YOUTH 26

98 13 0
                                    

Jeuness P.O.V

"Ang sarap sa pakiramdam" buong malakas na sigaw ni Lennon matapos naming ipasa nang sabay sabay ang mga ginawa naming project. Dapat ay mamayang hapon kupa ipapasa ang sa akin pero mapilit sila kaya napasabay na din ako.

"Para ka naman nanalo sa lotto" iritang tugon ni Ramsey na rinding rindi sa ingay ni Bakla.

"Mas higit pa doon isipin mo ang hirap na dinanas natin nang mga nakaraang araw at ngayon na matatapos" sigaw uli niya kaya sabay sabay kaming napahawak sa kanya kanya naming tenga.

Umatras pa si Alvara na natabi niya ngayon. Talaga naman kasing mapapaatras ka kung ganun kalakas magsalita ang katabi mo kung mahal mo ang eardrums mo.

"Tumigil kana Lennon mahiya ka nga hindi lang ikaw ang tao dito,ang ingay ingay mo" mahinahon kong tugon sa kanya.

Tumango tango naman siya at kunwaring zinipper ang bibig niya gamit ang kanyang kamay. Sa wakas tatahimik na din.

"By the way, naikwento ko kasi kila Meynard na magbabakasyon tayo pagkatapos ng finals gusto nilang sumama. Pwede ba?" tanong niya sa aming tatlo.

Tumango agad ako wala naman masama kung sasama sila mas maganda nga iyon dahil mas marami mas masaya atsaka malay mo mas doon pa naman makikilala ang isa't isa at maging matibay na magkakaibigan.

"Okay lang naman sa akin para mas masaya tayo" tugon ko sakanila agad ko naman tinignan ang dalawa.

"Okay lang din sa akin basta kasama ang baby ko" kilig na sabi ni Alvara. Kailan pa ba hindi nakasama si Vesper sa bakasyon namin magbabarkada.tss.

"Okay lang din" tipid na tugon din ni Ramsey. Hindi matago ni Lennon ang saya niya habang nakatingin sa amin nakangiti ito nang labas na ang gilagid.

Masaya kaming sabay sabay na naglalakad sa ground nang makita namin sila Meynard na mukhang kakapasa lang din nila nang project kasama nila ang buong THE BAND kaya pinagtitinginan nanaman sila ng mga kababaihan dahil sa hawak nilang karisma.

"Hello" malanding bati ni Lennon sa kanila nang makalapit na sila sa amin. Doon ko lang din napansin na wala si Cordin at hindi ko parin nakakalimutan ang nakita ko nung nakaraang araw nawalan na kasi ako nang time kahapon para humawak nang cellphone kaya diko siya natawagan o nachat manlang.

"Hi girls" bati naman nila sa amin.

"Nakasabi ko na nga pala sa kanila na sasama kayo at pumayag naman sila kaya lahat tayo ay sama samang magbabakasyon" masiglang tugon ni Lennon na patalon talon pa na parang bata. Hindi namin maiwasan na mahiya sa pinapakita niya ngayon akala ko kasi ay sa amin nila lang kayang ipakita ang childish na ugali.

"Kung ganun pala ay magiging masaya to" tugon ni Meynard na nakangiti.

Bakas sa mga mukha nila ang excitement na magbabakasyon kaya nahawa na din ako.

"Pwede bang magdala nang kasama" biglang sabat ni Ethan sa amin.

Tinignan ko ang leader nang bakasyon na ito. Tumango lang ang naging sagot ni Lennon.

"Okay lang naman basta ba may paalam nang magulang. Mahirap na kasi baka kung ano ang mangyare syempre pag umalis na kayo sa bahay bahay niyo at saamin na nakaatang ang kaligtasan niyo. Mahigpit na bilin ni Papa na wag namin isasama ang mga walang alam ang magulang na aalis." mahabang saad ni Lennon sa aming lahat para niya kaming mga anak na sinasabihan dahil lahat kami ay nakaharap sa kanya habang siya ay mag-isa na nakatayo sa kabila.

"Tama ka" tugon ni Nathan sakanya.

"Hehe.enebe kebe bebe nethan penepekeleg me akesh" pabebeng sabi ni Lennon kay Nathan na halos wala kang maintindihan.

Akamang lalapit pa si Lenno kay Nathan nang mabilis na hinarangan siya ni Ramsey.

"Akin siya" seryosong tugon niya na nakatingin lang kay Lennon.

Gulat na gulat namin siyang tinignan. Sila bang dalawa?bakit ang possesive naman poh.

Napatawa naman bigla si Lennon.

"Sayong sayo siya no." patawang tugon niya kay Ramsey na ngayon ay nasa tabi na ni Natban. "Cge na bibigyan ko muna kayo nang isa't kalahating araw na pahinga bago tayo umalis. Alam kung pagod kayo,tayong lahat kaya kung ano man ang gusto niyong gawin o kaya magimpake ay magimpake na kayo. See you nalang sa bahay bahay niyo para doon sunduin. Siguraduhin din na alam nang mga magulang kung saan tayo pupunta ah sa pangasinan hometown ko." ngiting tugon ni Lennon sa aming lahat bago siya umalis para siguro umuwi na at magpahinga.

Ganun din ang ginawa namin nagpaalam na kami sa isa't isa. Sina Alvara at Vesper ay sabay na umalis syempre sabay daw silang mag iimpake nang mga damit nila ganun din si Ramsey na kasunod si Nathan mukhang magsasama din ang dalawa ngayon. Nagpaalam na din ang sa kanila na aalis na kahit wala naman akong masyadong pupuntahan ngayon libre na ang buong oras ko.

Napagpasyahan kung maglakad lakad nalang dito sa loob nang school yun siguro ang nabawasan nung nagsimula ang gawain namin. Dati kasi ay lagi kaming naglalakad nila Lennon dito kahit na wala naman kaming pupuntahan nakakarelax din kasi ang mga naglalakihang puno at mga nakatanim na bulaklak sa paligid. Infairness ay eco friendly ang school namin dahil iba ang nabibigay na relaxation nang kapaligiran.

Lakad nalang ako nang lakad hanggang magulat ako na nasa mini forest na ako nakatayo habang tinitignan sa malayo si Cordin na nakaupo sa lupa at nakasandal sa damuhan. Dahan dahan ko siyang nilapitan at mukhang hindi niya naramdaman ang paglapit ko dahil nakatingin lang ito sa malayo.

Kahit na may tampo ako sakaniya dahil sa pagsisinungaling niya nung nakaraan na may importante daw na pupuntahan pero nasa loob lang nang mall at nagiice cream kasama si Mark at yung magandang babae ay hindi ko matiis na hindi siya hanapin at kausapin. Wala akong patutunguhan kanina pero alam nang puso at isip ko kaya nakarating ako dito.

"Saan ka pumunta kahapon?" biglang basag ko sa katahimikan bago umupo sa tabi niya.

Kitang kita ko naman ang gulat sa mga mata niya na nakita niya ako dito.

Ewan ko kung bakit iyon ang una kung sinabi siguro para makita rin kung magsisinungaling ba siya o sasabihin ang totoo.

"Hmm... sa ba..bahay nang Tito ko" pagsisinungaling niya sa akin.

Tinignan ko siya na ngayon ay nakatingin din pala sa'kin. Binigyan ko siya nang pilit na ngiti. Bakit kailangan niya pang magsinungaling kung pwede naman niyang sabihin ang totoo.

Hindi kuna siya sinagot at gaya niya ay tumingin nalang din ako sa paligid. Ayaw kong magsalita baka kasinungaling nanaman ang marinig ko.

"Alam mo nung una kitang makilala wala akong masabi sa kagandahan at sa ugali mo. Napakabait mo kahit na lagi kitang  sinusungitan kaya sabi ko hindi ako magsasawang ipagpilitan ang sarili ko sayo para mapansin mo lang ako at hindi naman ako nagkamali. Grabe ang saya ko nung sinagot muna ako parang sumasayaw ang puso ko sa tuwa hanggang dumaan ang mga araw,linggo at umabot na tayo nang buwan. Masayang masaya ako na nakasama kita hindi ko naranasan sayo ang paghihigpit kasi lagi mo akong hinahayaan na gawin ko parin yung mga gusto ko na ginagawa ko dati." seryosong tugon niya na nakatingin sa malayo.

Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti.

Thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now