YOUTH 9

169 16 0
                                    

Jeuness P.O.V

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko sakanya. Simula kanina ay wala pa sa amin ang nagsasalita matapos maghawakan ang aming mga kamay.

Hindi ko alam pero napakalambot ng kamay niya.shit.ang sarap pisilin at hawakan mukhang hindi gumagawa nang mabibigay na gawain sa bahay. Samantalang ako na magaspang pa sa magaspang ang kamay ko paano ba naman maglaba,maglampaso nang sahig lahat na ata nang gawain bahay.

Tinignan niya ako kaya agad akong napaiwas ng tingin baka matunaw ako.

"Ikaw ba saan mo gustong pumunta?" pagbabalik na tanong niya sa akin. Nagkibit balikat ako kahit naman saan kami pumunta basta kasama ko siya okay na ako atsaka wala din akong dalang pera ang sarili ko lang ang dala ko kaya mukha window shopping muna ako ngayon pag may nagustuhan auto pikit agad.

"Siguro maghanap nalang tayo nang magandang puntahan o kaya naman gusto mo na maglakad-lakad muna tayo" tugon ko.

"Cge kung yan ang gusto mo" tugon niya sabay hila sa akin sa tapat nang Watson.

Habang papalapit kami ay pumikit na talaga ako hawak naman ako ni Cordin kaya hindi siguro ako madadapa. Kahinaan ng mga babae ang Watson papasok kang may pera lalabas kang butas ang bulsa.

Hindi ko alam kung nasaan na kami nang bigla kaming tumigil dahil nakapikit parin ako. Nakarinig ako nang biglang pagtawa kaya dali kong binuksan ang mga mata ko at doon ko nakita ang tawang tawang si Cordin habang nakatingin sa akin.

"Bakit ka nakapikit" tugon niya na tumatawa parin.

"Wala" irap ko sakanya tinignan ko kung nasaan kami at nandito na nga kami sa intrance nang watson.

"Pasok na tayo" tugon niya. Umiling iling ako ayaw kong pumasok sasaktan ko lang ang sarili ko.

"Wala akong dalang pera" malungkot na tugon ko habang tinitignan ang mga product na nasa loob.

"Sino bang may sabi na ikaw ang magbabayad" tugon niya at nagsimula nang maglakad papasok pero agad ko siyang hinila. Magkahawak parin ang mga kamay naman...

MAGKAHAWAK PARIN ANG MGA KAMAY NAMIN.

MAGKAHAWAK PARIN ANG MGA KAMAY NAMIN.

MAGKAHAWAK PARIN ANG MGA KAMAY NAMIN.

Mabilis kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya bigla siyang napatingin sa akin. Hindi ko napansin yun ah na kanina pa pala kami magkaholding hands abusado ah.

"Abusado kana" tugon ko.

"Haha!Ikaw kaya ang ayaw bumitaw sa akin." tugon niya.

"Ikaw kaya ang naunang humawak" tugon ko sakanya habang masama ang tingin.

"Mag aaway ba tayo?Tara na pasok na tayo" tugon niya. Nagyayaya akala mo may pera ang loko.

"Ayaw ko wala akong dalawang pera para bumili. Atsaka ayaw kong gagastos ka para sa akin hindi ko naman masyadong kailangan ang mga iyan ang iba meron pa ako sa bahay. Kaya kong bumili ng sarili kong luho kaya tara na maglakad nalang tayo" pagyaya ko sakanya. Mahirap na kuhanin ang pera sa panahon ngayon wala ka nang mapupulot na pera sa daan kahit lakarin mo pa Luzon hanggang Mindanao.

Nang mapansin ko na wala siyang balak na umalis ay agad ko siyang hinila para maglakad. Tumigil siya bigla at pumunta sa harapan ko.

"Ililibre kita ngayon araw hindi dahil wala kang dalang pera pero dahil gusto ko. Kaya wag kang tumangi sa paglilibre ko." tugon niya at nagsimula na ulit maglakad.

Muntikan pa kaming mag away dalawa sa pagpili kong saan kami kakain. Gusto niya ay sa mamahaling restaurant dito sa mall habang ako ay gusto ko sa Foodc
ourt nalang kami kumain mabubusog kapa doon samantalang sa mga restaurant isang kutsarang spaggetti  tiple ang bayad akala mo may gold na ingredients. Nanalo ako kaya ang ending Foodcourt kami dahil ako na ang nanalo ay hinayaan ko na siya na ang pumili nang pagkain na bibilin niya tutal pera naman niya.

Nakaupo na ako at hinihintay siya hindi ko naman maiwasan na tignan siya habang bumibili siya sa may shawarmahan kaya doon ko palang nakita ang buong suot niya. Denim pants na kulay dark blue samantalang ang damit naman niya ay white culture shirt na pinaresan nang white na sneakers na Vans. Bagay na bagay sakanya ang suot niya dahil mas lalo nakikita kung gaano kaganda ang katawan niya at nang kulay ng niya na maputi kung mukha naman ang titigan mukha siyang inosente na hindi makabasag plato ang mga mata niyang katamtaman ang kasingkitan,ang ilong niyang hindi katangusan pero bagay sa mukha niya at syempre ang labi niyang dry pa sa dry joke mukha naman alagang lip balm.

"Ang gwapo ni Kuya na nakawhite doon" tugon nang babae na nasa kabilang table. Halatang si Cordin naman ang tinutukoy niya.

"Oo nga ang swerte naman ng girlfriend niya gwapo na mukhang mabait pa" tugon ni Ateng isa.

Oo tama siya napakaswerte nang magiging syota niya dahil mabait,masayahin at gwapo pa ibang iba siya sa mga nakikita kong mga lalaki dito sa mall.

Yung iba mukha adik sa mga suot naka loose shirt habang naka jeans na punit punit tapos nakatsinelas asahan mo pang may malaking necklace na parang kadena.

"Alam kong gwapo ako pero dahan dahan sa pagtitig baka matunaw ako." biglang sulpot niya sa harapan ko.

Mabait,Masayahin at Gwapo nga ang Hangin naman nahiya ang Aircon dito sa buong Mall sa sobrang hangin.

"Ang kapal" mahinang tugon ko. Tinignan ko ang dala niyang tray na punong puno nang samot saring mga pagkain.

"Ilan ba papakainin mo ah" reklamo ko. dahil hindi na magkasya sa lamesa namin ang lahat nang pinamili niya samut sari hindi ko rin alam ang iba.

"Ikaw lang" tugon niya.

"Ewan ko kung galante ka lang talaga o iniinsulto mo akong matakaw" irap kong tugon sakanya.

Napatawa siya nang malakas kaya napatingin sa amin ang lahat nang kumakain din. Napatakip nalang ako nang mukha ko sa hiya.

"Hay!sayang naman ay girlfriend na" rinig kong tugon ni Ate.

"Oo nga sayang" tugon din nang isang ate.

"May plano na ako kaya kailangan mong kumain nang marami dahil marami tayong pupuntahan." tugon niya.

Nagkibit balikat nalang ako at kumain na sa abot lang sa kaya nang tiyan ko. Habang kumakain kami ay mas lalo ko lang napatunayan na mas mahangin pa siya sa mahangin. Bumabanat pa nang mga nakakakilig pero siya lang din naman ang kinikilig gasgas na lahat nang banat niya.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now