya ang mga gamit niya mukhang tapos na niyang ang sinasabi niya.

"May mga magbabago at madadagdag pa sa mga susunod na araw pero ang gawin niyo nalang ngayon ay ang nagmeeting para mapagusapan niyo lahat. Tulongan ang kailangan niyo para matapos niyo nang maaga at maayos ang inyong project." huling tugon niya bago siya umalis sa room namin.

Samu't saring boses agad ang narinig ko matapos umalis ni Ma'am sa room.

Kanya kanyang hinahing kung paano nila gagawin ang mga project namin ngayon. Paniguradong mawawalan na kami nang freetime dahil magiging busy ang lahat sa  gagawin naming project sana maintindihan ako ni Cordin. Pero panigurado naman ako na okay lang sakanya dahil wala siyang magagawa atsaka kung talagang mahal niya ako ay iintindihin niya ako dahil tungkol ito sa pag aaral ibang usapan yun.

Hindi ako sumabay kila Lennon na maglakad pauwi dahil kasabay ko siyang umuwi at balak ko na din na kunin yung notebook ko na nasakanya pa dahil doon sa pinasulat ko siya nang mga gusto niyang gawin namin sa bakasyon. Sana tapos na siya kailangan ko gamitin yun sa takedown notes ko.

Mag-isa kong nilalakad ang building nila Cordin dahil may kalayuan iyon sa aming building. Pagkarating ko doon ay yun din naman na sakto nilang paglabas.

"Hello" bati ko sakanya nang makalapit na siya sa akin.

Sumilay ang kanyang ngiti bago niya ako sinagot.

"Hi girlfriend ko" ngiti niyang tugon niya.

Hinawakan niya ang kamay ko bago kami maglakad nang sabay. Holding hands while walking perfect time nang mga couple. Bigla siyang tumigil saglit at may parang kinuha sa bag niya.

Dahan dahan niyang nilabas yung notebook ko na iba na ang kulay dahil kanina brown lang na may sticker sa taas nang pangalan ko ngayon nababalot na ito nang kulay pula habang may nakasulat na pangalan na diko makita.

"CORNESS BUCKET LIST" malakas na tugon ko.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now